MAAGA akong nagising para pumasok ng work. Nag-inat muna ako ng katawan ko bago ako tuluyang bumangon sa sofa. Oo, sa sofa ako natulog. Gusto pa nga sana ni Niko na siya nalang daw ang matutulog sa sofa at ako nalang daw ang sa kwarto.
Hindi ako pumayag dahil nakakahiya naman sakanya. Siya na nga nagbayad ng renta tapos ako pa hihiga sa kama niya. Hindi naman makapal ang mukha ko, may hiya din akong taglay.
Buti nalang talaga ang banyo ay malapit sa kusina kaya hindi ko na kailangan pumasok sa kwarto ni Niko.
Kinuha ko lang ang t'walya ko at mabilis ang kilos na tinungo ang banyo. Agad akong naligo dahil ako ang opening ngayon sa trabaho ko.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang din ako agad sa loob ng banyo. Baka kasi biglang lumabas si Niko at makita akong nagbibihis.
Hirap na hirap akong isuot ang pantalon ko dahil nasasayad sa basang sahig ng banyo kaya no choice ako na sa labas nalang suotin. Isinuot ko lang ang polo tshirt ko saka itinapis ang twalya sa beywang ko.
Agad kong isinuot ang pantalon ko nang makalabas ako ng banyo. Ngunit, biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Niko. Napatigil tuloy ako sa pagsuot ng pantalon. Nag-angat ako ng tingin dahilan para magka salubong ang tingin naming dalawa na agad naman siyang nag iwas ng tingin at agad na bumalik ng kwarto at mabilis na isinara ang pinto.
Napa-iling nalang ako saka mabilis na itinaas ang pantalon ko. Naglakad ako papunta sa couch para kunin ang lagayan ng mga make up ko at suklay. Inayos ko muna ang buhok ko bago ako nag simulang mag make up.
Bumukas ang pintuan sa kwarto ni Niko at lumabas siya mula do'n. Dumeritso siya sa kusina kaya hindi ko nalang siya pinansin.
"Kumain ka muna, bago ka pumasok sa trabaho mo." Biglang sabi niya.
Agad akong napalingon kay Niko ng marinig ko ang baritonong boses niya. Hindi siya nakatingin sa 'kin dahil nag iinit siya ng tubig sa kettle. Naglagay pa siya ng dalawang baso para siguro magtimpla ng kape.
Tumingin siya sa 'kin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. "Bibili lang ako ng pandesal, para makakain ka muna." Sabi niya at agad naglakad papunta sa pinto saka lumabas ng apartment.
Napatayo ako sa upuan ng marinig kong kumulo na ang tubig na pinakuluan ni Niko. Hinugot ko ang saksakan no'n saka isinalin ang mainit na tubig sa dalawang tasa na hinanda ni Niko.
Hinalo-halo ko ang kape ng makabalik si Niko ay may dalang pandesal. Lumapit siya sa 'kin at umupo sa katapat kong upuan. Inilapag niya ang pandesal sa mesa saka kumuha ng isa at nilagyan niya ng palaman at inabot sa 'kin.
"Thank you!" Sabi ko sakanya sabay kagat ng binigay niya sa 'kin na pandesal.
"Anong oras out mo mamaya?" Tanong niya sa 'kin habang nagpapalaman ulit siya.
"5PM out ko mamaya. Bakit?" Kunot nuo kong tanong habang ngumunguya.
"Susunduin kita mamaya." Seryoso niyang sabi.
Kumunot naman lalo ang nuo ko at tumingin sakanya. "Bakit.. alam mo ba kung saang mall ako nag tra-trabaho?"
Hindi naman siya naka sagot. Napaka imposible naman kasi na alam niya eh, wala nga siyang maalala sa pangalan niya or buhay niya. Kaya pano niya malalaman saan ako pumapasok eh, hindi ko pa naman siya dinala sa work ko.
"Basta. Susunduin kita." Seryoso niyang sabi. Kipit balikat akong kumagat sa pandesal ko. Baka naman kasi magtatanong nalang siya sa mga trycle kung paano pumunta do'n sa mall.
Inabutan ulit ako ni Niko ng tinapay na tinatanggap ko naman. Nang matapos akong kumain ay agad akong bumalik sa couch para mag ayos ng mukha ko. Naglagay lang ako ng light make up saka itinali ang buhok ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/333897971-288-k691766.jpg)
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 1: Kaede Verzabal (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] {Major Editing Soon} Wicked Billionaire Series 1: Kaede Verzabal Kaede Verzabal is the most evil man in the business world. A greedy, arrogant, and dangerous. He doesn't like poor people because he said they are just a burden...