Chapter 27

57.9K 1K 49
                                    

MATAPOS ANG pag-uusap namin ni mama ay niyaya niya akong dito matulog sa bahay niya. Kaso, hindi ako pumayag dahil baka hinahanap na ako nila kuya at daddy. Ang alam lang kasi nila ay may pinuntahan akong kaibigan dahil namatayan 'to. Grabeng pag sisinungaling ko talaga kay kuya.

Nandito kami sa kusina ni mama nag ba-bake ng cupcakes. Ito namang Kaede ay kanina pa ako kinakalabit dahil gusto niya daw ipakita ang kwarto niya. Hindi ako pumayag dahil alam kung may binabalak siya. Kaya ayon naka simangot siya sa tabi ko habang kinakalabit ako.

"Ano ba!!" Inis kong sabi sakanya dahil nakikiliti ako sa ginagawa niyang pagkalabit sa 'kin. Sa tagiliran ko ba naman kasi nanga-ngalabit.

"Ipapakita ko nga yung room ko," seryoso niyang sabi.

"Tigilan mo nga ako. Alam ko na ang binabalak mo kaya wag ako, Kaede!" Sabi ko sakanya.

"Ano bang gagawin ko? Wala naman ahh.." depensa niya. "Ikaw yata ang may balak sa 'kin, baby eh." Dagdag niyang sabi.

"Heh!" Sagot ko saka umurong palayo sakanya.

Tutulong na sana ako kay mama ng biglang mag ring ang phone niya. Tumigil siya sa ginagawa niya saka dinampot ang cellphone niya saka sinagot ang tawag.

Pupulutin ko na sana ang kutsara ng hawakan ni Kaede ang kamay ko saka ako hinila. Wala na akong nagawa dahil ang bilis ng lakad niya.

"Ano ba, Kaede.. puro ka naman kalokohan eh," reklamo kong sabi sakanya habang hinihila niya ako paakyat ng hagdan.

Hanggang sa makarating kami sa nakasarang pinto. Pinihit ni Kaede ang siradura ng pinto saka niya ito binuksan. Nauna siyang pumasok habang hila-hila parin niya ako.

Halos napanga-nga ako ng makita ko ang kwarto ni Kaede. Pinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto at talagang hindi ako makapaniwala. Ang aliwalas ng kwarto niya at halatang pang mayaman ang nakatira. Mas lalo pa akong nagulat dahil sa nakita ko.

Yumakap naman sa 'kin si Kaede mula sa likod saka inamoy ang leeg ko.

Panong hindi ako magugulat sa kwarto niya eh, puro picture ko ang naka dikit sa pader. Iba't-ibang kuha 'yon mula ng umalis ako three years ago. Talaga palang.. kasama ko lang si Kaede sa tatlong taon na nandito ako sa probinsya. Hindi nga lang siya nagpapakita sa 'kin.

Pinagmasdan ko ang mga litratong naka dikit sa pader at masasabi kong hindi siya magaling kumuha ng picture. Merong naghihikab ako, meron namang nagsasalita ako kaya nakabuka ang bibig ko sa picture. Ang sarap tuloy niyang sakalin.

"Yan lang naman ang ipapakita ko sa'yo, baby. Pero ang nasa isip mo siguro ay may gagawin akong malaswa sa'yo," naka nguso niyang saad.

"Malay ko bang may ipapakita ka
sa 'kin. Akala ko ipapakita mo sa 'kin yung ano mo.." saad ko.

"Gusto mo ipakita ko sa'yo?" Tanong niya sa 'kin kaya siniko ko ang dibdib niya.

Niyakap naman niya ako ng mahigpit saka dinampian ng halik ang ulo ko. "Gusto ko ng makasama ka at ang anak natin," bulong niya sa teynga ko.

"Alam mo namang hindi pa pwede," sagot ko saka tinanggal ang mga braso niyang nakayakap sa beywang ko. Humarap ako sakanya at nakita ko sa mga mata niya ang lungkot.

Bumuntong hininga naman ako habang nakatitig sakanya. "Hindi pa pwede, dahil kailangan mong harapin ang daddy ko at kuya ko." Seryoso kong sabi.

"Lalo na si kuya Aivann, napaka strikto pa naman no'n sa 'kin. Naalala ko pa nga yung lalaking nanligaw
sa 'kin last year na may dalang bulaklak ng biglang inagaw ni kuya tas hinampas sa mu-k-ha ng.." hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makita ko ang madilim na mukha ni Kaede.

Wicked Billionaire Series 1: Kaede Verzabal (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon