Chapter 1
“Aish! Makaligo na nga.” 4 pa lang ng umaga napagpasyahan ko nang maligo. Pano ba naman? First day of school. Excited ako eh. ‘Nung magagawa mo? Ganun talaga ko pag excited, hindi na ‘ko natutulog. Tsaka once na nagising ako, hindi na ‘ko makakatulog.
Pagtapos kong maligo at magbihis, kinuha ko na yung walang laman kong bag at bumaba.
“Oh Yumi, Aga mo ah?” Sabi ni Ate Dane. Pinsan ko ‘yan pero siya na yung nakasanayan kong nagaalaga sakin. Kasi mga magulang ko, nasa ibang bansa… College na siya.
“Di ka na nasanay.” Sagot ko.
“Hayy nako. Hindi talaga. Tuwing first day ka lang naman ata maaga eh… Sige Yumi, ligo na ‘ko. Kumain ka na rin. Baka dumating na service mo.” Yeah, kahit “mayaman” kami, service ako. Masama ba? Tss. Mamaya na ko magke-kwento.
“Geh. Itext mo si Tita Laurice, sabihin mo, hindi ako sasabay. Tsaka diba? Pag 1st week ng classes, hindi ako nakaservice?” Ganun lagi ako eh. Si Kuya lang hindi.
“Ay onga. Geh.” Sabi ni Ate Dane tsaka umakyat.
“Manang Binny.” Tawag ko kay Manang. Mahal na mahal ko yan noh. Andito na siya samin maliliit pa lang sina Mommy.
“Ano yun Yumi? Gusto mo nang kumain? Ayun, andun na yung nuggets mo. Sige maiwan muna kita ha? May gagawin lang ako.” Sagot niya sakin.
“Aba Manang, hindi ka nagtaka kung bakit maaga ako ah?” Pabiro kong sabi.
“Ahaha, hindi naman sa ganon. Sanay na ko sayo.” Aww.
“Sige Manang, kain na ko. Babye.” Sabi ko at pumunta sa dining table.
Yeeey. Nuggets.
“Aba kapatid. You’re so early. ‘Di ako sanay.” Nagulat ako ng magsalita si Kuya Mac sa likod ko. Tss. Well, pangatlo siya sa magkakapatid. Ako yung bunso.
“Whatever Kuya. Sige. Bye. Alis na ko.” Nilagay ko yung pinagkainan ko sa lababo tsaka ako uminom. Kinuha ko na rin yung bag kong napakagaan.
“Hayy nako… You’re so cold evaah. Tss. Geh, Bye. Ingat.” Mga bakla yang MGA kuya ko eh. De biro lang. Nagbabakla-baklaan pero mga tunay na mga lalaki yan. 6 kaya kuya ko. O diba?
“Tss.” Sabi ko na lang tsaka lumabas ng bahay. Maglalakad lang ako. Ano bang pakialam niyo? Medyo malapit lang yung school ko dito eh.
“’Miiiiiii~” May sumigaw. Parang kilala ko na ‘to ah.
“Sst! Tumahimik ka nga Panget!” Sabi ko. Pero hindi ako lumilingon sa kanya.
“Ano ba ‘yan! Aga aga, panlalait agad makukuha ko sayo. Namiss lang naman kita eh. Hindi mo ba ko miss? Tampo na sayo si Min sige >3<” Siya nga pala si Min, Minwoo, Isa sa mga barkada ko. Tss.
“Pano kita mamimiss? E sa lalaki ka eh, ayoko sa mga lalaki? DIBA?” Medyo sumisigaw na rin ako. Mamaya niyo malalaman yung tungkol sa buhay ko… Patience is a virtue mga men!
“Hmp. Payn. Diyan ka na!” Tas lumakad siya papalayo sakin.
“Nagbibiro lang naman ako Min eh. Syempre malamang namiss kita. Tss.” Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa leeg niya. Parang yakap na rin.
“Eh! Lumayo ka! Diba Man-Hater ka? Bakit mo ko niyayakap? Huh?” Yesh. Man-Hater ako. Pero bakit ganon, 6 Kuya ko tas 3 pa yung tropa kong lalaki?
“Syempre hindi ka kasama sa hate. Pre naman! ‘Di ka na nasanay! Ang aga aga mo kasing naninigaw.” Sabi ko tsaka ko siya sinabayang maglakad. Tanaw ko na nga yung gate ng school eh.
“Bahala na nga. Tara sa tambayan.” May sarili kaming room dito sa school noh. Pinagawa ni Tita Mayeh. Sino siya? Secret.
“Geh. Tayo pa lang naman yung andito eh. Tingnan mo, 5:30 pa lang oh.” Sabi ko.
Papalakad kami papunta sa tambayan. Ha! Kami pa lang yung tao. Yiiiie.
“Tol, pabukas nung aircon. Susuksok ko lang yung T.V.” Sabi ko. Aba! May cable kaya toh. 41’’ pa yung laki niya! O ha? San ka pa! Only in our school! Actually sina Ate Dane yung may ari ng school na ‘to. Oh diba? Sosyal. Gift lang sakin to ni Tita Mayeh eh, birthday ko kasi nun tas tinanong niya kung ano daw gusto ko. Well, nung sinabi ko yun, I think I was 7 years old. Lol.
“Haaaaayy. Yesh boss.” Tss. Nagsalute pa.
MTV Muna akes.
“Uiiiiiiiiiii! 1D!!!” Well, Directioner ako. Tsaka kahit na man-hater ako, bawal na ba maging fan? It’s sooo complicated, kaya wag nanag alamin! ^_^
“Hayy nako ‘Mi, mahilig ka talaga diyan eh noh? Tsaka sa Boyfriend. Tsk malala na yan.” Sabi sakin ni Min.
“Talaga. Hmp. Tsaka ampangit ng ‘Mi! Wag mo kong tawaging ‘Mi! Para mo kong asawa! Taenuh! Tsaka bakit ba? Paki mo ba kung gusto ko yung 1D at Boyfriend? May mawawala ba?” Mataray kong tanong.
“Tss. Kala ko ba man-hater ka? Gulo mo ‘Mi!” Nakaupo lang kami ditey sa sala habang nakaharap sa TV.
“Bakit? Nameet ko na ba sila huh? Sagutin mo nga ko? Nakita ko na ba sila ng personal? Tsaka swerte mo, kapangalan mo si Minwoo. Hmp. Kahawig mo pa.”
“Mamemeet mo rin sila, pag pinapunta ko sila dito” Ano daw? Di ko naintindihan huli niyang sinabi.
“Ano sabi mo?” Tanong ko.
“Wala, wala akong sinabi.” Payn. Baka guni guni ko lang yun.
________________________________________________________________________________
Ayan Ang First Chapter!
I'm Not Forcing you to Vote okay?
Comment lang :D
Ano? Itutuloy ko pa ba mga Pare?
--Ms. MOFO <3
BINABASA MO ANG
Hates Her Soon To Be Husband (On Hold ^^V)
Teen FictionLet's See what Will Happen to Yumi's Life...After... Just Read it. HAHAHA ;) :''> Thank you. (c) Ms. MOFO (On Hold Muna 'to kase iibahin ko siya. :D Pero ganun pa rin yung flow ng story. Ieedit ko lang yung taytol, ibang names, kahit yung ibang FC...