Chapter 11 His Reasons

51 1 0
                                    

Fifteen POV:




It's already lunch break kaya pinuntahan ko s'ya at nakita ko s'yang kumakain kaya nilapitan ko s'ya kaagad

Hinila ko s'ya pasakay sa kotse ko at pinapasok s'ya doon

Gusto ko s'yang pakainin ng pakainin hanggang sa mabusog s'ya kaya dinala ko s'ya sa mall

Pero pinuntahan muna namin ay yung channel store dahil kakausapin ko si Thalia yung kaibigan ko

Pinapapili ko s'ya ng mga damit na gusto n'ya at ako ang mag babayad nun dahil parang hindi s'ya masyadong bumibili ng mga damit

Ilang minuto kaming nag usap ni thalia hanggang sa nag paalam na s'ya kaya hinanap kona si yuri

Hinahanap ko s'ya sa buong store pero ang sabi ng mga sales lady ay binalik n'ya yung kinuha n'ya at umalis na kaya lumabas ako ng store para hanapin s'ya sa buong mall

Tinatawagan ko s'ya pero hindi s'ya sumasagot

Nakailang text narin ako pero niisa ay hindi n'ya sineen

Halos madurog kona ang phone ko dahil sa galit dahil umaalis s'ya ng walang paalam

Ayokong umaalis s'ya ng hindi ako kasama dahil baka may umagaw ng atensyon n'ya at makalimutan n'ya na ako


Ilang minuto na at hindi kopa s'ya nahahanap hanggang sa naisipan ko ulit s'yang itext at halos mapatalon ako dahil nakita n'ya na ang mga texts ko at nag t-type na s'ya

Nang makita ko ang text n'ya ay kumulo ang dugo ko

"BUMABA KA NG BUS NGAYON NA!" text ko sakanya at alam ko namang gagawin n'ya ang sinabi ko kaya sumakay na ako ng kotse

Tinawagan ko s'ya dahil hindi ko s'ya matrack

"Where are you? I can't track you. Open your location young lady!" Sigaw ko at sabay naman nun ay lumabas na kung nasaan s'ya ngayon

Halos makahinga ako ng maluwag ng makita ko s'ya na mag isa lang

Napansin n'ya ata ako na nakatayo sa gilid n'ya kaya napalingon s'ya sa'kin at tumayo

Inuwi ko s'ya sa bahay at kinuha ang bracelet at singsing sakanya at binigyan korin s'ya ng new phone

Binigyan ko s'ya ng new phone para kahit saan s'ya pumunta kahit na hindi open ang location n'ya ay nata-track ko s'ya gamit ang phone n'ya

At sinigurado ko rin na mata-track ko talaga s'ya ay nilagyan korin ang bracelet at singsing n'ya

Alam kong mali natong ginagawa ko pero wala akong magagawa kundi ang gawin to para lang ay mabantayan ko s'ya

At habang nandito s'ya sa bahay ko ay pinasaglit kona palagyan ng mini cctv ang buong bahay n'ya

Pumasok ako sa kwarto kung nasaan s'ya at alam kong nag tutulog tulugan lang s'ya kaya hindi ako lumapit sakanya

Pag kalabas ko ng kwarto ay tumawag ang secretary ko at kaylangan ako sa opisina ngayon kaya umalis na ako


Nag karoon ng biglaang meeting at natapos iyon ng 4pm

Tinignan ko naman kung nasaan na ngayon si yuri at nakita ko sa tracker na nasa bahay n'ya na s'ya

Kaya binuksan ko ang laptop ko at tinignan s'ya sa cctv

Nakita ko s'yang natutulog sa kwarto n'ya kaya napangiti ako

"You really loves to sleep honey" bulong ko habang pinapanood s'yang matulog



My Best Friend's Obsession (Short Story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon