CLASSROOM CHRONICLES

1 0 0
                                    

Rei Zantua

Part 1: Klasmeyt, Jason A.

Nagdesisyon akong mag-aral ulit para sa aking ikalawang degree sa isang kolehiyo. Nagsisimula ang pasok ko nang alas sais ng gabi, oras ng uwian ng mg normal na estudyante, hanggang alas nuwebe ng gabi. Unang araw ng pasukan iyon, hindi pa ako pamilyar sa buong lugar kaya hinanap ko pa ang classroom ko. Ilang minuto rin ako naghanap nang matagpuan sa ikatlong palapag ng parteng iyon ng gusali ang room. Dahil medyo maaga pa ay kakaunti pa lang ang estudyanteng naroon. Dahil palakaibigan naman ako ay binati ko ang mga nasa loob at nakipagkilala ng ilang minuto.

Nakita ko ang isang babae sa pinakalikod ng upuan. Mahaba ang buhok, nakasuot ng pulang blouse at hapit na pantalon. Napansin ko na madumi ang dulo ng kanyang pantalon, animo'y basing putik. Ang ipinagtataka ko, hindi naman maulan ng araw na iyon. Tahimik lang siya, nakatungo kaya hindi ko makita ang mukha. May hawak siyang lapis at tila may sinusulat sa upuan, vandalism kumbaga. Nilapitan ko ito at tinanong ang pangalan subalit hindi ito sumagot. Inisip ko na baka hindi ako narinig kaya inulit ko ang pagtanong pero tulad ng unang nangyari, wala akong nakuhang sagot.

Maya- maya pa ay may humawak sa balikat ko, kaklase ko noong college, nag-aaral din pala siya ng parehong kurso at klasmeyt ulit kami.

"Sinong kausap mo d'yan?" nagtataka niyang tanong.

"Eh ka—-"

Nilingon ko ulit ang upuan kung saan naroon ang misteryosong babae subalit wala na ito. Labis ang kaba at takot na naramdaman ko nang mga oras na iyon. Sa kabila ng dami ng mga vandal sa upuan ay nangibabaw ang isang sulat na pangalan, "Joan".

Makaraan ang ilang araw ay nakita ko muli ang babae. Huling period na ng klase namin noon. Napakalakas ng ulan sa labas. Bagama't hindi na nakabukas ang mga electric fan ay matinding lamig pa rin ang nararamdaman ko. Nakaupo ako sa pangalawa sa pinakahuling row ng upuan, malapit sa likod kung saan ko dati nakita ang babae. Napansin kong may tubig ang ilalim ng inuupuan ko, akala ko may butas ang bubong subalit wala namang tumutulo na tubig-ulan kula sa kisame. Hinanap ko ang pinanggalingan ng tubig nang madako ang tingin ko sa upuan sa likod, nakita ko na naman ang misteryosong kaklase namin. Sumusulat na naman siya sa upuan pero basang basa ang buong katawan nito. Dito pala nanggagaling ang tubig sa ilalim ng upuan ko. Nagulat ako nang mapansin ko na ang babae na pala ang katabi ko! Nanigas ako, parang natuyo ang lalamunan ko. Dahan-dahan niyang inilapit ang ulo niya sa tenga ko at bumulong, "Joan....."

Bigla akong nagising, di ko namalayan na nakatulog pala ako. Niyuyugyog na pala ako ng kaklase ko, uwian na pala. Laking pasalamat ko dahil panaginip lang pala ang nangyari.

Part II: Pakopya, Bryan P.

Mid-term examination namin noon. Sinadya kong mag-aga sa classroom para makareview ng maayos, kapag sa bahay kasi ay hindi ako makapagconcentrate. Dahil ilang oras pa bago ang exam ay napag-isa ako sa loob, tahimik at walang ingay o gulong maririnig maliban sa mga nagtatawanang estudyante sa labas. Iniba ko ang ayos ng upuan at pumwesto sa isang sulok. Nasa kalagitnaan na ako ng pagrereview nang makarinig ng masakit sa tenga na pagkuskos, na parang mga kuko na tumatama sa pisara. Tumingin ako sa paligid pero wala namang tao. Naisip ko nab aka sa kabilang classroom nanggagaling nag ingay kaya ipinagpatuloy ko na ang pagreview.

Ilang sandali pa ay narinig ko na naman ang tunog. Laking gulat ko nang makita ang isang babae na nakatayo sa unahan malapit sa pisara. Ito pala ang gumagawa ng ingay. Buhaghag ang buhok nito na tumatakip sa mukha. Nakiusap ako sa kanya na itigil ang ginagawa.

"Ahm, excuse me Miss, nakakaabala po kayo sa nagrereview, baka po pwedeng pakihinto na 'yan?" pakiusap ko subalit patuloy lang ito sa ginagawa na parang walang pakialam sa ibang tao.

Tumayo ako para lapitan siya nang bigla siyang naglaho! Sa sobrang takot ay napatakbo ako sa labas. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, hindi na rin ako nakapagreview dahilsa takot at hinintay ko na lamang ang iba kong kaklase na dumating. Hindi ko na ikinuwento pa sa iba at itinago na lang sa sarili ang nasaksihan.

Dahil sa pangyayari ay hindi ako nakapagpokus sa pagsagot sa test paper. Nakatitig na lamang ako sa papel ko. Nagpaalam ako sa professor ko na magbabanyo lang para pakalmahin ko ang aking sarili. Pagbalik ko sa aking upuan ay wala na ang test paper ko. Akala ko ay ipinasa na subalit lahat ay nagsasagot pa. Napansin ko na nakalagay na ito sa upuan sa likuran, basa na ito ng animo'y mga tulo ng tubig. Dahil nga examination ay hindi ko magawang tanungin ang katabi ko.

Uwian na nang sabayan ako sa paglakad ng kaklase ko, "Nakita mo rin ba si Joan?" biglang tanong ni Jason sa akin. Nagtaka ako sa tanong niya.

"Sinong Joan?"

"'Yung multo nating kaklase. Nahalata ko na parang takot na takot ka at balisa."

Hindi ko na napigilan at ikinuwento na rin sa kanya ang mga pangyayari.

Part III: Report, Rose M.

Sinadya naming magpaiwan ng mga kagrupo ko sa loob ng classroom dahil sa pagpapafinalize ng aming group report para sa susunod na araw. Habang abala ang lahat ay nagulat kami dahil sa malakas na pagsarado ng pintuan. Nagkatinginan kaming apat na magkakagrupo ngunit hindi na namin pinansin, maaaring gawa lang iyon ng hangin.

Patapos na kami sa ginagawa nang biglang kumatok ang guard na nagroronda at sinabihan kaming umuwi na. Naiwan kaming dalawa ng kagrupo ko dahil sa pagliligpit ng mga kakailanganin sa presentasyon nang matumba ang isang upuan sa gawing likuran.

"Imposibleng gawa iyon ng hangin." Bulong niya sa akin.

Hindi ako umimik. Tumango na lamang ako at dali-daling inayos ang aking mga gamit. Papalabas n asana kami ng room nang biglang may narinig na naman kaming tunog. Paglingon namin at tiningnan ang buong room...... wala ng nakatumbang upuan.

Part IV: Sino si Joan?

Hindi lang pala kami nina Jason at Rose ang nakakita at nakaramdam sa nasabing babae sa loob ng classroom. Marami na rin palang nakasaksi sa pagmumulto nito, pati rin pala ang kabilang block na nagkaklase rin sa nasabing classroom. Subalit nangyayari lang ito pagkagat ng dilim. Nagrequest kami na maglipat na lang ng iabng room. Kahit pala ibang guro sa paaralan na iyon ay alam ang kwento tungkol sa babaeng nagmumulto pero napili nilang itikom na lang ang bibig, takot na maaaring makarating sa 'itaas' ang kwento at maging dahilan ng pagkakatanggal nila.

Dahil sa kalat na sa buong klase ay bukang bibig na ito ng lahat. Isang guro ang nagkwento sa amin. Bagama't baguhan siya at hindi alam ang buong pangyayari ay sinabi niyang isang guro rin ang nagkwento sa amin.

Joan daw ang pangalan ng estudyanteng ginahasa at pinatay malapit sa paaralan mahigit sampung taon na ang nakakaraan. Ang sabi-sabi ay katatapos lang ng examination nang mangyari ang karumaldumal na pagpatay. Sa classroom daw na iyon huling nakitang buhay ng mga kaklase nito si Joan, marahil iyon ang dahilan kung bakit doon nagpapakita ang multo. Hanggang ngayon ay hindi pa raw nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nito. Maraming pinaghinalaan tulad ng dati nitong nobyo, ang kanyang P.E. Teacher at ilang drug addict sa lugar subalit walang nahatulan. At sa sinasabi namang upuan kung saan lagi itong nakikitang nakaupo ay maaaring doon nito naiwan ang 'imprint' nito dahil na rin sa pangalan na nakasulat sa ibabaw pero ang sabi ng iba ay sulat lang ito ng mga estudyante na ang gustong gawin lamang ay takutin ang ibang kapwa estudyante. Kung ano man ang totoo ay walang nakakaalam.

**END**

THE DREAD BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon