Monday.
My most hated day.
Lalo na ngayon na nalaman kong isa pala akong karakter sa libro, and worst, I'm the anti-heroine.
Pathetic.
"Ready na po ako, young miss."napalingon ako sa hagdan ng may nagsalita.
I suddenly felt so proud.
There, standing my charity–err, personal maid. Napapayag ko si Uncle na isama ai Macey sakin sa school bilang school mate ko and also classmate.
Monday na, at ngayon ang first day nya.
With her, meron na kong sure na ally sa battlefield.
"It looks good on you."bati ko. Kita ko ang pamumula ng mukha nya kaya napaiwas sya ng tingin. Hindi ko yun sinabi dahil lang sa gusto kong makuha ang affection and loyalty nya--that's also a part--kundi dahil bumagay naman talaga sa kanya ang uniform ng school na kulay ng favorite color ko, maroon.
It was a royal style uniform na may double collar at may golden brooch sa may dibdib. Hanggang siko ang sleeve ng maroon vest na isa lang ang butones sa gitna kaya kita ang dirty white na blouse sa ilalim. One inch bago ang tuhod ang checkered na maroon na skirt na pinaresan nya ng sock na hanggang tuhod na bumagay sa hubog ng binti nya.
"B-bagay din sa inyo ang uniform nyo, young miss."bawi nya. Napataas ang kilay ko.
"Bola."
"P-po?"taka nyang tanong.
"Alam ko ng bagay sakin noh. It was made for me anyways."napa-awang ang labi nya kaya nginitian ko sya.
"We're going to be late, Macey. Let's go."aya ko at nauna na. Agad naman syang sumunod.
"And when we're in school, you don't have to say 'po' when speaking to me."nilingon ko sya at tumango naman sya.
Dalawang kotse ang nakaparada at naghihintay samin sa entrance ng mansyon. Ang isa ay Buggati na para sa mga body guard ko, at ang Limousine na para sakin.
Nakatingin na si Macey sa Buggati at mukhang hinihintay lang akong makapasok sa sasakyan bago sya pumunta don.
"Macey."pagkuha ko sa atensyon nya.
"Yes, miss?"taka nya akong nilingon.
"You ride with me."sabi ko lang at nauna ng pumasok. Maya-maya pa ay sumakay na rin sya.
"Y-young miss? Pwede naman ako dun sa kabilang sasakya–"
"No."natahimik na sya.
Buong durasyon ng byahe ay naging tahimik kami. Ramdam na ramdam ko ang pagiging awkward nya sakin. Hindi rin naman ako sanay na magbukas ng usapan kaya nanahimik nalang rin ako. Pero paminsan-minsan ko naman syang sinusubukang kausapin, kaso sa huli natatahimik nalang ako. Kaya in the end, nakarating kami ng wala ng nagsalita samin.
"We're here, young miss."inporma ng driver and I almost rolled my eyes at him.
"I know–I mean, thank you."ngumiti ako at nahuli ko pa syang nakatulala sa rearview mirror pero lumabas na ko agad.
Sumunod naman na lumabas si Macey at dala nya na ang bag ko.
Nginitian ko sya ng matamis.
"Welcome to Jewel G. Academy, Macey."masaya kong sabi.
I really felt so proud for myself. Another student because of me, hah!
"T-thank you, Young Miss."sabi nya at nilibot ang paningin sa mga matatanaw nya.
YOU ARE READING
I'm The Villainess
General FictionWhat it takes to be a villain? Do humans have to experience a tragic fate to become one? Is it the will power of doing something bad? Then what if it's just my fate? Then maybe... it's a good thing I knew it now. *** I am a Villainess...or not?