"Ah!"
Napasinghap ang lahat, lalo na ang babaeng naka-upo sa sahig sa harapan ko ngayon.
Gulat ang itsura nya at basa ang uniform. I smirked.
Serves her right!
"B-bakit m-mo ako binuhusan?"utal-utal na tanong ng stupidyanteng bumangga sakin.
"That's for not knowing your place. Do you even know me? If not, then find someone and ask!"singhal ko dito. Nakita ko itong napapikit at naiiyak na.
Akala siguro nya maaawa ako sa mga luha nya. Pwes, she's certainly wrong! Dahil hindi ako yung tipo ng tao na nadadala sa iyak at pagpapa-awa.
Nanatiling tahimik ang malawak na cafeteria at ang mga tao ay nanonood lang.
Aba, mga tsismoso't tsismosa! Mga wala namang balak tulungan itong babae. Yan ang hirap sa mga tao eh, wala manlang balak na magtake ng risk para lang makatulong.
Pero kung iisipin, sino nga ba naman ang maglalakas ng loob na bumangga sakin kung hindi sadya?
Wala.
Pero itong babaeng toh, kahit na nakaupo sya sa sahig at basa ng juice ang uniform, at nautal ng nagtanong, hindi parin nawawala ang tapang ng tingin. That amused me, quiet. Pero nainis din ako.
"What are you looking at?!"nabulabog ng malakas kong sigaw ang katahimikan at agad na nagsipagbalikan sa kanya-kanyang ginagawa ang mga stupidyante.
Tumaas ang kilay ko ng ibinalik ang tingin sa babaeng naka-upo parin sa sahig. Wala atang balak tumayo.
Tse! As if I care. Kahit tubuan pa sya ng ugat dyan, wala akong pakialam.
Taas noong tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas ng cafeteria.
Para akong isang reyna na naglakad sa gitna ng mga estudyanteng nahahati sa bawat hakbang ko.
That's right. That's me, I'm the queen of this campus. Every inch and part of this school is part of my territory. Kaya kung nasa teritoryo kita, you should obey my rules. Because as long as I'm here, this place will stay under my reign.
...
"Giane nabalitaan ko ang nangyari kanina."napa-angat ako ng tingin kay Tito Ryan, mula sa tinutusok kong green peas gamit ang fork.
Tiningnan ko lang sya na parang hindi ko na-gets ang tinutukoy nya, which is true naman. Maraming nangyari kanina, ano dun?
"Why did you have to splash your juice to a transferee, again?"kunot-noong tanong ni Tito samantalang nawala naman ang pagkaka-kunot noo ko ng nalaman ko na ang tinutukoy nya.
Ah, it was the event kaninang lunch. The girl who tripped over me kaya naitulak ko. Hindi ko nagustuhan ang matapang nyang tingin kahit kasalanan naman nya, na nakapagpadagdag sa asar ko kaninang umaga. And so, I splash my strawberry juice on her na natapon lahat sa uniform nya. Then she cried after that. Tsk, weak.
"She tripped over me and didn't even felt sorry, that's why."kibit-balikat kong sagot at binalik ang tingin sa green peas ko.
Rinig kong bumuntong-hininga sya.
"Still, Giane. You shouldn't splash your juice on anyone. And how do you say that she's not feeling sorry, kung hindi mo naman sya pinagsalita?"nagpapaintinding usisa nito pero hindi ko parin sya tiningnan.
Bakit pa? Para makita ang disappointment sa mga mata nya? No, thanks. I had enough of that.
Hindi ako sumagot.
"This isn't the first time na nagyari toh, pero please naman, Giane. Your the future chairwoman of that school, matuto kang makisama sa iba."pangangaral pa nito.
YOU ARE READING
I'm The Villainess
Fiksi UmumWhat it takes to be a villain? Do humans have to experience a tragic fate to become one? Is it the will power of doing something bad? Then what if it's just my fate? Then maybe... it's a good thing I knew it now. *** I am a Villainess...or not?