Natapos ang unang subject at sinundan ng dalawa pa bago tumunog ang bell na hudyat ng break time.
At kanina pa rin ako naiinis sa kakaibang tingin ng mga kaklase ko na para bang nakakita sila ng multo sa tuwing sumasabay ako sa pagbati sa mga teachers na pumapasok.
Ok, fine. Naninibago sila, I know. Naninibago din naman ako eh. On the first place, hindi ko naman talaga kailangang gawin ang mga ginagawa ko. I can just act like the me before, tapos wag ko nalang pakialamanan ang mga leads--teka nga!
Bakit ngayon ko lang naisip yun?
Right!
May parte sa kwento na sinasabing sikat daw ako at conceited dahil sa atensyon na nakukuha, kaya nainggit sa female lead ng sya naman ang pinagtuunan ng lahat.
On the first place, meron akong number 7 sa bucket list ko diba? I can just do that!
Act normal–how?
"How to be normal?"
"Normal?"napalingon ako sa nagsalita at tiningnan lang si Macey na kumakain ng in-order nya. Parang hindi babae kung kumain ang bruha.
"Ang takaw mo. Hindi ka ba pinapakain sa mansyon?"puna ko.
"Eh,"nginuya nya muna ang kinakain nya then lumunok.
"Masarap kasi eh. By the way, okay lang talaga sayo kahit di kita tawaging Young Miss sa school?"madaldal nyang sabi at uminom ng juice.
Nasa cafeteria kami ngayon at nagla-lunch.
"Yes. Ayaw mo ba?"tinaasan ko sya ng isang kilay pero katulad ng dati, walang epekto sa kanya. Humawak lang sya sa likod ng ulo nya.
"Eh, nakakahiya naman. Pero sige, thank you sa lahat ah."ngiti nya na inirapan ko lang.
Yup, malaya na ko. Malaya na kong magtaray sa kanya.
Akalain mo tong babaeng toh. Parang kanina lang uutal-utal pa kapag kausap ako. Pero ngayong nilibre ko sya ng pagkain, nakalimutan na atang employer nya ko. Wala ring talab sa kanya ang pagtataray na kanina ko pa ginagawa.
Naaasar kasi talaga ko sa mga taong akala mo celebrity ako na laging tinitingnan. Okay fine, alam kong maganda ako and all. Pero kelangan bang sundan ang mga galaw ko?
Si Macey tuloy ang napapag-initan ko.
Pero pabor naman na di sya naaapektuhan sa pagtataray ko, di katulad ng iba na taasan lang ng kilay kala mo mamamatay na sa sobrang takot, para rin hindi naman sya masyadong distant at may nakakausap ako ng matino at hindi nambobola lang.
"So, anong normal ang sinasabi mo?"balik nya ng tanong nya kanina.
"Normal na studyante? Tipong di ka pagtitinginan kahit naglalakad ka lang sa daan. And the things that normal student do."nangalumbaba ako sa mesa habang sya ay umaktong nagiisip.
"Eh, Miss, para sayo, hindi mangyayari yun. Natural ang ganda mo, kilala ka ng lahat ng nasa school na toh. Tsaka balita ko,"lumapit sya sakin para bumulong.
"Marami ka ng na-bully dito."bulong nya na kina-awang ng labi ko. Pinaliitan ko sya ng mata.
"Where did you get that?"nangaakusa ko syang tiningnan pero tinaas nya agad ang mga kamay nya.
"Eh, Miss G, narinig ko lang yun sa banyo ng mga girls noh. Ikaw kaya laging topic nila, di mo ba alam?"tiningnan nya ako na parang wala akong alam sa paligid ko.
I almost grab her hair pero nakaiwas agad sya.
"Miss naman! Narinig ko lang naman yun eh."reklamo nya at lumipat sa katabing upuan.
YOU ARE READING
I'm The Villainess
General FictionWhat it takes to be a villain? Do humans have to experience a tragic fate to become one? Is it the will power of doing something bad? Then what if it's just my fate? Then maybe... it's a good thing I knew it now. *** I am a Villainess...or not?