CHAPTER 2.1

2 1 0
                                    

"RHYS POV"

Nag simula na akung mabagot sa pa training training ng impostor nato... ang hindi ko maintindihan bakit ang seryuso niyang ipapagawa sa akin to...

Isa pang tanong ko ay totoo ba kayang binalik na niyang tunay ang alaala naming lahat... niisa sa amin... walang maramdamang lungkot o kahit ano mang emotion ng pagmamahal... at parang nangingibabaw lang sa amin ang galit...

"Ngayon, subukan mo kong gayahin... nagsimula na siyang magsalita pagkatapos niyang magpahinga... i mean parang nag yoyoga siya... ewan ko sa kanya... isa lang siyang device pero marunong siyang mag yoga...

"Ewan ko kung kailangan ko ba tong gawin pero susubukan ko... at pag nalaman kung isa lang tong kalokohan... ako mismo gagawa ng paraan para mawala ka.... panunumbat ko kaagad sa kanya pagkatapos tumayo...

Maya maya malapit na ako sa kanya... ng biglang nagkulay rainbow ang dibdib ko na ikinagulat ng impostor nayun... maski ako walang kaalam alam... at naggulat din syempre... at doon ko naramdaman ang emotion na hinahanap ko pagkatapos umilaw ng rainbow ang dibdib ko.

Inangat ako ng ilaw paibabaw at kusang pumikit ang mata ko...  at tuluyang pinalibutan ng ilaw na yun ang katawan ko... at pagkatapos naluhog ako sa isang ilusyon kung saan doon ako nahulog sa lugar na walang katao tao... hindi ko alam pero parang nasaloob ako ng aking isipan... tinatanaw ko ang lugar isang lugar kung saan lagi kung dinadaan at iyon ay ang 'tulay
' kung saan una kung nakilala si may.... pero maya maya pa umilaw uli ang kamay ko at may lumabas na paro paro... hindi lang siya basta paro paru isa siyang makulay na paru paro...

Sa isang tulay nayun tanaw ko ang napaka mailaw na buwan at nag ningningang mga bituin..... maya maya pa.., nakita ko si may!

Nang nakita ko si May, naglakad siya papunta sa akin nagulat ako dahil katulad na katulad ito sa totoong buhay... nakahawak siya sa hawakan ng bag malapit sa dalawa niyang braso, mataas ang buhok niya at di mo akalaing ang ganda niya talaga...

At ang pumasok lang sa isip ko ngayon ay magkakilala na kami pero hindi pa pala... at ang ibig lang sabihin nito ay pinapakita sa akin ang nakaraaan naming dalawa...

"May!?...
Binanggit ko ang pangalan niya ng makalayo ng kunti, hindi niya ako pinansin kasi di pa pala kami magkakilala non... at nang tinawag ko ang pangalan niya... napatigil siya...

"Ahh, tumigil siya...! Ano kayang naramdaman niya?
Napakamot ako sa ulo ko, at nagsalita nalang ng mahinang sinyas...

Hindi ko alam ang gagawin nang huminto siya... at nang humarap ngumiti lang siya... katulad lang din nang dati...

'Ang sarap palang balikan ang nakaraan... kung pwede lang!

"Paano mo!?..... ahm! Kilala mo'ko? sagot niya sa akin...

Napakamot uli ako sa ulo... at ngumiti ngiti lang...

"Ahm, nagbabakasakali lang... kasi, alam muna nakilala na kita kahit di pa kita kilala.... hehehe!

Nahiya ako ng kunti kahit alam kung nakaraan lang ito, doon ko naisip kung bakit bumalik ako sa nakaraan naming dalawa ni May...

Ang hindi ko matanggap ay bat hindi ko ito naalala nong binalik ni DUDE ang memorya ko... totoo nga sigurong hindi niya binalik iyon... nagsinungaling siya sa akin...

Nagulat nalang ako nang may naalala akong isang bagay sa gitna ng tulay... nang makilala ko si May... dahil dito lumindol noon at kami lang ni May ang nandoon sa tulay... at naalala ko pa... saktong nag ring ang relo saka din lumindol... kaya naisip kung lapitan si May habang wala pa ang lindol...

"May? Wala ka bang naaalala?hiya ko pang tanong sa kanya

"Ahm, magkakilala na ba ta-yo?

"Oo naman!!! Kausap kita ngayon, at kausap mo rin ako? Di ba? Kaya ok lang din na sabihin nating magkakilala tayo! Ehhhee!
Nahihiya parin ako... pero pumapasok parin sa isip ko ang alaalang katulad na katulad ito sa nakaraan naming dalawa ni May.

Ngumiti lang siya sa akin!

"Ok lang din! So, friends?

Pagkatapos niyang ngumiti mas lalo pa siyang ngumiti nang makipag shakehand siya sa akin....

"Friends! Sagot kong napangiti habaang hinahawakan ang kamay niyang mainit... 'pwede bang sabay na tayo maglakad pauwi... at ihahatid narin kita...

"Sigeh! Ok lang!

At doon na nangyari ang hindi namin inaasahan, saktong sakto noon... miyerkules ng gabi 6:11 pm lumindol ng malakas at nagulat kaming dalawa ni May... at nasa gitna pa kami ng tulay... at nag simula utong mag crack ng paunti unti...

Hinawakan ko kaagad ang kamay ni May at hindi na pinansin ang lahat... pero napansin ko pang tiningnan ni May ang paghawak ko ng kamay sa kanya at pinoprotektahan siya pagkatapos tumingin siya sa akin habang gulat...

Tumakbo kaming dalawa pero naabutan kami ng pagka biak biyak ng tulay... marami na kasing nag crack malapit sa inaapakan namin....

At doon nang magsimulang mag down ang tulay at nabitawan ko ang kamay niya...

"Mayyyýyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!

Naputol ang ilusyon, at gumising ako sa katutuhanan... pagkatapos non bumukas ng dahan dahan ang mga mata ko at dahan dahan rin akong binaba ng makulay na ilaw... at ang Paru paro ay kasama ko hanggang sa gumising na ako...

"Anong nangyari? yun agad ang narinig ko sa boses ni DUDE at napaka seryuso niya... parang galit ata, hindi ko alamm pero nakatalikod siya ehh..

Hindi man lang siya nag aalala sa akin... pero naisip ko si May!

"Sabihin mo sa akin? Anong nangyari kay May? Ba't di ko nanaman siya maalala?

"Nasa sayo nayun!

"Ano? Sa gitna ng lahat ganyan ka parin? Isang kalokohan! Ngayon alam ko nang hindi mo pa binalik ang memorya ko... kaya sabihin mo na sa akin, at ibalik mo na ang memorya ko...
Galit ko sa kanya...

"Hindi maari! Dahil kailangan mo muna akong tulungang lutasin ang problema ng LABTECH,  dahil kung ibalik ko sayo  ang alaala mo hindi mo kayang gawin ang lahat...

"Tumigil ka nanga sa mga ilusyong pinanggagawa mo! Dahil hindi na ako naniniwala!

"Pwes maniwala ka ngayon!

"Ahh, naiinis na ako sayo!!!! Dahil sa lahat ng pagkatao ko ngayon lang na may Rhys na ganyan ang ugali... napaka, napaka! Ilusyonado mo! Sinungaling ka!

"Pasensya na, Rhys! Ngunit kailangan kung gawin ito..

Gumawa siya ng baril mula sa mga kamay niya, pero hindi ito katulad ng mga polis na kapag binaril ka mamatay ka! Pero isa siyang device kaya device lang din ang mapapatay niya... pero dahil tao ako... ng binaril niya ako doon ako nakatulog...

"Pasensya na Rhys! Pero kailangan kung maging ikaw, para maranasan kung may nagmamahal din sa akin... at yun ay si May! Si May lang dapat na mahalin ako...

Thank you!

Next chapter coming up!

DUPLICATEWhere stories live. Discover now