2004
Mabilis lang lumipas ang tatlong taon. Gradweyt na kami sa elementarya at excited ng papasok bilang high school students. Sabi nila at ng nanay ko ay high school raw ang pinaka masayang panahon ng buhay ng bawat estudyante. Magsisimula ka ng maging teenager at mapapansin mo na ang maraming pagbabago sa katawan mo o yung tinatawag nilang puberty stage at makakaramdam ka na ng samut-saring emosyon na first time mong mararanasan.
Katatapos lang ng admission exam ko upang mapabilang sa Special Science Class curriculum, ang mga estudyanteng mapapabilang dito ay itinuturing na matatalino at nasa advance level. May karagdagang advance subjects bawat taon na hindi kasali sa regyular na curriculum, katulad ng advance physics, advance chemistry, statistics, at iba pa.
Napagpasyahan kong maglakad-lakad muna at libutin ang magiging bago kong paaralan. Sikat ang paaralang ito dahil malawak at isa sa pinakamalaking high school sa rehiyon. Habang naglalakad ako ay sinimulan kong inimagine ang mga mangyayari sa akin sa loob ng paaralan sa loob ng apat na taon: makaranas ng kilig moments at love life! Bigla naman akong napangiti sa aking kalokohan.
"Joyce?" Narinig kong may tumawag ng pangalan ko, naputol tuloy ang aking imahinasyon. Nilibot ko ang aking paningin ng makita kong may lalaking tumayo mula sa pagkakaupo sa isa sa mga bench chairs at naglakad papalapit sa akin. "JOYCE!" Mas klaro at mas malakas na ang pagkakabanggit niya ng pangalan ko.
Napanganga ako, di naman masyadong malaki yung sakto lang, sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko na nga. "JAZZ?!"
"Hey! Ako nga, buti naman at naaalala mo pa ako," excited niyang saad. Inilahad niya ang kanyang kanang kamay.
Biglang nag slow-mo ang paligid ko. Nakangiti lang si Jazz habang inaantay na abutin ko ang kanyang kamay at nang napansin niyang nakatitig lang ako sa kanya ay iwinagayway niya ang kanyang kamay sa mukha ko, "Huy! Ayos ka lang?"
Nagising ako sa mala-romantikong eksenang nasaksihan ko, "ha? Ahh, hi Jazz! Ikaw pala!" May halong panginginig at medyo pasigaw ang boses ko. Hindi ko kasi inexpect nga magtatagpo ulit ang aming mga landas. Sa totoo lang ay halos di ko na maalala si Jazz. Napakahaba siguro ng tatlong taon para sa akin upang tuluyan ngang kalimutan ang maikling memoryang pinagsaluhan namin.
"Long time no see! Grabe! Ang tagal nating di nagkita ah!" Saad niya.
"Oo nga eh, gumwapo ka lalo," biglang sulpot ng mga huling salita mula sa bunganga ko buti na lang ay pabulong ko lang itong sinabi.
"Ha? May sinasabi ka?" Hindi ko alam kong di niya ba talaga narinig ang huling mga sinabi ko o nagmamaang-maangan lang siya.
"Naku, wala, ang sabi ko tumangkad kang lalo," palusot ko naman.
"Hahaha, ikaw rin tumangkad.. ng konti! HAHAHA!" Pang-aalaska niya.
"Aba! Porke't tumangkad ka lang ah!" Reklamo ko sabay irap sa kanya.
"Haha, 'to naman. Biro lang! Masaya lang akong nagkita tayo ulit. Teka... nag take karin ba ng admission exam para sa Special Science classes?"
"Oo, ikaw rin ba?" Pabalik kong tanong sa kanya. Pero parang alam ko na ang isasagot niya kasi summer vacation pa at ang tanging nasa paaralan lang ay ang mga magti-take ng admission exams.
"OO! Wow! Ang galing!" Lumaki ang ngiti niya, "sana makapasa tayong pareho at saka magiging magka-klase!" Mas excited na ata siya kesa sa akin dahil halos mapatalon siya sa sagot ko.
"Sana nga eh! Pauwi ka na ba?" Tanong ko na lang. Wala na kasi akong ibang maisip na itanong eh, ngunit walang sagot mula sa kanya. Biglang nawala ang mga ngiti niya at napako ang kanyang mga paningin sa kung ano man ang nasa likuran ko at napansin kong sinundan niya ito ng mga tingin. Napalingon narin ako pero pagkalingon ko ay wala naman akong nakita. Teka, may nakikita ba siyang di ko nakikita?
YOU ARE READING
Closer You and I
Short StoryTwo best friends have known each other for many years. Everybody knows they have chemistry. Everyone thinks they are meant to be. But will the love timing be by their side?