Chapter 12- Broken

43 0 11
                                    

SUMMER FLING 12
-

Yung stories ko noon, after one week yung updates or months. Ngayon po ay araw-araw. Nagaganahan ako ng dahil sa mga bestfriends ko! Hays Hello ZAI JONAS ROBIE PORE KATE JEROME JASPER KIM CATHY MADATS REGINE NOMA yay hahaha kahit di naman talaga nagbabasa si Rehina at Noma hihi❤️ HI PARIN😂❌

GUYS. On-hold muna ang PSMB kasi its so hard na sabayin iupdate yung dalawa, nakakasabaw ng utak😂😔

Anyways, LET'S START THE UPDATE NA!

-

A Y I E

Ang bigat ng pakiramdam ko. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si... CAIDEN? Na natutulog sa tabi ko at nakahawak sa kamay ko.

"Caids?"

Naalimpungatan naman siya at humarap sakin. Ngumiti siya at ewan ko kung ano ang nasa ngiti niya. Nakakahawa! Kaya napangiti narin ako.

"Okey ka na ba? May masakit pa ba sayo?" Tumayo siya at parang iniispeksyon ang katawan ko.

"Hoy chill lang oo okey lang ako ano ba. Haha!" Sabay tawa namin dalawa

Bigla namang sumeryoso yung mukha niya kaya napahid yung ngiti ko.

"Sorry pala Ayie ha? Kasi hindi kita pinakinggan. Sorry talaga. May nangyare tuloy sayong masama. Sorry talaga. Magbabayad yung Jan na'yon. Bruhilda talaga yung babaeng 'yon. Ewan ko ba kung bakit ako nagkagusto sakanya nuon. Pero Ayie," hinawakan niya bigla yung kamay ko. Shemay parang may something sa tiyan ko. Ito na ba yung BUTTERFLIES IN YOUR STOMACH? Ghad! "Babawi ako. Pangako." Tapos hinalikan niya yung likod ng palad ko. Nginitian ko nalang siya.

Bigla namang may pumasok sa room. Yung doctor at may kasamang nurse. Yung doctor parang 25 lang siya. Hmmm gwapo, moreno tapos matangkad. Malaki pa yung build ng katawan.

"Ms. Young?"

"Dr. Lopez?" Doctor kasi siya ni Mommy nung naaksidente si Mom.

Lumapit siya sa'kin tapos hinawakan yung kamay ko at paa.

"Masakit pa ba?" Itinaas niya yung paa ko.

"A-aray. Opo. Medyo."

"Mag rerest ka muna ha? Kasi after 6 months ka pa makakalakad."

"Po?" Ano? 6 months?! Ang tagal naman ata nun. Hindi na ako makakapagsayaw nito!

"Naipit kasi yung paa mo sa upuan nung bus. May na crack na bone. Kaya nilagyan namin ng semento. Don't worry, makakasayaw ka pa."

"Yung kamay?" Biglang tanong ni Caids

"Okey na yung kamay. Minor Injury lang naman pero yung paa mo. Sa loob ng six months, pupunta ako sa bahay niyo at magtratrain tayong maglakad. Ayos ba?"

"Oo naman po." Tapos ngumiti naman siya

"Bye Mae."

"Bye Josh" at umalis na sila.

"Ngiting ngiti ka ah." Hahaha asar ang isang 'to.

"Oh? Problema mo?"

"Wala naman. Hindi ganyan ngiti mo pag ako kasama mo."

"Ay arte nito. Kababata ko kasi si Joshua. Mas matanda siya sakin ng 5 years pero di naman siguro malayo yun diba? Tsaka doctor din siya ni Mommy nun eh."

"Explain pa. Tss."

"Arte talaga nitu. Para kang boyfriend ko na nagseselos. Haha!"

"Pano kung nagseselos talaga ako?"

Summer FlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon