Huminto kami sa isang nakasarang pinto at nakita kong bahagyang kumatok ang lalaki sa pinto, bago ito buksan. Nang akmang papasok na kami ni Kristen ay hinawakan ko siya sa kamay, kaya napalingon siya sa gawi ko."What?" nagtataka niyang tanong sa akin.
"Y-You can't betray me, right?" sabi ko at nakaramdam ng kakaibang takot sa buo kong katawan.
Napakuno't noo siya, matapos ko iyong sabihin.
"Ano bang sinasabi mo? Oo naman, bakit ba parang natatakot ka?" saad niya at tila natatawang nakatingin sa akin.
"Iniisip ko kasi, na b-baka ibebenta mo ako eh. Alam kong alam mo, kung anong klaseng lugar ito," wika ko.
Napatitig siya sa akin saglit, at mayamaya pa ay bahagyang tumawa.
"W-What? Haha! Anong ibebenta? Ikaw? Haha! Umayos ka nga, Oo alam ko kung anong lugar ito at mas lalong hindi kita ibebenta. Huwag ka ngang mag isip ng kung ano-ano diyan. Trust me, okay?" natatawang sabi niya sa akin.
Alanganin akong ngumiti sa kanya at tila ba nabawasan ang kaba ko. Oonga naman, bakit nga ba niya ako ibebenta..eh kilala ko ang lukaret na ito. Hays! Umayos ka nga, Khez!
"O-Okay, I trust you," tugon ko.
Napangiti siya at tumango sa akin.
"Ganoon naman pala eh, halika na para makausap na natin si Tita Laura," sabi niya at hinila na ako papasok sa loob ng silid.
Pagkapasok namin ay nakita ko ang lalaking kasama namin kanina na nakatayo sa gilid ng pader. Doon ko rin napansin ang isang nakatalikod na babae, habang tila may kausap sa phone.
"Don't worry, Sella, makakahanap rin ako. Actually, may napapusuan na ako at kailangan ko munang kausaping mabuti. Oo, this week, okay, bye."
Nakita kong ibinaba niya ang kanyang Cellphone at bumaling sa gawi namin. Napangiti agad siya nang makita kami.
"Hai Tita!" bati ni Kristen at humalik sa pisngi nito.
"Kristen, mabuti naman at dumating ka na. Oh, siya ba ang tinatukoy mong kaibigan?" sabi nito nang mapatingin sa akin.
"Yes, Tita.. nakita niyo na ang picture niya di ba? So, what do you think?" nakangiting sabi ni Kristen habang nakatingin sa akin.
Naiilang naman ako sa kakaibang tingin sa akin nito. Para bang sinusuri ang buo kong katawan, kahit pa may suot akong damit.
Inaamin ko namang maalaga ako sa katawan, biniyayaan rin ako ng katamtamang hinaharap at maging ang tangkad ko na 6ft. Mas matangkad nga ako kay Kristen at ilang beses na rin akong nasali sa pagent noong highschool, pero ngayong college na ako ay hindi na ako sumasali. Ewan, na-fucos na ako sa pag aaral para makatulong sa pamilya ko."Hmmm, you really have a taste, ija. Hindi ko alam na may kaibigan kang ganito ka tangkad at kaganda. Pweding-pwedi siya, ano nga ulit ang pangalan mo, ija?" sabi nito sa akin.
Naiilang akong ngumiti, bago sumagot sa kanya.
"Ahm, Khezyene Emarie, pero pwedi na ring, Khez," pakilala ko sa kanya.
Tumango-tango at naglakad palapit sa akin. Umikot siya habang sinusuri ako, kaya bahagya akong napatingin kay Kristen na nakangiti lang na pinagmamasdan kami.
"I really like you. Sigurado akong magugustuhan ka ni Sella at ng magiging employers mo kung sakali," sabi nito sa akin.
Natigilan naman ako sa kanyang sinabi.
"E-Employers?"
"Oh! Let me explain everything, but, first.. can I see you nake body? Just to clarify something? Kahit iwan mo lang ang panloob mo, gusto kong makita nang mabuti ang balat mo," sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Fall To A Sadist Mafia
AcciónKhez is a breadwinner of her family. A hard working and kind lady. Ngunit, dahil sa kahirapan- maging ang dinadalang sakit ng kanyang kapatid ay sinubok siya kapalaran at maging pangarap na makapagtapos ay nadamay. Kaya gumawa siya ng paraan para ma...