"Kaila, dalawang buwan na kayong hindi nakakabyad ng renta, alam mo namang kailangan ko rin ng pera para sa pagpapaaral ng mga anak ko.."
"Dina, pasensya na talaga, nagkasakit kasi si Bunso kaya nagamit namin iyong pera. Iyon na rin ang huling sahod ni Ricky, kaya hindi ko maipapangako kung makakabayad ako saiyo ngayon."
Napabuntong-hininga ako, nang marinig ko ang sinabi ng aking ina kay Aling Dina; ang may ari ng bahay na inuupuhan namin. Pababa ako ng hagdan nang marinig ang pag uusap nilang iyon at heto nakatingin sa kanila. Nakita ko ang naging reaksyon ni Aling Dina sa sinabing iyon ng ina ko. Makikitang dismayado ito at tila hindi nagustuhan ang sinabi ni Mama. Mabait naman siya at kaibigan siya ni Mama. Ngunit, pagdating sa renta ng bahay at sa pera ay talagang nag iiba ang kanyang ugali.
"Naku naman, Kayla, alam mo rin na kailangan ko ng pera. Baka naman pwedi mong gawan ng paraan, na makabayad ka sa akin ngayon," napapailing na sabi nito sa aking ina.
Muli akong napabuntong-hininga at naglakad palapit sa kanila. Bago pa makapagsalita si Mama ay nagsalita na ako.
"Ako na pong magbabayad, Aling Dina," sabi ko sa kanya at bumaling kay Mama, saka ako ngumiti sa kanya.
Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha dahil sa sinabing kong iyon. Muli akong bumaling kay Aling Dina at nakita kong tila nabuhayan ng loob ang kanyang mga tingin sa amin. Ngumiti ako sa kanya at may kinuha sa bag na dala ko. Kinuha ko ang halaga ng pera na ibabayad ko sa kanya, saka ko ito ibinigay.
"Ayan ho, at mag a-advance rin kami ng isang buwan," nakangiting sabi ko sa kanya.
Agad niyang tinanggap ang pera at nagpasalamat sa akin.
"Naku! Mabuti na lang at mabait itong si Khez. Sige ha? Mauna na ako at nang maihabol ko ito sa tuition ni Dylan," sabi nito at nagpaalam na sa amin na umalis.
Nang makalabas na siya ng bahay ay naramdaman kong hinawakan ni Mama ang aking kaming kamay. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Saan galing ang perang iyon, Khezyne?" kuno't noo'ng tanong sa akin ni Mama.
"Sweldo ko ho iyon ng isang linggo sa pinagt-trabahuan kong coffee shop malapit sa school namin," nakangiting sabi ko sa kanya.
Mas lalo siyang napakuno't noo sa sinabi ko at naiintindihan ko kung bakit ganito na lang ang reaksyon niya. Oonga pala, ako nga pala si Khezyene Emarie Mendez; 20 years old at isang 4rth year college. Simple lang ang buhay at nakakaraos kapag masipag sa araw-araw na ginagawa. Panganay ako sa aming tatlong magkakapatid at nasa highschool pa ang dalawa kong lalaking kapatid. Actually, hindi alam ni Mama ang ginagawa ko, lalo na sa trabaho ko sa coffee shop.
"Nag t-trahabo ka? Paano ang pag aaral mo? Baka mamaya napapabayaan mo na iyan dahil sa trabaho mo. Alam mong pinagsisikapan namin na makapag aral ka at makapagtapos, para naman ikaw na ang magpapaaral sa mga kapatid mo kapag may maayos ka nang trabaho. Khezyene naman!" aniya at napatayo bigla sa harapan ko.
Napakamot na lang ako sa aking pisngi, habang umiiwas nang tingin sa kanya.
"Kaya kong tiisin lahat, Khez, alam mo iyan! Ikaw ang inaasahan ko sa mga kapatid mo!"
"Kai? Bakit ba ang ingay mo? Ano iyong naririnig ko?"
Napatingin ako sa biglang pumasok sa pinto at nakita ko si Papa na may buhat-buhat na inuming tubig. Inilapag niya iyon at nagtatakang nakatingin sa amin ni Mama.
"Itong anak mo, nagt-trahabo na pala nang hindi natin nalalaman," sabi ni Mama kay Papa.
Kaya napatingin sa akin si Papa. Alanganin akong ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fall To A Sadist Mafia
ActionKhez is a breadwinner of her family. A hard working and kind lady. Ngunit, dahil sa kahirapan- maging ang dinadalang sakit ng kanyang kapatid ay sinubok siya kapalaran at maging pangarap na makapagtapos ay nadamay. Kaya gumawa siya ng paraan para ma...