Nakarating na ako sa bahay at kinausap ko lang saglit sina Mama, bago ako pumasok sa kwarto ko. Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ang nangyari kanina, lalo na sa lalaking iyon. Hindi ko masyadong nakita nang tuluyan ang kanyang mukha dahil may suot siyang itim na sunglasses. Ngunit, iyong kakaibang tingin niya sa akin ay talagang nararamdaman ko.Napabuntong-hininga ako.
Bakit iyon ang iniisip ko? Dapat ang trabaho iyon ang iisip ko at hindi ang lalaking iyon. Inisip kong mabuti ang mga sinabi kanina ni Ma'am Laura. Hindi ko pa alam kung magkano ang kikitain ko sa trabahong iyon, ngunit, nasisiguro kong higit pa sa sweldo ko sa coffee shop ang kikitain ko.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok at dahan-dahang bumukas. Nakita ko si Klein na ngumiti sa akin, nang makita ako bago pumasok.
"Ate, pwedi ba kitang makausap?" sabi niya sakin.
"Oo naman, bakit ano iyon?" nakangiting sabi ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at umupo sa kama katabi ko. Nararamdaman kong may nais siyang sabihin sa akin, lalo na at tila nag aalalangan siya.
"Ate, kasi ano.. kailangan kasi naming bumili ng sarili naming laptop para sa gagawin naming project orientation. Hindi na kaso ako pweding gumamit doon sa computer Lab, dahil nga kailangan naming magkaroon ng sariling gamit. Alam mo naman siguro na lagi akong top sa klase, ayokong bumagsak dahil lang sa hindi ko pagkakaroon ng sariling gamit. Ayaw ko naman talagang bumili, dahil sa sitwasyon nina Mama. Ikaw lang inaasahan ko, Ate, dahil nagt-trahabo ka minsan. Pasensya na sa hinihingi ko, Ate, sadyang kailangan lang talaga sa school," nakayuko niyang sabi sa akin.
Napatitig ako sa kanya. Hindi man sa nagyayabang ako, pero biniyayaan kami na maging matalinong magkakapatid. Lagi rin akong top 1 sa klase namin at naging Valedictorian ako noong highschool at ngayong college ay inaasahan ko rin na mabibilang ako sa mga top honor student. Isa sa gusto kong makuha ay maging Cum laude. Lagi ko iyong pinagdarasal, upang maging proud sa akin sina mama at maging ang mga kapatid ko.
Si Klein ay isang senior high student ay graduating na siya ng high school. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya nagsusimikap ngayon. Habang ang bunso naman namin ay nasa junior high at 3rd year.Hinawakan ko siya sa kanyang balikat.
"Don't worry, I will buy you a laptop. Gagawin ni Ate na makuha ang gusto mo, basta pagbutihin mo ang iyong pag aaral, okay ba?" nakangiti kong sabi sa kanya.
Doon lang siya lumingon sa akin at nakita ko kung paano nabuhayan ang kanyang mga mata, saka napangiti.
"Talaga, Ate?" masaya niyang sabi.
Tumango ako sa kanya.
"Sure na iyan ah? Wala nang bawian?" paniniguro niya.
Natatawa naman akong tumango muli sa kanya.
"Oo nga, akong bahala, bibili tayo bukas," tugon ko.
"Yes! Sige, Ate, may tatapusin lang ako sa kwarto," masigla niyang sabi sa akin at lumabas na ng aking kwarto.
Napabuntong-hininga ako at kinuha ang aking wallet sa bag. Tiningnan ko ang laman kung may pera pa ba ako.
"God, makakabili kaya ako nito?" sambit ko, habang hawak ang tatlong libo peso.
Napatitig lang ako saglit dito at muling binalik sa wallet ko. Kinuha ko ang calling card ni Ma'am Laura at tiningnan itong mabuti."Kapag pumayag ba ako, eh mabibili ko na ang lahat ng gusto ko?" sabi ko habang nakatingin sa card, na tila ba tutugon sa sinabi ko.
Napukaw lang ang tingin ko dito, nang marinig kong sumigaw si Mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/338185639-288-k182551.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall To A Sadist Mafia
AcciónKhez is a breadwinner of her family. A hard working and kind lady. Ngunit, dahil sa kahirapan- maging ang dinadalang sakit ng kanyang kapatid ay sinubok siya kapalaran at maging pangarap na makapagtapos ay nadamay. Kaya gumawa siya ng paraan para ma...