Third Person PovNapaiktad si Mrs. Laura, matapos ihagis sa kanya ang mga larawan ng babaeng pinakita niya sa lalaking nakaupo sa kanyang harapan. Nanginginig ang kanyang kamay, habang isa-isang pinulot ang mga ito.
"Sella," tawag nito sa babaeng katabi ni Mrs. Laura.
Pormal naman itong lumapit na tila sanay na sa ugali ng lalaki.
"Hindi pa ba malinaw saiyo ang sinabi ko? We need some woman who will be on our auction. Gusto ko mga bago hindi iyong paulit-ulit na mga babae lang ang pinapalabas niyo," seryoso nitong sabi sa kanila.
Napabuntong-hininga naman si Sella sa sinabi nito at napasulyap kay Mrs Laura, na pasimpleng tumingin naman sa kanya.
"Zuch, alam ko naman ang gusto mong mangyari. Ngunit, sadyang mahirap makahanap ng mga bagong babae ngayon, lalo na at masyadong mataas ang standard mo pagdating sa kanila. Bigyan mo pa kami, hanggang katapusan ng linggo. Kapag hindi pa kami makahanap ay patayin mo na rin ako kasama ng mga babaeng pinapatay mo," sabi ni Sella, na walang emosyong nakatingin ngayon sa lalaki.
Napakuno't noo naman ito sa kanyang sinabi at napapailing na napangisi.
"Tsss, do you really think that I can kill you?" saad nito.
Hindi naman nakapagsalita si Sella at bahagyang napabuntong-hininga na lang dito. Alam rin naman niyang hindi siya nito kayang patayin, dahil nga magpinsan silang dalawa at magkasama silang lumaki. Nagbago lang naman siya pagkatapos mapunta sa kanya ang lahat ng pag aari at negosyo ng kanyang pamilya. Higit sa lahat ay pinagkakatiwalaan niya ito ng husto.
"Fine, I will give you a chance," muling sabi nito.
Hindi nagbago ang tingin ni Sella, bagkus ay napaismid na lamang siya. Napasulyap siya kay Laura, na bahagyang tumango sa kanya.
"But, just this time, okay? Kapag hindi niyo pa binigay sa akin ang gusto ko ay mawawalan talaga kayo ng negosyo, lalo ka na," mariing sabi nito at bumaling kay Mrs. Laura na agad lang rin napayuko.
"Don't worry, we can make it," sabi ni Sella.
Naglakad si Sella palapit kay Laura at inakabayan ito, saka muling bumaling kay Zucchini.
"Aalis na kami," paalam ni Sella.
Tango lang ang naging tugon nito, bago sila lumabas sa opisina. Napabuntong-hininga si Zuch at bahagyang napatayo.
"Kailangan mo ba talagang pahirapan sila sa paghahanap? Marami naman tayong mga babae na pwedi nating isalang sa Auction, iyong mga model natin sa Casino," mayamaya ay sabi ng kanyang sekretarya.
Hindi agad nagsalita si Zuch. Alam naman niya iyon, ngunit iba ang nasa isip niya. Gusto niyang patunayan sa kanyang ama na marami siyang kayang gawin, na karapatdapat siyang maging isang tagapagmana lalo na sa isang lihim nilang organisasyon na alam niyang kaya niyang pamunuan. Kaya lang ay may hadlang sa kagustuhan niyang iyon, kundi ang kapatid niya na lagi niyang kakompitensya.
"Alam kong magagawa nila ang trabaho nila. May tiwala ako kay Sella," tanging sabi niya dito.
Hindi na ito nagsalita pa tungkol sa bagay na iyon. Nagsalin siya ng alak sa kanyang baso at bahayang uminom. Mayamaya ay may bigla siyang naalalang eksena kahapon, kung saan nakita niya ang isang babaeng hindi maaalis sa kanyang isipan simula nang makita niya ito. Hindi niya maintindihan kung ano bang mayroon dito at hindi mawala sa isip niya. Inaamin naman niyang maganda ito, sexy at simple lang manamit. Ngunit, wala siyang kakaibang nararamdaman dito. Kaya nagtataka siya kung bakit hindi niya makalimutan ang mukha nito, lalo na noong iniligtas niya ito sa mga lalaking iyon. Napabuntong-hininga siya at inubos ang alak.
Matapos niyang maubos iyon ay nagpasya siyang pumunta sa kanilang Casino, kasama ang kanyang sekretarya.
BINABASA MO ANG
Fall To A Sadist Mafia
ActionKhez is a breadwinner of her family. A hard working and kind lady. Ngunit, dahil sa kahirapan- maging ang dinadalang sakit ng kanyang kapatid ay sinubok siya kapalaran at maging pangarap na makapagtapos ay nadamay. Kaya gumawa siya ng paraan para ma...