Chapter 5

221 19 0
                                    


Jade Dela Cruz

Nag lalakad ako ngayon sa madilim na iskinita pabalik sa dinaanan ko kanina or not.

Palagay ko kasi naliligaw na ako. Napakamot ako sa ulo at napapadyak sa sahig. Naalala ko na wala pala akong sense of direction. Wala naman kasi ito sa alaala ni Margarita kaya hindi ko alam kung nasaan na ako. Aishh kainis, ano na ang gagawin ko ngayon? saan na ako pupunta nito? Paano ako makakabalik kung saan ang kabayo ko? At oo kabayo ko na dahil inaangkin ko na ngayon. Wala naman siguro magagalit hehe subukan lang nila magalit at ipapakain ko sila sa alagang tigre ng duke!

And speaking of duke, naalala ko ang nangyare kanina.

Anong ginagawa ng duke dito? Hindi pa tapos ang digmaan sigurado ako dahil wala pang tatlong buwan ang nakalipas at lalong wala pa akong dalawang araw dito kaya impossibleng nandito na ang duke pero sigurado ako na ang duke ang nakita ko kanina at nakahalikan. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa naalala although it's not my first time na mahalikan pero iba ang pakiramdam ko ng mahalikan ako ng duke.

Yummy.. parang gusto ko pang maulit-- este wag pala sana maulit, baka masanay charizz hehe ehem ano ba tong iniisip ko!

Bago pa ako makareact kanina ng mamukhaan ko na siya ang duke ay nawala na siya sa paningin ko at namalayan ko na lang na suot ko na ang balabal ng duke at hindi ko na hawak ang balabal ko.

Dun ko lang nalaman na pinag palit niya ang balabal naming dalawa.

Napahawak ako sa balabal na suot ko. Inamoy ko ito at napangiti ng maamoy ko ang pabango ng duke na nakakaadik amoyin. Nakarinig ako ng tawa sa likod ko kaya napalingon ako rito. Gosh nakakahiya!

" Mukha kang tanga sa ginagawa mo" natatawang sabi ng kung sino mang poncio pilatong nag salita sa dilim. Hindi ko siya makita dahil sa nasa parteng madilim siya at ako naman ay saktong tapat ng liwanag ng buwan kaya kitang kita ako at ang ginagawa ko kaya nahihiya kong inilayo ang balabal sa ilong ko.

Nakakahiya! Ano na lang iisipin ng taong to. Baka isipin pa niyang adik ako! Whaaaa

Nakakaadik naman kasing amoyin ang pabango ng duke na may halong pawis niya pero hindi naman mabaho katunayan niyan amoy baby pa nga. Ang unfair naman, pano naman ako na hindi pa nga pinag papawisan amoy anghit na!

Wala sa sariling inamoy ko ang sarili at napahinga ng maluwag ng maamoy na mabango parin ako kahit pinagpawisan na ako kanina. Buti na lang mabango itong si Margarita dahil kung hindi ay magwawala talaga ako. Ang unfair naman kasi kung mabaho ang balabal ko tapos sa duke mabango tapos pinag palit niya pa ang balabal naming dalawa. Whaaa nakakahiya pag nagkataon.

Narinig kong bumunghalit ito ng tawa kaya inis ko itong tinignan kahit na nahihiya ako sa ginawa ko. Binitawan ko rin ang pag sasabunot sa buhok ko at inayos ito.

"Mag pakita ka kung sino ka mang impakto!" Inis na nasigaw ko. Nahihiya na nga ako sa ginawa ko tapos tatawa pa siya. Batukan ko talaga to pag nakita ko na siya.

Nakita ko na may gumalaw sa dilim kaya sigurado ako na nag lalakad na siya palapit sa akin kaya naging alerto ako. Dapat lang na maging alerto ako dahil hindi ko kilala kung sino ito.

Naaninag ko ang bulto ng isang matangkad na lalaki hanggang sa nakita ko na siya.

Tumama ang liwanag ng buwan sa mukha niya kaya kita ko ang kulay asul niyang mga mata na nag rereflect sa liwanag ng buwan. Siya yung lalaki na lumaban kay damulag at natalo rin kalaunan.

"It's you" Sabi niya ng nakangiti sa akin kaya napatulala ako sa kagwapuhan niya. Kita ko ang dimple niya nong ngumiti ito na talaga namang makalaglag panty ng mga kababaihan at binabae but except to me. Sanay na akong makakita ng mga gwapo pero hindi ko parin mapigilan matulala but hanggang dun lang hehe. Tumawa ito kaya natauhan ako. Whaaaa nakakahiya na talaga ang mga pinag gagawa ko ngayon huhu.

Reincarnated as the villainess of 'The king's Wife'Where stories live. Discover now