CHAPTER 32: PART 2: 1 Year Later

57 7 11
                                    

Chapter 32: PART 2: 1 Year Later

Autumn's Pov

Hindi ko namalayang mabilis na lumipas ang oras. Dahil roon ay mabilis akong napatayo sa pagkakahiga ko sa sobrang lambot na sofang kinahihigaan ko.

"Grrrrrrrrggggggg!!" Inis na inis akong nagmadaling nagayos ng sarili at tumakbo sa may kusina "Bakit ba hindi mo ko ginising, huh?!" Inis na sambit ko na may kasamang pitik sa ilong nito. Pinanliitan ko pa ito ng mata ko. Hindi nito alam paano ito tatawa sa expression ko.


Kaya naman pumunta nalang ito sa likod ko at niyakap ako ng mahigpit mula sa likod. Ayan na naman nag umpisa na naman sa kalandian ang lalaking ito.


"I don't want to disturb the most Beautiful Girl. That's why i didnt wake you up." Iniharap ako nito sa harap nya.


Nagkatinginan kami ng matagal mata sa mata hahahaha. Oo na gwapo na po sya.


Itinulak ko ito sa balikat pero hindi ito ganoon kalakas "Wag mo kong bulatchihin. Sige na, kailangan ko ng umalis baka hinahanap na ako ni Cyrine sa RKU."

Tumalikod ako rito at mula sa paglalakad ko ay nagsalita muli ito dahilan upang mapahinto ako at humarap sakanya.

"I Love You, Autumn!" Sigaw nito pero sa mahinahong boses at malambing


Ngumiti ako "Thank You," Ngumiti ito ng malawak "And I Love You too Mr. Yahiro Monroe Takashima!" Sabay kindat ko sabay pumorma ng baril sa dalawa kong kamay at kunwari ay pinagbabaril sya ng dalawang beses.


"Bang!!, BANG!!" Natatawa kong sabi rito

Mabilis na lumipas ang isang taon. Masaya ako sa naging kapalaran ko. Simula ng nakilala ko ang super duper friend ko mabilis akong nakabangon mula sa lugmok na kalungkutan ko ng iwasan na ako nila Shiro, Jasmine,Pearl, Jeffrald at Alexus hindi na ako ginulo pa ng mga bruhang babaeng yun pero nangaasar parin sila, tama naging tamihik muli ang pamumuhay ko. Naging stranger na ako sa kanila at naging Stranger narin sila saakin pero hindi parin nawawala ang pagmamahal ko sakanila kahit na naging ganito ang kinahinatnan ng pagkakaibigan namin.
And youre right sa loob ng isang Taon nayon nakapag move on na ako as in MOVE ON TALAGA!!. Dahil sa loob ng isang taon na yun si Yahiro Monroe Takashima ang laging nasa tabi ko at minahal ako at ngayon nag bunga na ang panghihintay nya. at isa pa hindi ko balak paghintayin sya ng FOREVER NOH. Masaya na ako sakanya SOBRA wala na akong mahihiling pa. Ngayon wala na wala ng natitira kahit konting pagmamahal para kay Akihiro. Pero kung sakali mang may natitira pa yun ay isang puwang para sa pagkakaibigan nalang. Oo natanggap ko na matagal na matagal ko narin syang napatawad.


Shiro's Pov


Katulad ng dati busying busy kami sa Council. Pero ang isa pang pinagkakaabalahan namin ay ang pagaayos ng mga listahan ng Mafia Group na dapat naming patumbahin dahil sa laki ng pagkakautang sa Raven's Secret Organization kung saan kami kabilang. Sa amin pinamamahala ito ni Mr. Alexander Kajiwara dahil hanggang ngayon busy sila sa paghahanap sa kapatid ni Akihiro.


BLAAGGG!!!

Napatingin ako sa pumasok at nagbalibag sa pinto na nakasimagot.

"What's the Matter Pearl?" Mahinahon kong tanong rito na naka crossarms pa.

She Rolled her eyes on me "Eh Pano Uuwi na ng Pilipinas si Akihiro Kajiwara!" Sagot nya saakin but I smirk

How about A Kiss? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon