" Hi, Iva!"
"Ay, butiki!" bulalas ko ng may magsalita bigla sa likuran ko habang papunta ako sa kalapit na tindahan upang bumili ng tuyo. Napag-utosan kasi ako ni mama.
Nilingon ko si Redge at pinandilatan ito.
" Hoy! Huwag mo nga akong ginugulat!"
" Kasalanan ko bang magugulatin ka? " kibit-balikat nito at sinabayan akong naglakad. Nakangisi pa ito, mukhang nasisiyahan na nasisira na naman niya ang mood ko ngayong araw.
" Abah, hindi!" sarkastikong turan ko. Pinigilan ko nalang ang sariling hampasin ang hudyo dahil baka magrambulan pa kami rito. Patay na naman ako kay inay.
Hindi ko alam kung bakit paboritong sirain ng magaling kong kapit bahay ang araw-araw ko sa tuwina. Nababanas talaga kaagad ang araw ko kapag nasisilayan ko ang hudas niyang pagmumukha. At OO magkapitbahay kami, sa kasamaang palad. Ang matindi, iisa lang ang bakuran namin. Kaya kahit gusto ko mn siyang iwasan, hindi pwede!
Kung pwede nga lang ilipat ang bahay namin ay ginawa ko na.
" Anung ulam niyo?"
"At bakit? Manghihingi ka naman?!" pahapyaw kung bulyaw sa kanya.
" Alam mo ang damot mo." nakangisi itong nakatunghay sakin. Inis-nab ko nalang siya at lumapit na sa tindahan at bumili na ng tuyo.
" Alam mo Iva, bagay talaga kayo ni Red." napasimangot ako sa sinabi ni lola Rosa. Siya yung may ari ng tindahan na laging tumutukso sakin kay Redge aka " RED" Salazar.
Sumipol naman ang asungot sa tabi ko at inakbayan pa ako. Agad ko naman itong hinampas.
" Aray! Hindi pa nga tayo, battered boyfriend na ako." tumatawa pa itong hinimas ang barong nasaktan.
" Buti nga yan eh! " sikmat ko at kinuha ang tuyong binili ko. " Hindi po magiging kami, Lola Rosa. Kahit siya pa kahuli-hulihang lalaki sa buong mundo."
" Abay, sayang naman. Ke pogi pa naman nitong si Red. " nakangiti pa itong nakatingin samin. Gusto ko nang sumuka sa sinabi nito.
" Yan po ang gusto ko sa inyo, lola. Nagsasabi po kayo ng totoo. Hindi tulad ng iba jan." nakangisi pa ang hudas na nakatingin sakin. Pinandiltan ko siya.
" Heh! Kahit magmukhang prinsepi ka pa di kita papatulan!" pinatid ko ang kaliwang paa niya at binilatan siya. Patalon-talon itong umigik dahil mukhang napalakas ang pagpatid ko.
Mabilis akong lumisan doon at umuwi na sa bahay. Paniguradong sesermonan na naman ako ni mama dahil lampas bente minutos na akong natagalan. Araw-araw nlang talagang nagbabang-ga kami ni Red. Ako yata ang paborito niyang pagtripan araw-araw.
Yes. Everyday! Pati sa paaralan andon din siya. At magkaklase pa kami. Dati naman hindi kami ganoon. Hindi kami nagpapansinan. Masasabi ko pa ngang gwapo talaga siya, matangkad ito at moreno,may matangos na ilong at may malalim na biloy sa magkabilang pisngi, idagdag pa ang kulay tsokolateng mga mata niya na pinarisan ng malalantik na pilit-mata. May maganda din itong pangangatawan, siguro dahil aktibo ito sa paglalaro ng basketball at pinasisibak pa ito ng kahoy ng ina nito. Marami ngang naging jowa ng hudas eh, pinipilahan yung ng mga babae sa school. At crush ko siya... pero noon yun. Nung mga lumipas pa na taon nung hindi pa siya nambubweset sakin.
Nagsimula lang naman ang pambubweset niya noong nanalo ako bilang muse ng paliga sa baranggay. Kinatawan ko ang kabilang team habang yung ex-jowa naman niya ang muse nila. Hindi yata matanggap na nanalo ako.
Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda ako. Period.
Kahit pandak ako at malaman ay seksi nman ako. May maputi akong balat na minana ko sa aking ama at medjo may katangosan naman akong ilong na kay mama ko namana. Mahaba din ang medyo maalon kong buhok na hanggang bewang. Yun nga lang kinapos talaga ako sa tangkad.
BINABASA MO ANG
Loving Red
General FictionHis just my neighbor.. Supposed to be just my neighbor. Redge aka (RED) is my kapitbahay. Ang hudas kung kapitbahay na palaging sinisira ang araw ko. Kahit saan mn ako magpunta ay parang anino na sumusunod sakin upang bsweten ako. Kaya itataga ko s...