Gaya ng pinag-usapan namin ni Red sinundo niya ako sa bahay namin. Kahit sobrang aga pa. Mga alas syete ata yun. Nagulat ng si inay dahil nag-aalmusal pa yata kami ng dumaging ang binata.
Ni hindi pa nga ako nakapagligo man lang kaya nagkanda-talisod ako sa pag-akyat sa kwarto ko para maligo. Iyon na yata ang pinakamabilis kong pagligo sa tanang buhay ko.
Mabilis lang akong nagbihis ng skinny jeans at v-neck shirt na gray na pinarisan ng flipflops na brown at nagwisik na rin ng daily scent cologne ng bench. Hinayaan ko nalang na nakalugay ang buhok ko dahil basa pa ito at bumaba na.
"Oy, ate may date kayo kuya Red?" tanung ni Issa.
"Hindi noh. Nagpapasama lang yun. Bibili daw siya ng requirements sa projects namin. " sagot ko. Kahit parang ganon nga. Sabi kasi nito ay parang date na rin daw yun.
"Hanep talaga ni Kuya Red. Para-paraan." natatawang sabi nalng nito at pumasok na sa sriling kwarto. Nagkibit balikat nlang ako at bumaba na ng tuluyan ng hagdan.
Nadatnan ko saa Red sa sala namin nakaupo sa pang-isahang sofa habang kaharap si nanay. Nakangisi pa ito na mukhang may pinag-uusapan.
Si nanay ang unang nakapansin sakin at ngumiti ito.
" Nay, alis na po kami. " paalam ko at nagmano muna bago hatakin si Red.
" oh cge. Mag-ingat kayo. Huwag magpagabi ha?" tugon nito sakin pero nakatingin naman kay Red. " Tska, tandaan ang limitasyon. May tiwala ako saayo Red. Iuwi mo nang ligtas itong panganay ko."
"Opo, nay. Iingatan ko po tong mapapangasawa ko." seryusong saad ni Red na ikinatawa ni nanay. Kaya naman ay siniko ko ito. " Aray naman, mahal ko. Ang sakit ng siko mo."
"Umayos ka kasi." ingos ko sa kanya. " Cge na tuloy na po kami."
"Bye po nay." paalam rin ni Red.
Habang nasa kalsada na kami nag-aabang ng masasakyan nlingon ko si Red. Nakasuot ito ng maong na pantalon na pinarisan ng pulang tshirt at naka rubber shoes na puti. Kaya litaw na litaw ang magandang tindig nito. Idagdag pang lagi itong nakangiti dahilan para lumitaw ang magkabilang biloy nito sa pisngi na lalong ikina gwapo nito.
Sa sobrang titig ko sa kanya lumingon ito sakin at ngumisi. Kaya nagbawi nlang ako ng tingin.
" Sa SM tayo. Malaki ang national bookstore nila don." sabi nito. Tumango nalang ako at inabala ang sarili ko sa pagtingin ng mga sasakyang dumaan. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Iwan ko para akong natatae.
Maya-maya pa ay hinawakan nito ang kaliwang kamay ko at pinagsiklop ang aming mga daliri. Parang kinapos ako bigla ng hininga.
" Anu yang trip mo?" asik ko sa kanya at pilit na binawi ang kamay ko. Tumawa lang ito at mas hinigpitan ang paghawak.
"Para hindi tayo magkahiwalay. Tska bagay nman diba?"
"Hoy! Ipaalala ko lang sayo wla pa tayong relasyon kung makadikit kala mo boyfriend na kita ah!"
"Hindi mo nga ako boyfriend. Future husband mo ako."
"Ewan ko sayo Red. Sarap mong tadyakan."
"Masarap din kaya akong mahalin." hirit nito at sinundot pa ang pisngi ko.
"Sira ka talaga.!" Ingos ko sa kanya at hinatak siya pasakay ng jeep na humento sa harap namin. Ang hudyo hindi talaga binitawan ang kamay ko. Nako conscious tuloy ako. Buti nalang hindi pawisin ang kamay ko.
Sa haba ng byahe namin papuntang mall sobrang dikit ni Red sakin. Animo batang takot iwan pero pinagsawalang bahala ko na lamang. Si Red ang pinagbayad ko ng pamasahe namin dahil siya naman ang nagyaya eh. Tska siya ang lalaki. Dapat lang yun.
Pagkapasok ng mall hila-hila niya ako papuntang national bookstore. Ako ang pinakuha niya sa mga kailangan niya dahil daw mas alam ko ang mga yun. Ok lang naman sa akin dahil sa lahat ng tindahan sa mall mas gusto ko talaga sa national bookstore. Mahilig rin kasi akong magbasa.
Pagkatapos naming mamili ay siya na ang nagbayad sa counter. Pinagmasdan ko nalang siya sa tabi. Nakipag kilala rito ang kasabay nitong babae sa pila. Mas tamang nakipag flirt yata. Ang hudyo naman pangiti-,ngiti sarap tusukin ang mata. Hindi ko rinig ang pinagsasabi ng babae pero maya maya pa ay nilingon ako ni Red. Parang sinasabi nniya sa babae na merong ako sa buhay niya.
Lumingon din ang babae sakin umisnab pa. Koh! Kala mo naman maganda. Himutok ko.
Pagkatapos ni Red ay naglakad na ito papunta sakin.
"Sino ang babaeng na sobrang kapal ng foundation?" tanung ko kaagad habang sinusundan ng tingin ang babae kanina sa pila.
"Ah ewan. Hindi naman ako nakikinig sa pagpapakilala niya. Bakit? Nagseselos ka?" tudyo nito sakin. Sinmaan ko agad ito ng tingin.
"Gusto mo tadyakan kita?" angil ko.
"Wag naman mahal ko. Ang iksi talaga ng pasencya mo. Kaya nga mahal kita eh. Type ko kasi ang mga mala tigre na asawa." tumatawang umakbay ito sakin kaya kinurot ko ito.
"Rendahan mo yang bibig mo Red kung ayaw mong ihulog kita papuntang ground floor."
"Ngayon pa ba na matagal na akong hulog sayo." banat niya. Naiiling nalang ako sa mga pinagsasabi niya.
"Ewan ko sayo. Tara na nga. Bili tayo ng ice cream." hinatak ko siya papuntang ice cream parlor ng mall.
Nagpatianod naman ito sakin. Wla na siyang magawa dahil magpapalibre talaga ako. Bayad niya sa halos buong buhay niya pangbubweset sakin.
Ang pagbili namin ng gamit sa school ay nauwi sa panonood namin ng sine at kumain na rin kami ng panghalian sa Jollibee. Nagutom na rin kasi kami. Sa totoo lang ok naman pala si Red kasama. Nag eenjoy ako sa bawat pagbabanat niya. Yung hindi na ako naasar. Gentleman din kasi si Red. Bago ako uupo sa upuan ay pinapagpag muna nito. Tska siya lahat ang gumastos sa lakad namin. Mukhang dala yata lahat ng ipon niya.
"Ahm salamat sa pagsama sakin ngayon, Iva. Sa susunod ulit." Sabi nito pagkahatid sakin. Nilingon ko ito at ngumiti.
"Nag enjoy rin naman ako kaya salamat din. Hindi ka naman pala masamang kasama. At galante rin." natatawa kong turan.
"Syempre, nagpapalakas ako sayo." sabi nito. Inabot nito ang hibla ng buhok ko na tumabing sa mukha ko." Tska matagal ko ng pinag-iponan ang first date natin."
"Huh?!"
"At nag-enjoy talaga ako. Kaya naman sana sa susunod ang official boyfriend mo na ako. Malapit na graduation natin. Magco-college na tayo. Baka magkahiwalay na papasukan natin."
"Nagmamadali ka po?" asar ko sa kanya.
"Hindi kaya. Tagal ko na kayang nnaghhintay sayo." saad nito.
Naiiling nalang ako at binuksan na ang pinto samin.
"Cge umuwi kana." taboy ko sa kanya. Gumango ito at ngumiti sakin bago tuluyang tumalikod. Ilang hakbang muna ang nagawa niya bago ko siya tinawag ulit " Red!"
Lumingon ito sakin.
"Tayo na! Sinasagot na kita!"
Pasigaw kong sabi sa kanya bago sinirado ang pinto. Sumandal muna ako ng pinto dahil sa sobrang pagkabog ng dibdib ko. Wait!
"Shit! Bat ko ba yun nasabi?!" bulong ko saking sarili.
"Oh? Magjowa na kayo?"
"Ayy butiki! Nanay naman. Kanina pa kayo riyan?"
"Oo, dinig na dinig ko yung pagsagot mo kay Red. Akala ko ba naiinis ka don?"
"Kunwari lang yun, nay. Crush kaya yun ni Ate." tudyo ng bunso naming kapatid.
"Hoy! Intregiro nito." ingos ko at umakyat na sa hagdan.
"Dalaga na talaga ang ate niyo." rinig ko pang sabi ni inay. Nagtawanan naman ang dalawa kong kapatid.
.........................
BINABASA MO ANG
Loving Red
Ficción GeneralHis just my neighbor.. Supposed to be just my neighbor. Redge aka (RED) is my kapitbahay. Ang hudas kung kapitbahay na palaging sinisira ang araw ko. Kahit saan mn ako magpunta ay parang anino na sumusunod sakin upang bsweten ako. Kaya itataga ko s...