Chapter Five

1 1 0
                                    

"Really?" kinikilig na magkasabay na tanong ni Abby at Tori sakin.

Kinukwento ko kasi sa kanila ang naganap sa nakalipas na araw. Kung paano ang ginawang panliligaw ni Red sakin. Kung paano siya naging sweet bigla at parang santo na sa kabaitan.

"Oo. Hindi ko nga alam kung bakit siya naging ganon bigla. Hinalikan pa nga nya ako ulit eh."

"What?!" maang na gagad ni Tori. "Infairness sa kanya ah dalawang beses na naka three points."tumatawa pa nitong sabi.

"At tska girl, matagal nang sweet si Red sayo. Manhid ka lang. It's like a century na kaya sa sobrang tagal. Napansin ko pa nga noong elementary tayo palagi na yung nagpapansin saayo. Iniisnab mo nga lang." nakangising kwento ni Abby.

Gusto ko nang maniwala. Totoo nman talagang matagal na akong iniinis ni Red. Pero dati hindi pa ako pikon. Kinikilig pa nga ako ng palihim. Kahit kunwari naiinis ako sa kanya pero ang totoo ay crush ko siya dati.

Pero nung nag highschool na kami palagi nang may dumidikit na babae sa hudyong yun. Palibhasa pogi kaya maraming nahuhimaling kaya tinigil ko na ang pagkagusto sa kanya. Dahil nga minsan dumidikit siya sakin marami ang naiinis sa akin minsan nga may nakasabunutan pa ako. Dahil ang hudyo pinagkakalat na ako daw ang jowa niya. Ayun kinuyog ako.

Kaya mula noon abot langit na talaga ang inis ko doon. Pero nawala naman ang mga naiinis sakin. Siguro dahil hanggang ngayon pinangangatawanan pa ni Red na kami talaga. Kaya nga sobrang inis pa rin ako doon. Siguro nga dahil deep inside my heart may gusto pa rin ako sa kanya.

"Oh natahimik ka? Napaisip ka noh?"

"Medyo lang. " natatawa kong sagot kay Abby. Inayos ko ang uniporme ko at lumingon sa plaza ng paaralan na kasalukuyang may tumatakbo.

"Kung ako sayo sagutin mo na. Ang tagal na rin kaya non nagpasempling ligaw sayo."udyok sakin ni Tori.

"Oo nga. Enemy turn to lovers lang ang peg." natatawang sabi naman ni Abby. Kaya tumawa na rin ako.

"Pwede ring neighbors to lovers ."

Humahalahak na sigunda ni Tori. Ang sarap pagbabatukan. Naiiling nalang ako at pinagpatuloy ang pagmamasid sa mga studyanteng tumatakbo sa plaza.

Bigla ko naman nakita si Red doon. Mukhang kasali sa ipanlalaban sa district meet na gaganapin sa susunod na linggo. Pinagmasdan ko ito ng maigi. Kahit na pawisan ito ay sobrang gwapo pa ring tingnan. Namumula ang pisngi nito marahil dahil sa init. Nakangisi itong tumatakbo kasabay ang mga kabarkada nito. Mukhang kasali rin siguro.

Kung nasaan si Red nandoon rin ang tatlong itlog na yun. Parang magkakapatid. Kung hindi nga lang sila magkakaiba ng mukha iisipin kong magkakapatid nga talaga  sila.

Naiiling nalang ako ng makitang lumingon sakin si Red at kinindatan ako. Nagtulakan naman ang mga ungas na kasama nito. Palibhasa ako ang mukhang nagpapasaya sa yamot nilang buhay.

"Ehhhh! Kinikilig ako!" muntik na akong mahulog sa kinuupuan dahil hinampas ako ni Tori. Mukhang nakita niya ang ginawa ni Red.

Ako naman ay namumula ang pisnging nag-iwas ng tingin kay Red. Putcha! Ang lakas talagang magpakilig ng gago. Kunti nalang mukhang bibigay na ang puso ko. Pero hindi pa pwede. Kailangan ko talagang rendahan ang puso ko dahil palagi nlang itong naghuhurumentado sa simpleng pagpapa cute ng Pulang yun.

" Hayy! Ang sarap talaga sa feeling kapag may manliligaw na pogi." tudyo ni Abby sakin habang sinusundot ang tagiliran ko.

"Oo, nga. Haba ng hair. Naapakan ko na nga eh." Natatawang sabi nman ni Tori. Hindi ko naman mapigilang mapabungisngis.

Loving RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon