Alas tres ng hapon, nakaupo ako sa bermoda grass sa may plaza ng paaralan kasama ang dalawa kong kaibigan pinag-uusapan lang namin ang gaganaping intramurals sa susunod na linggo.
Napagpasyahan kasi na ako daw yung gaganap na classroom representative o muse kaya tudo isip sina Tori at Abby sa magiging talent portion ko.
Kahit wala naman talaga akong talent. Natatawa nalang ako sa mga suggestions nila.
Napalingon ako sa kabilang dako ng plaza kung saan nagtatambay sina Red kasama ang tatlo nitong alagad. Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa kanila, dinaig pa ang speaker kung magtsismisan. Parang hindi mga lalaki. Hindi mn lang nag-abalang hinian ang mga boses nila.
At ang Red naman wagas kong tumawa. Parang gusto nang ilabas ang ngala-ngala niya. Kakahiya siya. Kalalaking tao.
Mukhang naramdaman nitong may nakamasid sa kanya kaya napasulyap ito sa kinaroroonan namin. Bigla nlang itong kumindat sakit na ikinluwa ng mata ko.
" Sira ulong lalaki ah."
" Ooy, nakita ko yun." tukso sakin ni Abby na parang sinabuyan ng asin sa kilig.
" Heh! Tusukin ko mata niya eh!." inumang ko pa ang ballpen na hawak ko kay Red na ikinangisi lang nito.
Inisnab ko nalang siya at binalik na ang tingin sa dalawa kong kaibigan na ang lalaki ng ngising nakatingin sakin."Oh ano? Hindi ako kinikilig sa hudas na yun. " ingos ko.
" Ahaha! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw mo sa kanya. Gwapo kaya yang admirer mo." palatak ni Tori.
" Oo nga. " sang-ayon ni Abby. " Ang tagal niya na kayang nagpaparamdam sayo."
" Ano siya? Multo?" natatawa kong sagot.
Anung nagpaparamdam, eh iniinis lang naman ang ng lalaking yun. Batukan ko pa siya eh.
" Tssk! First Honor ka talaga sa pagiging manhid, dai. Iwan ko sayo." sumusukong turan ni Abby. At tinuloy na ang pagpaplano sa intramurals.
Kumibit-balikat naman ako. Hindi ko naman talaga magets. Paano magkakagusto si Red sakin eh paborito lang naman niya akong buwesetin. At tska ang type non ay payat. Yung parang poste na kasing tangkad niya. Im out of his criteria. Kung sa contest pa, ligwak ako. Genern!
At tska yuck! Ayuko ng barumbadong boyfriend noh. Yung iinisin ka lang araw-araw at idagdag pang napaka babaero niya.
Kinabukasan pumasok na naman akong sira ang momentom ko.
Paano ba naman kasi paglabas ko pa lang ng bahay inasar na naman ako ng hudas kong kapit-bahay. Gusto ko na talagang isipin na pinanganak lang talaga siya upang maging tinik sa lalamunan ko.
Lihim talaga akong dumadalangin sa langit na magtatapos na ako at sisiguraduhin kong magkaiba kami ng university na papasukan pag college na. Para naman makapagpahinga ako sa pang-iinis niya.
Nakayukyok ako sa upuan ko dahil wla ako sa mood ng araw na yun nang may tumabi sakin. Amoy na amoy ko ang pamilyar na pabangong gamit nito at alam na alam ko kung sino ang nagmamay-ari nito. Maya-maya lang ay sinundot na nito ang tagiliran ko na ikina-igtad ko.
" Sira-ulo ka talagang lalaki ka!" pinagpapalo ko si Red ng notebook, tudo iwas naman ang huli pero hindi ko talaga siya tinigilan. " Ubos na talaga ang pasencya ko sayong hudas ka! "
" Aray! Aray! Aray! Sorey na misis. Nagpapansin lang naman ako sayo."
Ngasipolan naman ang mga kaibigan nito na lalo ko pang ikina-inis.
BINABASA MO ANG
Loving Red
Genel KurguHis just my neighbor.. Supposed to be just my neighbor. Redge aka (RED) is my kapitbahay. Ang hudas kung kapitbahay na palaging sinisira ang araw ko. Kahit saan mn ako magpunta ay parang anino na sumusunod sakin upang bsweten ako. Kaya itataga ko s...