Andito na ako sa bahay, nakakatakot talaga huhu nilalamig ako. Nasan na kaya si ethan? “Ethan? Ethan?” “Andito ako.” Ayun nandun pala sa kotse niya akala ko di ako sinipot eh? Haha di sinipot ano to date lanig? Baliw nanaman ako kung ano iniisip ko date kaming dalawa ni ethan? Hell no. haha kapal ko.
Matignan nga kung anong ginagawa netong lalaking to. “Wow! Andaming equipment!” “Oy mai pumunta ka ng 3rd floor ayusin mo yung mga shelves dun pag hindi yun ayos pag akyat ko lagot ka sakin.” “Oo na!” Kapal ng mukha lagot daw ako? Pektusan kita eh, maka akyat na nga.
Papasok na ako, tapos biglang lumamig huhu anyare? May aircon ba dito? pano magkakaaircon eh abandonado nga? Huhu nakakatakot. Tatakbo na nga lang ako. “Waaaaaaaaaah!” Kala mo naman talaga may nangyari sakin.
Haha wala naman gusto ko lang sumigaw paakyat sa nakakatakot na bahay. Yun lang. So ayun nakarating naman ako sa 3rd floor ng buong buo, di naman ako nasniban o kahit ano ngayon sisimulan ko na ang pagaayos para maimpress ko si ethan! Hala? Ano tong sinasabi ko baliw na ba ako, teka matagal na eh pero iba to, bakit ganito iniisip ko mai magisip ka iimpress si ethan ka dyan tama naa nga mag aayos na lang ako kalurkey.
Ayon akyat baba si papa ethan para kunin yung mga gamit niya. Sobrang cool ng mga gamit niya tapos naglagay siya ng mga cameras sa every room ng bahay tapos natapos na niya. Nagobserve na kami kung mayroong hindi normal sa mga sound waves and temperature taray eh no? dami alam? Haha. Edi yon.
2 oras na kaming nagoobserve wala parin tapos bigla kaming may narinig na mga hakbang galing sa may hagdan, nakakatakot na huhu. Tapos biglang may nagsalita
“Kamusta kayo?” Kala ko naman kung ano na! Mga tao lang pala teka sino tong mga to? Anong ginagawa nila dito?
Ethan’s POV
Sino tong mga to? Mga epal lang to sa ginagawa ko di ko sila kailangan. “Anong ginagawa niyo dito?” “Sino kayo?”
“Ako si john 18 years oldisang pastor marunong ako mag exorcism” “Ako naman si Lucy 21 years old isang Priestess marunong rin akong mag exorcism” “Ako naman si marc 23 years old isa akong monk” “Ako naman si Trish 16 years old expert ako sa spirits and nice to see you again Ethan” “Ako naman si Ethan isang paranormal researcher” “A- ako si Mai Assistant ni ethan isang normal na tao” Dami namang alam neto ni mai, Pshh. Andami namang pinadala ng principal nakakainis lang. Di niya ako hinayaang magtrabaho ng magisa. Pero may gamit naman sila kaya ok lang.
Mai’s POV
Wow! Ang cool nilang lahat Kaso ako wala lang. Teka Anong ibig sabihin nung trish na “nice to see you again ethan” Ano yun? Ex nya ba si ethan? Kapal niya uh. Teka parang nakita ko na siya sat v uh? Ay oo nga siya yung nakakakita ng mga multo kala ko joke lang yun. Pero masmaganda ko sakanya uh? Ex kaya yun ni ethan? Hala ka bat ko to iniisip? May gusto na ba ako kay ethan? Halaaa hindi! Hindi! Hindi pwede to. Pero angpogi niya eh pero wala to. Mai magisip pa ka! Tama nay an ang landi mo! Yaan mo yung peste nay un. Wala siya sayo wala! Haaay. Sakit ng ulo ko. Luh? Biglang nagsalita yung trish “Bakit pa ba ako pinapunta dito eh wala naman.” Hala wala daw? Baka meron barbero lang siya. Nagobserve kami hang 10 ng gabi walang nangyayari. “Umuwi ka na gabi na” “Ha? Ah sige” Hala bigla akong pinauwi epal talaga yun. Maka uwi na nga.
Hindi ko namalayan pagdating ko sa bahay tulog ako. Haaaay pano ba naman kapagod eh? Shit 9 na late na ako! Ligo ligo din! Halaaa late nanaman ako, bwiset! “Riing! Ring!” “Hello?” “Si ethan to nasakuha ko yung number mo sa principal nyo, anyway di porket sabado di ka na pupunta!” “AY SORRY!” “Hello? Hello?” Bastossss! Binabaan ako, Teka sabado ngayon? Ang bilis ko pa maligo bongang bonga tapos nagbihis pa ako ng uniform sabado pala?! Nakalimutan ko. Tanga ko grabe. Haaay makapag pali na nga at makapunta na ako sa may bahay.
===============Kinagabihan===================
(Sorry kung ang bilis maggabi kasi time runs fast)
Inoobserve naming lahat yung monitors. Biglang maynasira na isa, “Aayusin ko lang” Sabi ni Ethan. Pagakyat niya.. Biglang may malakas na tunog! “Bang!Bang!Bang!” Ano yun? Teka pati ditto sa baba! Yung mga bintana! Sumasara bukas! Hala si ethan! “Pupuntahan ko siya!” “Wag delikado!” Sabi ni marc. Eh tumakbo na ako wala siyang magagawa. Super takbo ako sa 5th floor kasi dun nasiraan ng camera tapos nagtataka rin si ethan kung bakit nangyayari yun. Sabay Yung mga salamin ng bintana nagsibasag! Hala ayoko na nakakatakot. Huhu Napapikit nalang ako sa tabi “Umalis ka dyan!” “Ha?”
“Hindiiii!!!!” Papunta nap ala sakin yung mga nabasag na salamin. Tapos bigla akong niyakap ni ethan. Shet yung puso ko! Ang bilis ng tibok bat ganun? Hay may gusto na ata ako talaga sakanya.
Ethan’s POV
Sana ok lang siya di naman sa concern ako ayoko lang bayaran yung pangpaospital niya un lang. Didilat na nga ako, Hala? Yung mukha naming magkadikit?! Maganda rin pala siya? Cute rin. Mabuti naman ok siya pero hindi to ang oras ng pagiisip ng itsura niya. Ang tanong ko, pano nangyari yung mga nangyari kanina? Meron ba talagang multo dito?
-------------------------
Ok lang ba maga friends? Sana nakabawi ako dito. :)