JANUARY 9, 6:51 AM

9 0 0
                                    


Hi baby,

Ang aga ko ngayon gumising para pumunta ng work. Kailangan kasi matapos ko na yung mga ipapasa ko para mapromote ako. Grabe nakakapagod pala talaga.

Naalala ko pa nung minsan nawalan din ako ng time sa'yo. Na laging work yung inuuna ko. Nagtampo ka sakin nun. Nung tumawag ako sa'yo, you're not even answering it. Pero di ka rin nakatiis. Di mo ako masyado kinausap nun. binaba mo agad yung phone.

Naisip ko na nagtatampo ka nga talaga sakin kaya pumunta ako sa bahay niyo. i brought some food and nung nasa labas na'ko, tumawag ako sa'yo. Sabi ko tumingin ka sa bintana then nagulat ka pa nung nakita mo'ko. Hahaha.

Pagkalabas mo nakasimangot ka pa sakin nun. But then hinawakan ko agad yung kamay mo and hinila kita palapit sakin. then i whispered, "I love you more than anything. Sorry kung naging busy ako this days, I'm just preparing for our future. Because i love you." Tapos ngumiti ka na.

Kaya mas lalo kitang minahal nun. And ikaw na ang gusto ko talagang makasama pag ugod ugod at maputi na ang buhok ko :)

Pero hindi na ata mangyayari yun. Hays. :(

Letters to heavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon