PROLOGUE

191 6 0
                                    

"Ang pogi pogi talaga nya. Kaya mahal na mahal ko 'to, e." Hindi ko maiwasang kiligin habang ini-istalk yung account ni Brale sa facebook.

Grade 7 pa lang ako crush na crush ko na talaga sya. Sa tuwing nakikita ko sya sa hallway 'non bumibilis yung tibok ng puso ko kahit hindi pa 'man kami nag a-eye contact. Kahit lagpasan nya nga lang ako ng daan kinikilig pa din ako.

Ganun ko sya ka-gusto. Super duper gusto.

Nahinto ako sa naisip ko. Almost 4 years ko na din pala syang gusto. Pero wala pang araw na nag karoon kami ng interaction. Ni hindi nya nga ata ako napapansin o hindi nya din ako kilala. Ni hindi nya alam na same kami ng school nung junior high kami.

Walang nakakaalam na gusto ko sya. Kahit ang mga kaibigan ko. Paano ko ba sasabihin sa kanila na may gusto ako sa isang lalaki na malabong maging akin?

Paano ba naman kase wala syang pakialam sa mundo. Ang kwento-kwento masiyahin daw sya pero kapag nakikita ko hindi naman.

Ni hindi nga ngumingiti sa ibang tao.

Tss.

Pero kahit ganun gusto ko pa din talaga sya. Sya nalang nag papasaya sa boring kong buhay.

At sa loob ng apat na taon ngayon pa ba ako susuko?

Pinag iisipan ko na nga ngayon kung kailan ako mag co-confess, e. Hindi ko na kayang mag admire from afar nalang. Ang tagal ko ng ginagawa 'yon.

Grade-11 naman na kami. Sabi nila mga ganitong edad daw masarap ma-inlove, inlove na ako, e. Kailangan lang akong i-crush back ni Brale para maramdaman nya din yung sinasabi nila. Hihi.

Hindi naman siguro tumitingin sa buhay si Brale 'no? Nakakahiya kase, hindi naman ako mayaman katulad nila pero sigurado ako kapag naging kami may ipagmamalaki sya sa mga tropa nya 'no!

Consistent Honors student kaya ako!

Mula elementary hanggang ngayon walang palya may mga medals ako. Mahilig din akong sumali sa mga competition. Siguradong hindi naman nya ako ikakahiya sa mga kaibigan nya.

Saka ito na din yung chance ko. Same school ulit kami this school year. Sabi ko nung nakaraan kapag same school kami this senior high mag co-confess na ako at mukhang ito na nga yung time! Gusto na ni Lord na umaksyon ako kaya gagawin ko na.

"Pero paano ako mag co-confess? Hand written letter ba or sasabihin ko talaga sa harap nya?" Tanong ko sa aking sarili habang nakahiga.

Hinawakan ko ang baba ko at tumingala. Parehas namang romantic iyon, parehas pinag hirapan. Pinaghirapan isulat at pinag hirapan kumuha ng lakas ng loob.

Pero gusto kong makita ang magiging reaksyon ni Brale, matic kikiligin yun na parang binudburan ng asin kapag nag confess ako sa harapan nya, haha.

Gusto kong malaman nya na may magandang nag a-admire sa kanya matagal na.

"Kailangan ko ng matulog. Bukas na bukas din hahanapin ko agad si Brale sa school." Ngumiti ako sa kawalan.

KINABUKASAN maaga akong nagising. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Hindi ko nga alam bakit ang sigla-sigla ko ngayong araw. Maaga akong nag saing, nag hugas ng pinggan at kung ano-ano pang gawain sa bahay.

"Maaga akong pupunta ng school, intayin nalang kita." Sambit ko sa aking kaibigan na si Nicole sa video call.

"Himala at pinayagan ka ng Papa mo?" Nawala ang ngiti sa mukha ko ngunit agad ko ding ibinalik iyon.

"Basta. May need akong gawin, wish me a good luck okay? Bye na!" Kumaway ako bago ibaba ang linya.

Pag dating ko ng university madami na ding tao. Isang linggo palang ang nakalipas ng mag simula ang pasukan kaya mga masisipag pa ngayon ang mga estudyante na pumasok.

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon