Chapter 35

70 0 0
                                    

Pag pasok na pag pasok ko sa bahay mabilis na dumapo ang kamay ni Mama sa pisngi ko. Sa sobrang bilis ng pangyayare hindi agad ako nakagalaw. Hindi ko alam kung anong gagawin, namanhid agad yung pisngi ko.

Bakit? Ano na namang ginawa ko?

"Kailan mo sasabihin na sumali ka sa isang banda, HA?!" Malakas na sigaw nya.

Doon na ako nag angat ng tingin, nanlaki ang mata ko. "M-ma..." Iyon lang ang nausal ko dahil hindi ko na alam kung anong gagawin

"Putangina, Elise! Kaya pala gabi ka na umuuwi lagi, nag eensayo ka sa putanginang banda na yun?!! Kung hindi pa mag te-text sa akin ang teacher mo hindi ko pa malalaman!" Aniya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka mapapakain ng musika, HA?! Ilang beses kong kailangan ipaaalala sa utak mo na hindi ka yayaman sa musika!" Dinutdot nya pa yung ulo ko, habang ako nakatayo lang sa harap nya.

Tumulo ang mga luha ko, tinanggap ko ang galit nya dahil kasalanan ko din naman bakit ganito ang reaksyon nya. Hindi ko sinabi sa kanya ang pag-sali ko dito. Bilang magulang kailangan nyang malaman yun.

Yumuko ako. "Pero gusto kong kumanta..." I sobbed.

"Ah, gusto mong kumanta? Sige, kumanta ka." Hinila nya yung buhok ko at kinaladkad ako, mas lalo akong umiyak.

Dinala nya ako sa kwarto ko habang hawak hawak yung buhok ko, binitawan nya ako. "Gusto mong kumanta? Sige! Huwag ka ng mag aral at tularan mo ang Tatay mo!" Kinuha nya yung mga notebook at libro ko sa study table.

Pinag pupunit nya iyon sa harap ko. "Huwag ka ng mag aral, PUTANGINA! sinasayang mo lang pala ang mga pinapaaral ko sa'yo!" Sigaw nya habang pinupunit yung mga libro ko.

Hindi pa sya nakontento, binuksan nya pa yung drawer sa study table ko, nataranta ako ng kunin nya yung isang pink na notebook. That is my notes full of my own lyrics. I made that. Ilang taon ko din nyang pinag hirapan buoin.

"Ma! Huwag yan! Tama na please." Umiiyak na pakiusap ko.

Pilit kong inagaw kay Mama iyon, nag pumilit din syang kunin sa akin hanggang sa itulak nya ako ng malakas. Natumba ako sa sahig kaya natuloy nya ang balak nya, natuloy nyang sirain ang pangarap ko.

Pinanood ko sya kung papaano nya punitin ang mga papel kung saan ko inilabas lahat ng sakit, saya, at pananaw ko sa buhay,  pinanood ko sya kung papaano nya sirain ang pangarap ko. Ang buhay ko...

Umiyak ako. Mga kanta ko yan!

"Huwag ka ng mag aral simula ngayon! Mag asawa ka nalang, total may boyfriend ka naman na hindi ba?" Sambit nya ng matapos nyang punitin lahat ng mga papel ko.

Tinignan nya ako, lumuluha din sya ngunit hindi kagaya ko na ubos na ubos ng umiiyak. Lumuluha sya ngunit hindi sa sakit, lumuluha sya sa saya.

"Hindi ka yayaman sa pag kanta." Iyon ang huling sinabi nya bago lumabas ng kwarto ko, umiyak ako at napahiga sa sahig. Niyakap ko ang sarili ko.

Hindi ko naman hinihiling na yumaman sa mga kanta ko. Ang gusto ko lang mailabas ang kasiyahan ko gamit ang musika. Mali ba iyon?

Buong buhay ko sinunod ko naman sya. Nag aral ako, hindi ko pinabayaan ang pag-aaral ko. Kahit alas tres na ng madaling araw nag aaral pa din ako kahit alas syete ang pasok ko. Buong pagiging bata ko nasa pag-aaral ang naging atensyon ko.

Ngayon ko lang naisiping sumugal, pero yung pag sugal ko na yun hindi ko naman binitawan ang edukasyon. Isinabay ko lang ang gusto ko at gusto ng magulang ko. Masama bang piliin ang gusto ko para sa sarili ko? Hanggang kailan ko pipiliin ang gusto ng mga magulang ko?

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon