NANG MAKAUWI ako sa bahay blinock ko lahat ng communication namin ni Drale. Facebook, messenger, and even his number here in my phone. Ayaw kong makasira ng relasyon.
Ayaw ko na din ng makinig sa magiging paliwanag nya, paano kung lahat pala ng sasabihin nya hindi naman totoo? What if he's lying? Paano ko masasabi na nag sasabi sya ng totoo.
All men do is lie.
Kagaya nalang ni Papa, paulit ulit nyang sinasabi na mag babago na sya pero never nya namang tinupad. Sinasaktan nya pa din ako.
Kasalanan ko 'to, e. Hindi ko manlang sya masyadong nakilala pa, hindi ko manlang sya kinilala, nahulog lang ako sa mga acts nya na hindi ko alam kung ginagawa nya din ba sa iba. Kaya ng makita kong ginagawa nya din sa iba yung mga ginawa nya sa akin nadurog ako agad.
Tangina ang sakit...
Gusto ko na sya, e. Willing na ako sumugal, natatakot ako mag mahal pero kung sya pwede kong subukan. Pero hindi pa nga ako sumusubok talo na agad.
Natulog akong mabigat ang puso. Nang magising ako may pasok na naman. Wala akong ganang naligo at nag bihis. Pati nga sa pagsakay ng jeep tulala ako, lumagpas na tuloy ako sa university namin. Kinakailangan ko pang mag lakad pabalik.
Nasa gate na ako ng napatingin ako sa gilid ko, si Drale yun at papalapit sa akin. Nanlaki ang mata ko at bago pa nya ako malapitan tumakbo na ako papunta sa building namin.
Buong klase nakatulala lang ako, pumasok na din pala si Stacy kaya ang awkward lalo pero hindi ko na pinansin yun, masama ang pakiramdam ko pero hindi dahil may lagnat ako o ano. Kahit ng mag group activity kami wala akong gana, ginawa nila akong leader pero tinanggihan ko, hindi kase ako sigurado na magampanan ko yun ngayon.
"Okay, ilagay nyo na sa board yung mga ginawa nyo. Get ready sa mag re-report. Group 1 ang una." Rinig kong anunsyo ng teacher namin.
Bumuntong hininga ako. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko kaya tumingin ako doon, it was Nicole. Nag aalala syang pinagmamasdan ako.
"Okay ka lang?" Tanong nya.
Ngumiti ako at tumango.
"Ba't naman hindi ako magiging okay?"
Natapos ang ilang subject namin kaya breaktime na, nag pabili nalang ako kay Nicole dahil baka makita ko pa si Drale sa canteen. Ayaw kong mangyare yun.
"Mag seen kayo sa gc dali. May chismis ako dali. Dalawa 'to." Sabi ni Dini ng makapasok sya sa room.
Hindi ko sila pinansin ngunit rinig ko ang mga pag singhap nila, tumingin pa sila sa akin na ipinagtaka ko.
"Sino ba 'to?"
"Si Brale ba 'to or yung kambal nya?"
"What if masaktan si Elise dito? Dali burahin nyo. Long time crush nya pa naman 'to."
"Gago si Drale yan!"
"May girlfriend na yun?"
Mas lalo tuloy akong na-curious sa pinag-uusapan nila. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at binuksan ang gc namin. Separate ito sa teacher namin, kaming mga mag ka-kaklase lang ang nandito kaya nagagawa lahat nila ang gusto nila. Dito pa nga sila nag bibigayan ng sagot, e.
Mas lalo atang nawasak ang puso ko ng makita ang sinend ni Dini. Ito yung nakita ko kahapon. May picture si Dini ni Drale, kumakain si Drale and yung babae sa food court sa SM. Nakangiti si Drale habang may sinasabi ata sa kanya yung kasama nya dahil nakabuka bahagya ang bibig ng babae sa litrato na ito.
They look like a happy couple.
Sinave ko yung picture na yun para mas lalo akong masaktan. Para kapag rumurupok na ulit ako titignan ko lang 'to para paalala sa sarili ko. Na hindi na ako pwedeng mag kagusto kay Drale dahil may girlfriend na sya.
BINABASA MO ANG
My Mistake Confession [COMPLETED]
Teen FictionEvonna Elise tried to confess her feelings about her long time crush. Finally, she had the courage to confess her feelings with him. But unfortunately it was not the man she like when she confessed.The man she confessed to was Stephen Drale, the twi...