Natapos ang klase namin ng alas 4 ng hapon. Nag umpisa na akong ligpitin ang mga gamit ko sa table habang si Nicole naman ay nag lilinis ng room dahil cleaners sya ngayon.
"Pahiram nalang ako ng notes mo bukas, ah? Kapag may mga lecture. Pasend nalang din ng mga gagawin para kahit papaano hindi ako nakahiga lang sa bahay." Sambit ko sa kanya.
"Sige lang. Araw-araw din ako bibisita sa inyo after ng klase para hindi ka ma-bored sa bahay nyo. Saka para may kasama ka kapag nag lasing na naman yung Tatay mo." Sagot nya.
Ngumiti ako. "Thank you."
Matapos nyang mag linis ay sabay na kaming umuwi. Nag suggest ako sa kanya na mag lakad nalang kami dahil wala na akong pera ngunit hindi sya pumayag. Sya na daw ang mag bibigay pamasahe sa akin.
"Tss. Mag lalakad ka ng ganyan ang lagay mo?" Sarkastiko nyang tanong.
Tumingin ako sa kanya. "Bakit? Kaya ko naman, ah?" Balik kong sambit.
"Tumigil ka. Sasakay tayo." Aniya.
Medyo malayo ang bahay namin sa bahay nila ngunit malalakad mo naman kung pupunta ka. Mga anim na minuto nga lang ang lakaran.
Mabilis akong nakarating sa bahay. Wala pang tao sa bahay na ipinag pasalamat ko. Maaga nalang ako matutulog para hindi ko na makita ang mga tao dito sa bahay.
Kumain muna ako bago humiga sa kwarto ko. Balak ko pa sanang mag Facebook ngunit ng paghiga ko sa kama ko bigla nalang akong nakatulog ng hindi ko namamalayan kahit sinabi kong hihiga lang ako.
Ayun tuloy ay nagising ako ng alas otso ng gabi. Ngunit may kakaiba akong nararamdaman, ang init ng paligid na hindi ko maintindihan na ano.
"Aray." Naiiyak na inda ko kahit wala namang masakit sa akin.
Basta naiinitan ako, mainit ang singaw ng paligid. Ansakit din ng braso ko na namamaga. Hindi ko maigalaw ang buong kamay ko.
Narinig kong may kumatok sa aking pintuan ngunit hindi ako makasagot dahil kahit pagsasalita nahihirapan ako.
"May dala akong pagkain dito. Kumain ka na." Si Papa.
Himala at hindi lasing.
Hindi ko nalang sinagot at sinubukang matulog dahil ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon. Ngunit limang minuto pa lang ata ang nakakalipas ng may kumatok ulit sa pinto.
"Busog ka ba? Itatabi ko na ang pagkain sa ref." Aniya.
Natigilan ako at tila biglang na guilty kahit hindi ko naman talaga kasalanan. Hindi dapat ako ma-guilty, e. Galit ako sa kanya dahil hindi ko naman mararanasan 'to ngayon kung hindi dahil sa kanya.
"Busog ako." Iyon nalang ang isinagot ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako. Nagising lang ako ng may maramdaman akong kamay sa aking leeg na tila ba pinapakiramdaman ako. Bigla nalang nag salita si Mama na natataranta.
"Ang taas ng lagnat mo, Elise!!" Sambit nya at agad na lumabas ng kwarto.
Hinawakan ko ang leeg ko. Nanginginig pa ang kamay ko habang inaangat dahil nanghihina naman ang buong katawan ko ngayon. Hindi ko maramdaman na mainit ako ngunit mainit ang paligid para sa akin.
Isang minuto lang atang nawala si Mama, may pagmamadali sa kilos nya na nag tungo dito. May dala syang isang tabo na may tubig ata. May bimpo din syang dala. Agad nya akong pinunasan.
"Kailan ka pa nakaramdam ng lagnat?" Tanong nya sa akin.
Umiling lang ako at hindi nag salita. Nag simula na namang tumulo ang luha ko at biglang napahagulgol kahit hindi ko naman alam ang dahilan. Basta naiiyak ako ngayon.
BINABASA MO ANG
My Mistake Confession [COMPLETED]
Teen FictionEvonna Elise tried to confess her feelings about her long time crush. Finally, she had the courage to confess her feelings with him. But unfortunately it was not the man she like when she confessed.The man she confessed to was Stephen Drale, the twi...