Chapter 33

520 14 3
                                    

Chapter 33  


TATLONG araw narin ang lumipas simula ng huli niyang makita ang lalaki, pagkatapos kasi siyang iwan nito ng gabing iyon ay hindi niya na muli itong nakita. Hanggang ngayon ay nagtataka parin siya kung bakit pilit parin siya nitong itinatanggi kahit na kilala narin naman ng iba kung sino nga ba siya sa buhay at pack nito.  

Sa ngayon ay nakahiga parin siya sa kama at nakatitig sa kisame. Makailang araw narin na sa kwartong iyon siya natutulog at alam niyang pagmamay ari ito ng alpha na siyang mate niya. Akala nga niya nung nakaraan ay babalik ito agad dahil naririto sa loob ng kwartong ito ang mga damit niya ngunit hindi niya man lang ito bumalik kahit man lang kumuha ng damit.  

Katulad ng nakagawian niya ay bumababa siya sa hapag kainan sa tuwing nababagot na siya sa loob ng kwarto. Nang makababa siya ay muli niyang nabungaran si Nana Lena habang pinapakain si Merliah. Agad na sumilay ang ngiti ng bata ng makita siya, mabilis naman siyang lumapit dito at niyakap ito atsyaka kinintalan ng marahang halik sa noo.  

"Gusto mo rin ba ng agahan Selena?" mabining tanong sa kanya ng matanda nang magtama ang mata nila. Hindi pa man siya sumasagot ay agad na itong tumalikod upang sana'y ipahanda siya ng umagahan. Naalarma siya at nahiya kung kaya't agad siyang napatayo upang pigilan ito.

"Naku huwag na po Nana Lena!" nahihiya niyang pigil dito, napangiti naman ito ng pigilan niya. 

"Maupo ka na lamang diyan at paghahandaan kita ng umagahan." gusto man niyang salungatin ang sinabi nito ngunit may pinalidad na iyon kaya napaupo na lang siyang muli samantalang ito ay dumiretso sa kusina.  

Hindi niya alam kung anong nagudyok sa kanya na biglang tanungin ang paslit tungkol sa ama nito ngunit gusto lang naman niyang malaman kung nasasaan ito. 

"Merliah, nakita mo man lang ba ang ama mo? alam mo ba kung nasasaan siya?" magkasunod niyang tanong dito napatigil naman ang bata sa pagkain at napatingin sa kanya.  

"Kagabi po ay si daddy ang nagpatulog sakin, katabi ko po siya pero paggising ko ay wala na siya." inosenteng sagot ni Merliah sa tanong niya. Tatanungin niya pa sana ito ngunit bigla namang lumabas si Nana Lena sa kusina at nang mamataan niya ito ay napaayos siya ng upo. Makahulugan siya nitong tiningnan habang nilalapag ang plato na nasisiguro niyang hinanda nito bilang kaniyang agahan.  

Muli itong tumabi sa apo nito at ginabayan ulit nito ang paslit sa pagkain, siya naman ay nagsimula ng kumain napahinto lamang iyon ng magsalita ang matanda.  

"Madalas na nasa office ito o nasa training ground kung wala sa dalawa ay baka nasa anihan ito lalo pa't nalalapit na namang anihin ang mga hindi naani noong nakaraan." nakangiting litanya ng matanda, napangiti nalang din siya rito bilang pasasalamat.  

Nang matapos silang kumain ay nagkanya kanya na sila at nagsipag hiwalay. Si Nana Lena ay namahinga, si Merliah naman ay mukhang nakipaglaro sa mga bata sa labas samantalang siya ay nagdadalawang isip kung bubuksan niya ba ang pintuan ng opisina nito o kakatok muna siya. Napagdesisyonan niyang kumatok muna ng wala sumagot at binukasan na niya ang pinto ngunit wala siyang nakitang Prior sa loob ng kwarto sinubukan niya pang pumasok roon at tingnan ang CR na pinasadya para dito ngunit kahit doon ay wala ito kaya napilitan na lamang siyang lumisan roon, ngunit bago siya tuluyang umalis ay sinamyo niya muna ang amoy nito sa loob ng kwarto ng makuntento siya ay nangungulila niyang binuksan ang pinto, gusto man niyang manatili roon ngunit hindi pwede.  

Diretso siyang lumabas sa pinto upang magtungo sa tingin niyang kinaroroonan nito, ang training ground. Napadaan siya sa mga batang naglalaro at natanaw niya roon si Merliah,saglit siyang huminto at pinanood ito, napangiti na lamang siya ng makita niyang malaki ang ngiti nito at minsan pa'y humahalakhak. Tumalikod siya at tuluyan ng tinahak ang daan papunta sa training ground. Napadaan siya sa mapunong bahagi at nakakasiguro siyang malapit na siya sa lugar na iyon at kalaunan nga ay natanaw niya ang iilang mga nagsasanay na pack member. Hinanap ng mata niya ang taong ilang araw niya ng namimiss at sa 'di kalayuan ay nakita niya ito, may kausap habang nakakrus ang dalawang braso at seryosong nakikinig sa sinasabi ng kausap nito.  

Hindi maitatanggi ang paghanga niya dito, dahil sa tindig nito ay makikita mo na agad ang totoong antas nito. Napupuno man ng kalalakihan ang paligid ngunit nangingibabaw sa mata niya ang lalaking kanyang tinatangi. Pinanood niya ito mula sa pagalaw nito ng kamay hanggang sa pagtaas nito ng kilay. nahihipnotismo siya kahit maliliit lamang na galaw nito, ngayo'y nagagalak ang puso niya dahil muli niya itong nasilayan. Humakbang siya at doon nga tuluyan ng may nakapansin sa kanya, maging ang lalaki ay napalingon narin sa kanya. Sa 'di malamang dahilan ay bigla na lamang bumagsik ang mukha nito ng makita siya. Mabilis at malalaki ang hakbang nito ng lumapit sa kanya ngunit para sa kanya ay para bang nag slow mo ang lahat, akala niya'y yayakapin man lang siya nito ngunit iba ang nangyari mabilis siyang nahigit nito sa braso at sabay silang lumayo sa karamihan. Hindi niya matukoy kung ano ang nasa loob nito ngunit base sa ekspresyon nito ay tingin niyang parang galit ito at dahil iyon sa kanya. Mababakas man ang galit dito ngunit natutuwa parin siya dahil kahit papaano ay nahawakan siya nito at naramdaman muli ang spark nilang dalawa. Binitawan siya nito ay tiningnan samantalang siya ay nakatunghad dito upang masilayan ang mukha nito kahit na mukhang hindi ito natutuwa.   

"Stop staring like that." may diin nitong pagkakasabi. Kahit na sinabihan na siya nito ay pinagpatuloy niya parin ang pagtitig dito na para bang sobra siyang humahanga dito at naghuhugis puso na ang kanyang mga mata. 

"Why? is it bad to stare at my mate?" may maliit niyang ngiting tanong dito, akala niya ay sasagot pa ito ngunit bumuka lamang ang labi nito at pumiid na lamang ng walang salitang salungat na lumabas dito. Hindi katagalan ay muli itong nagsalita at sa pagkakataon na iyon ay tingin niya'y seryoso na ito at gusto ng talakayin kung ano ang kinagagalit nito.  

"Anong dahilan, bakit ka nandito sa training ground?" kahit na seryoso ito ay pinagpatuloy niya parin ang maliit na ngiting paunti unting nagiging pang asar na para dito. 

"Wala na ba akong karapatan pumunta sa lugar na gusto kong puntahan?" tanong niyang muli dito habang nakataas ng bahagya ang kilay niya.  

"I'm asking you why ng maayos pa, pero kung patuloy kang sasagot ng ganyan ay baka hindi na ako makapagtimpi..."  

"what will you do?" paghahamon niya dito, bigla na lamang nawala ang ngiti niya ng sumagot. 

"I might hurt you badly and forget that you're my mate." tiim bagang nitong sagot sa kanya.  

"Bakit ano bang ikinagagalit mo? masama bang pumunta ako doon upang makita ka!?" Napabuga ito ng hangin at para bang hindi ito nagulat sa sagot niya. Tumataas na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, napatalikod ito at napahilamos sa sa mukha makailang minuto ay muli itong humarap sa kanya.   


"Alam mo kung ano ang masama? ang masama ay titigan ka nila ng puno ng paghanga na dapat ay ako lamang ang may karapatan na gumawa!"  


TOCAC 1: His Another MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon