Chapter 4

967 32 1
                                    

Chapter 4


NAPAHINTO siya sa harap ng kanyang salamin at napatingin sa kanyang repleksyon kasabay ng pagaalala niya sa mga sinabi ng kanyang ina.

"Walang makakahigit sa kagandahan mo anak, lahat ay mabibighani sa iyo lalo pa't may mabuti ka ring puso."

Napangiti na lamang siya ng maalala ang sinabi nito. Oo nga't maganda siya hindi lang sa panlabas kundi sa panloob din ngunit hindi niya alam kung bakit nawala sa kanya ang mga ito, naging mabait naman siya at naging mabuting anak nila. kung pwede lang ipagpalit niya ang mga bagay na mayroon siya ngayon ay ipagpapalit niya ito para lang makasama niyang muli ang kinagisnan niyang magulang.

Tumulo ang luha niya ng maalala kung bakit nawala ang mga ito, nang dahil iyon sa kanya, sa kakayahan na ipinagkaloob sa kanya. Agad niyang pinunasan ang kanyang luha dahil kailan man ay hindi na nito maibabalik ang kanyang kinagisnang mga magulang.

Sinuot na niya ang kanyang kapa upang matakpan nito ang kanyang mukha ayaw niya kasing nakikita ang mukha niya kaya nagtataklob siya sa tuwing siya'y lalabas sa kanyang bahay. Balak niyang mamili ng mga kakailanganin niya doon sa pinakamalapit na pamilihan sa bayan.

Sanay na siyang makisalamuha sa mga tao lalo pa't ang kanyang mga kinagisnang magulang ay malapit sa mga tao. Ang kanyang ina ay isang witch samantalang ang kanyang ama ay isang tao. Ang mga ito ay sanay makisalamuha sa mga tao maging siya ay tinuruan ding makapalagayan ang mga ito.

Kahit na babaylan ang kanyang itinuring na ina, maging siya ay isang lobo at isang tao naman ang kinagisnang ama ay nagmahalan parin sila at nagturingan na para isang buong pamilya ngunit inilihim lamang nila ang totoong anyo nila.

Nang masuot na niya ang pulang kapa ay agad na siyang lumisan sa kanyang bahay para pumunta sa bayan.

Habang tinatahak niya ang kagubatan ay may napansin siya na para bang may sumusunod sa kanya pagtingin niya sa paligid ay wala namang tao ngunit ramdam niya na meron talaga.

Nagmadali siya sa paglalakad at nagtago sa pinkamalapit na puno. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Malakas ang pintig nito na hudyat na siya ay kinakabahan at natatakot. Nangamba siya na baka ito ang mga taong naghahabol sa kanya noon pa.

"Nasan na iyon?" sabi ng isang munting boses. Sinilip niya ito at nakita niyang isa lamang itong bata at nakakatiyak siya na isa itong batang lobo.

Agad siyang lumabas sa pinagtaguan niya at nakita niyang lumaki ang mata ng batang babae na para bang nagulat.

"Bakit mo ako sinusundan?" mahinang tanong niya ngunit may diin.

Napakislot ang paslit ng hawakan niya ito sa balikat.

"Narinig ko po kasi sa usapan ng papa ko na may nakapulang kapa ang nakatira sa kagubatang ito, Gusto ko po sanang makita siya, kayo po ba iyon?" may hiyang tanong nito.

"Hindi ako iyon lobo kaya umuwi ka na sa lugar niyo delikado sa mga bata ang pumunta dito."

"Pero kayo po yun kasi nakakapa po kayong pula!" pamimilit nito ngunit pinanindigan niya paring hindi siya iyon ayaw man niyang magsinungaling sa bata ay ginawa niya parin.

"Umuwi ka na at huwag ka ng lilibot dito ng magisa pup." huling litanya niya bago siya magpatuloy sa paglalakad.

Kahit na tinaboy niya ito ay sumusunod parin ito sa tuwing hihinto siya ay hihinto rin ito.

Iniligaw niya ito mga ilang minuto ay hindi na ito nakasunod sa kanya. Agad na siyang dumiretso sa bayan upang mamili ng kanyang pangangailangan.

Mabilis siyang natapos sa pamimili dahil nga ay wala siyang ibang bitbitin kundi ang pinamili niya lamang.
Tinahak niya muli papauwi ang kagubatan. Nasa kalagitnaan pa lamang siya sa paglalakad ay may narinig siyang sigaw ng isang maliit na boses, para itong isang bata. Nabalik sa isip niya ang batang lobo na kaninang sumusunod sa kanya. Sunundan niya ang sigaw at sa 'di kalayuan ay nakita niya ang paslit na sinasakal ng isang nilalang habang nakatingin lamang ang isa, nasisiguro niyang mga bampira ito dahil may mga mapuputlang balat at may mga pangil ito.

Umiiyak ang munting lobo at para bang nauubusan na ito ng hangin. Naaawa siya sa bata dahil isa lamang itong paslit at hindi pa kayang lumaban. Sinaklolohan niya ang bata dahil nakakasiguro naman siyang makakaya niya ang dalawang nilalang na ito.

"Bitawan niyo ang lobo!" matinis niyang sigaw sa dalawang nilalang. Napunta sa kaniya ang atensyon ng dalawa. Na pangisi ang isa ng tiningnan ako.

"Paano kung ayaw namin anong gagawin mo?!"

Doon pa lamang ay alam na niyang mapapalaban siya. Ang tagal na rin nung huling may nakaingkwentro siya at alam niyang baka nangangalawang na ang kanyang kakayahan.

"Wala akong magagawa kundi ang makipaglaban sa inyo!"

"Tingnan nating kung matatalo mo kami nakapulang kapa simulan na natin!" iyon ang naging hudyat na magsisimula na ang laban.

Nagulat siya ng biglang sumulpot sa harapan niya ang isa buti na lamang ay nailagan niya ang suntok nito kundi ay mamimilipit siya sa sakit ngayon. Pinigilan niya ang kamay na pinansuntok nito at pinaikot niya. Nakatalikod na ito sa kanya habang nagpupumiglas pero agad niya ring binali ang ulo nito at sumaboy sa hangin ang katawan nito na naging abo.

Agad na lumapit sa kanya ang isa nitong kasama, Sa isang kisap mata ay nakapunta ito sa kanyang likod na hindi niya namamalayan. Sinakal siya nito habang pinipilit na tanggaling ang uluhan ng kapang nakatabon sa ulo niya.

Nagtagumpay ito sa pagtanggal. Lumitaw ang kanyang magandang mukha mula sa kanyang kapa. Inipon niya ang lakas upang ibalibag ang bampirang iyon at nagtagumpay siya. Agad niyang nilabas ang punyal na bigay ng kanyang ina noong siya ay bata pa. Palagi na iyong daladala para kapag may kapahamakan na mangyayari sa kanya ay may panlaban siya.

Agad niya iyong itinarak sa may bandang puso ng bampira at marahan niya itong binunot kasabay ng pagkaabo nito.

Inilibot niya ang paningin at hinanap ang paslit nakita niya itong nagtatago at nakasilip sa puno. Basa ang mukha nito, bakas iyon ng kanina pa nitong pagiyak. Takot na takot ito muling bumalik sa kanyang isip ang panahon na namatay ang kanyang itunuring na magulang noong mga panahon na sinalakay ang bahay nila ganon na ganon din ang takot na lumukob sa kanya.

Agad niyang dinaluhan ang munting lobo. niyakap niya ito nang mahigpit habang bumubulong ng nakakapagpagaan na salita upang maibsan ang takot nito at maging ang pagluha.

"Shhh tahan na..huwag ka ng umiyak andito na ako ligtas ka na Shhh tahan na..." marahan niyang bulong sa bata. Makailang sandali ay tumahan na ito. Tinitigan siya sa mata ng bata na para bang sinisigurado nito na hindi siya kalaban.

Napangiti na lamang siya sa reaksiyon nito. May mga luha parin itong namumuo sa mata at sa may pisngi ngunit pinalis niya ito. Naglabas siya ng panyo mula sa kanyang bulsa at pinunasan ang mukha ng bata.
Nang matapos ay agad niyang tinago.

"Gusto mo bang sumama sa bahay ko? Sumama ka sakin para magamot ko ang sugat mo..." paanyaya niya dito. Mabilis na tumayo ang batang lobo na may malaking ngiti sa labi nito mabilis itong tumango na para bang gusto nitong sumama sa kanya ngunit bigla itong napayuko yumuko din siya at nakita niyang sira sira na ang sapin sa paa nito naawa siya sa bata kung kaya't ibinigay niya dito ang kanyang sapin sa paa upang 'di na madagdagan ang sugat nito sa paa.

Kahit na malaki ay ibinigay na parin ito na siya namang isinuot ng bata ng walang pagaalinlangan. Pinagpagan niya ang suot nitong nadumihan, pagkatapos ay muli niyang binuhat ang kanyang mga pinamili. Nilagyan niya ng espasyo sa gilid ng kanyang tagiliran na siyang natatakpan ng kapa.

Naintindihan naman nito ang kanyang pahiwatig. Pumunta ito sa espasyo at mahipit na kumapit sa kanyang tagiliran. Tinakpan niya ito ng kapa ngunit hindi naman nito natakpan ang buong katawan ng bata nakakakita parin ito.

Tinahak niya muli ang kagubatan ng nakapaa kasama ang batang lobo na iniligtas niya. Mahigpit parin itong nakakapit sa kanya na para bang takot itong mahiwalay at mangyari muli ang engkwentro na nangyari kanina.

"Anong pangalan mo bata?" napalingon ito sa kanya.

"My name is Merliah!" masiglang sabi nito.
"How about you Beautiful lady what is your name?" Dagdag nitong tanong. Napangiti siya sa tawag nito sa kanya.

"Selena...My name is Selena."










TOCAC 1: His Another MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon