Chapter 23

679 17 1
                                    

Chapter 23  


HALOS tatlong araw na rin ang lumipas noong huling engkwentro nila ng babae pero hanggang ngayon ay patuloy parin itong gumugulo sa isip niya kahit na ilang araw niya na itong hindi nakikita. Noong mga oras na iyon ay hindi niya alam kung anong sumapi sa katawan niya, ngayon tuloy naguguluhan na siya kung ano nga ba talaga ito sa kanya dagdag pa na ilang araw ng balisa ang wolf niya, siguro kailangan niya lang itong palabasin para mawala na ang pagiging balisa nito.   

Napapikit at napahilot siya sa kanyang sentido saglit na bumalik sa balintataw niya noong huli silang nagkita nong babae. Maliban sa desire niya ay may mas matindi pang pakiramdam ang siyang nagtutulak sa kanyang lumapit dito noong araw na iyon. Natigil ang pagbabalik tanaw niya ng may naramdaman siyang pumasok sa kwarto.   


"Man you look tired, hindi ka na ba natutulog?" may halong pang aasar na litanya ng third in command niya na si Borris. Nakapalibot ang kaliwang kamay nito sa bewang ng kaparehang si Minnie na siyang may nanunudyo din na ngiti sa labi. Napailing na lamang siya ng ulo dahil sa pang aasar ng mga ito. Tumayo at naglakad siya sa harap ng kanyang lamesa at naupo roon.

"What are the love birds doing here?" balik niyang tanong sa mga ito habang may maliit na ngisi sa labi.  

"May gustong sabihin sayo ang mate ko." sambit nito habang umuupo ito sa sofa na naroroon. Napatingin siya kay Minnie at nag aantay kung anong gusto nitong sabihin sa kanya.   


"Gusto ko lang sanang hilingin sayo kung maaari mo munang payagan si Selena na manatili sa pack.." nagbago ang disposisyon niya, ang kaninang maliit na ngiti sa kanyang labi ay biglang nawala. Muli siyang bumalik sa kanyang office chair na inupuan kanina at naging seryoso ang tingin niya dito. 

"Wala siyang malalapitan ngayon, delikado siya at namatay narin ang nag iisa niyang tinuring na pamilya. sana ay payagan mo siya na dito muna manatili.." pakiusap nito sa kanya. Minsan lang ito makiusap sa kanya at minsan lang din ito humingi ng pabor sa kanya gusto man niyang pagbigyan ito ngunit ang kaligtasan na ng kanilang pack ang nakasalalay ngayon dito. Kung pagbibiyan niya ito sa kahilingan nito ay baka muling bumalik ang mga naghahabol at nanakit sa babae at baka pati ang kahit sino sa kinasasakupan niya ay madamay. 

"Alam mong hindi pwede Minnie. Gusto man kitang pagbigyan sa hiling mo ngunit ang kaligtasan na ng pack ang nakasalalay dito, ikaw na mismo ang nagsabi na delikado siya at may mga taong naghahabol at gusto siyang saktan." pagpapaintindi niya dito, ayaw man niyang hindian ito ngunit kailangan dahil ayaw niyang may mapahamak na kahit sino sa pack niya para lang sa isang babaeng may bitbit na kapahamakan.  

tumayo ito at marahang naglakad ng pabalik balik sinundan niya ito ng tingin . sa tuwing ganito ito ay may gusto itong ibahagi ngunit may pakiramdam siyang nag aalangan ito. 


"I feel something strange since I met Selena. The feeling that I need to protect her, yung pakiramdam na ngayon lang kami nagkakilala pero parang matagal ko na siyang kilala and it's creeping me out! huli ko kasing naramdaman ito ay noong nabubuhay pa si Lea.." saglit itong huminto upang pakiramdaman siya kung may magiging reaksyon ba siya roon ngunit ng wala itong nakuha ay nagpatuloy ito sa pagsasalita.  


"I don't know if I only feel this dahil parehas kaming babae and we sympathize with each other or she's...she's your mate..." katahimikan ang lumukob sa kanila ng ilang minuto bago muling may nagsalita. 

"But baby it's impossible dahil minsan lang magbigay ang kalangitan ng second chance mate, if it's true that she's his mate prior will know it eventually and he will tell it to us right away." pagsalungat nito kay Minnie samantalang siya ay nanahimik lang, hindi niya alam kung kung anong sasabihin may nararamdaman siyang sparks sa kanila dalawa ng babae ngunit hindi niya alam kung sapat na ba iyon para sabihing mate niya ito.  


nag antay ang mga ito sa sasabihin niya ngunit walang ni isang lumabas sa bibig niya, naramdaman ata nito na gusto niyang mapag isa kaya nagpaalam na ang mga ito sa kanya.  


"Kung kailangan mo ng makakausap ay nandito lang kami, you can talk to us anytime." huling wika ni Minnie bago tuluyang lumisan ang mga ito sa kanyang opisina.  


Sinubsob niya ang kanyang sarili sa mga paper works tungkol sa pack para lang makalimutan ang naging usapan nila kanina ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya namalayan ang oras at inabutan na siya ng dilim. Napagdesisyonan niyang bumaba muna sa hapag kainan upang kumain ngunit napatigil siya sa paglalakad ng napatingin siya sa balkonahe na malapit sa kanya. Lumapit siya roon at napatingin sa kanyang nasasakupan, matahimik na ang paligid at wala na ring pagala galang pack member maliban sa mga inatasang magbantay ng araw na iyon. Napunta ang tingin niya sa mapunong bahagi, parang may nagtutulak sa kanya na magpalit anyo at palayain ang wolf na nasa loob niya na ilang araw na ring hindi niya nagawa.   


Kung kanina ay nasa isip niya na bumaba at kumain, ngayon ay nagbago na, gusto niyang magpalit ng anyo at tumakbo sa kagubatan kaya sinunod niya ang gusto at tuluyan na ngang tumalon palabas ng balkonahe habang nagpapalit ng anyo. Nang lumapag siya sa lupa ay mabilis siyang tumakbo sa mapunong bahagi ng pack land niya. Kahit papaano ay nakaramdam ng saglit na kalayaan ang wolf niya, ngunit napatigil lamang siya sa pagtakbo ng may maramdaman at maamoy siyang di pamilyar na wolf sa kanyang lupang pagmamay ari. Itinago niya ang kanyang amoy at walang ingay na tumungo kung na saan iyon. Nang tuluyan siyang makapunta doon ay namangha siya sa nakita, may puting lobo ang siyang naglalaro ng alitaptap na lumilipad, pilit nitong inaabot ang mga iyon. Ang anyo at tindig nito ay sobrang marilag at regal, hindi ito maliit at hindi rin sobrang laki dahil katamtaman lang iyon para sa isang she wolf. sobra siyang namangha dito kaya nakaligtaan niyang itago ang sarili at nang mapaharap ito sa kanya at nagtagpo ang kanilang mata ay napausal na lamang siya ng salita di niya sukat akalain na mababanggit niya... 

"My mate..." 


TOCAC 1: His Another MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon