Chapter 9

821 26 0
                                    

Chapter 9


MABIBIGAT na hakbang ang kanyang ginawa, hindi niya matukoy kung bakit ayaw makisama maging ang kanyang wolf. Ipagsawalang bahala niya na lamang ito at patuloy na naglakad upang mabilis na makarating sa kanyang pack.

Pagkarating niya pa lamang ay agad siyang nilapitan ni Borris.
"Kumusta naman ang pag uusap niyo ni miss red riding hood?" bungad na tanong nito sa kanya na may ngiting nang aasar.

Napansin nito ang kanyang ekspresyon at agad itong nanahimik ngunit naroroon parin ang ngiti nitong nang aasar.

Agad siyang pumunta sa pack house kung nasasaan ang kanyang anak. Sinalubong agad siya ni Merliah kahit nasa pintuan pa lamang siya.

"Papa!" Bungad na tawag agad sa kanya ng kanyang anak kasabay ng pagtakbo nito sa kanya. Sinalubong niya naman ang bata.

"How was beautiful lady do you hurt her?"

Agad na kumunot ang noo niya dahil nagtataka siya kung bakit ganon na lamang ang pag aalala ng anak niya na baka saktan nila ito samantalang nung kelan lang nito ito nakilala at napalapit na agad ang loob nito sa babaeng iyon.

"Wala akong ginawa sa kanya Merliah pero sana anak huwag kang makikipaglapit at makikipagkaibigan sa mga taong hindi mo naman kilala, malay mo may masama silang balak sayo at sa una lang sila mabait sayo pero katagalan ay magiging masama na sila, Ayaw ko lang naman na masaktan ka anak." Pangaral niya dito.

"Pero papa she saved me from those monsters in the forest, kaya po para sakin mabait siya, she also prepared food for me, and she also have Molie a cute and lovable dog na palaging nakikipaglaro sakin..."

"Anak hindi lahat ng mabait sayo ay pwede mo ng kaibiganin malay mo masama rin sila." Pagpapaintindi niya dito ngunit kahit ano pang pangaral ang gawin niya dito ay hindi parin nito susundin ang gusto niya. Kilalang kilala niya ang anak, hindi siya pakikinggan nito kung tingin nito ay tama ito. Bata palamang ito ay nakikitaan niya na ito ng katigasan ng ulo na siyang nasisiguro niyang namana sa kanya.

Wala itong pinapakinggang kung sino kundi ang sarili niya lamang, matalino ito at magaling mangatwiran, hindi ito humuhusga agad ng hindi pa tinitingnan ang dalawang panig. Ngayon pa lamang ay nakikitaan niya na ito ng katangian na siyang susunod na alpha ng Blackcrest Howlers pack.

"Pero papa..." pinutol niya ang dapat na sasabihin nito upang hindi na humaba pa ang usapan.

"No buts, anak. Huwag ka ng makikipagkita at makikipagkaibigan sa kahit sino at huwag ka na ring lalabas o lalagpas sa border natin dahil delekado. Iyan ang utos ko."

Walang lumalabag sa kanya lalo na kung gagamitan niya na ito ng alpha tone.

Mangiyak ngiyak itong pumasok sa kwarto nito. Naaawa siya sa anak niya dahil ngayon na lamang ito naging masaya habang kasama ang mga itinuturing nitong bagong kaibigan na siyang napalapit dito. Maski siya ay nakaramdam ng lungkot ngunit dapat niya paring pangalagaan hindi lamang ito maging ang buong pack na pinamumunuan niya.

Naghahalo ang mga ideya sa isip niya dagdagan pa ng pagiging restless ng lobo sa loob niya na siyang lalong nagpapasakit ng ulo niya. He feel stress and frustrated at itatakbo niya na lamang ito upang tuluyan ng mawala ang lahat ng agam agam sa isip niya.

Nagpalit siya ng anyo at tinungo ang mga border upang tumingin at mag manman narin kung may kakaiba ba sa paligid. Tiningnan niya rin ang west border na siyang pinanggalingan nila ng anak kanina. Wala naman siyang nakitang kakaiba o kahinahinala. Paalis na sana siya doon ngunit may narinig siyang tunog at dahil sa malakas ang pandinig niya lalo na't naka wolf form siya ay malinaw niya itong naririnig.

Isa itong tunog o ungol ng aso na para bang nasasaktan. Agad niyang sinundan ang tunog na iyon at nakita niya sa gilid ng puno ang isang tingin niya ay aso na katulad ng lobo na mabalahibo. Mukha itong nasaktan, nakakita rin siya ng sugat sa may bandang paanan nito na siyang nagdulot dito ng sakit at pagdurugo.

Kahit na wala siyang awa at matigas ang puso niya ngunit pagdating sa mga nangangailangan ay handa siyang tumulong. Agad siyang nagpalit ulit ng anyo bilang tao at sinuot ang damit na kanina'y itinali niya sa kanyang paa. Pumunit siya ng kapirasong tela mula sa damit niya at itinali ito sa duguang paa ng aso. Binuhat niya ito at dinala sa infirmary kung nasaan si Boni, ang pack doktor nila.

Nagulat pa ito na may buhat at dala dala siyang aso. Miminsan lamang kasi nakakakita aso ang mga katulad nila at kung makakakita man sila ay doon sa lugar ng mga tao. Ginamot ito at binigyan ng first aid.

Pagod siyang umuwi sa sariling bahay. Halos gabi na nung makarating siya sa tinitirhan nila.

"Apo buti ay naririto ka na, alam mo bang kanina pa umiyak ang anak mo nakatulugan na nga lang nito ang pag iyak. Ano bang nangyari?" Tanong nito na may halong pag aalala. Pagdating sa kanilang dalawa ng anak ay labis itong nag aalala sa kanila. Hindi na siya nangungulila sa pagkawa ng ina dahil naririto naman ang kanyang lola na siyang napalaki sa kanya, ang hiling niya lang ay sana ganon din si Merliah.

"Pinagbawalan ko po kasi siya na makipagkaibigan kung kanikanino na hindi naman niya kilala."

"Prior apo alam kong iniingatan at inilalayo mo lamang ang anak mo sa kapahamakan at naiintindihan kita don ngunit sana ay huwag ka paring maging mahigpit sa kanya dahil naghahanap lang naman siya ng pagmamahal mula sa mga magiging bago niyang kaibigan."

"Kaya lang naman ako ganon Nana Lena ay dahil gusto ko siyang pag ingatan ng sa ganon ay hindi siya mawala sa akin."

"Alam ko yung apo at naiintindihan ko naman ang ipinapahiwatig mo." Malumanay at maintindihin na sabi nito.
"Apo magpahinga ka na alam kong pagod ka." Dagdag pa nito.

"Magpahinga na rin po kayo Nana sisilipin ko lang muna po si merliah."

"O siya, sige na't magpapahinga na ako." Huli nitong sabi bago lumisan sa harapan niya

Tinungo niya ang kwarto ng anak. Nang makarating siya ay agad niyang sinilip ito nakita niyang tulog na tulog ito. napangiti na lamang siya, tingin niya kinabukasan ay matutuwa ito dahil sa dala dala niyang bagong kalaro nito...











TOCAC 1: His Another MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon