[Pag-kabuhay]
Kabanata Dos: ᜉᜄ̟ ᜃᜊ̱ᜑᜌ̟
"UGH..."
Unti-unti kong iminulat ang aking mata kasabay ng pagtama ng mainit na araw sa aking mukha. Pumikit muli ako dala ng hapdi at pagkaraan ng ilang minuto ay dahan dahan akong gumapang mula sa buhanginan na kinahihigaan ko.
Nilunok ko ang laway para mabawasan ang panunuyo ng lalamunan at nagtatakang inilibot ang tingin.
Binasa ko ang labi at sumandal sa malaking bato, "Nasan ako?" I asked to myself as I try to remember what happened before I got here.
Nanginig ako sa naalala kasabay ng panlalaki ng mata ko. I'm supposed to be dead! I clearly remember na natamaan ako ng kidlat at bumagsak ako sa malalim na dagat na iyon!
Then why am I here? Here in this abandoned looking island. Nilibot ko pa muli ang tingin. Wala akong nakikitang hayop o tao sa paligid, all I see is the blue ocean, a few big rocks and the forest in my back. Paanong buhay pa ako?
Tumayo ako nang dahan-dahan habang nililibot pa rin ang aking paningin sa paligid, naghahanap ng kahit anong pwedeng makatulong sa akin para malaman kung nasaan ako.
"Ugh nasan ba ako?" bulong ko sa hangin at itinungkod ang kamay sa malaking bato na nasa aking gilid.
Nanghihina ang katawan ko, pero ang nakakapagtaka wala na akong nararamdamang sakit. Ano ba talaga ang nangyari sa akin?
"Buhay pa ba talaga ako?" I whispered, kanina pa mabilis ang tibok na puso ko and I'm panicking inside. Nahihilo na ako sa mga iniisip ko.
Sunod sunod akong huminga nang malalim ng maramdaman ko ang pagikot ng aking paningin. Napaupo ako muli sa buhangin ng manlambot ang aking mga tuhod. Holding my chest tightly, I proceed to take a inhale and exhale exercise to relax myself ng makarinig ako ng huni ng mga kabayo at mga yapak nito kaya dali-dali akong nagtago sa likod ng bato. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.
"Hiyah! Hanapin ang prinsesa at dalhin sa harapan ko buhay man o patay!" narinig kong sigaw ng isang boses lalaki .
Sa sobrang taka ay inilabas ko ang ulo ko upang masilip ang mga taong dumating ngunit nagulat na lang ako at napabalik sa dating pwesto ng makitang may pabuluksok na palaso sa aking pwesto.
"S-Shit!!" nagulat kong sigaw at pinagigihan ang pagtatago habang napapatakip sa bibig.
"Ang prinsesa! Nasa likod ng bato ang prinsesa!!" sigaw ng isa pang lalaki kasabay ng pagka-karinig ko ng mga yapak ng kabayo na tila patungo sa pwesto ko.
"P-Prinsesa?" hindi makapaniwalang bulong ko sa sarili.
Lalo akong nag-panic ng marinig na malapit na sila sa pwesto ko.
P-Papatayin nila ako! Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at dahil sa takot at kaba ay gumapang ako papalayo at tumakbo papasok sa gubat na nasa likuran ko ng maramdaman kong hindi nila ako napansin.
"Habulin ang prinsesa!" Takbo lang ako nang takbo at iniiwasan ang mga paparating na palaso sa pwesto ko.
Hindi ko alam kung bakit nila ako tinatawag na prinsesa at mas hindi ko alam kung bakit gusto nila akong patayin!
"A-Ah." Napaluhod ako ng matamaan ang aking kaliwang paa ng palaso.
"S-Shit!" tin-try kong gumapang at tumayo sa pwesto ko sa takot na maabutan ng mga humahabol sakin.
"Ahhhh t-tangina!" sigaw ko muli ng may tumama na namang pana sa kaliwang balikat ko na naging dahilan para mapaluhod ako bago bumagsak pa-upo.
"Mahal na prinsesa wag mo ng subukan pang tumakas kung ayaw mong makitil ang iyong buhay!" maowtoridad na sigaw ng lalaking nasa gitna habang nakatutok sa akin ang palaso nito.
"Hindi ako ang prinsesa! Hindi ko kayo kilala!" Umatras ako gamit ang mga kamay patalikod habang sumisigaw.
"Sietra! Prior qeur isham!" nagulat ako sa sinabi nyang lengwahe ngunit mas nagulat ako ng maintindihan ko ito.
"H-Hindi ako!" nanghihina na ako sa mga dugong patuloy na umaagos sa mga sugat ko, namamasa na rin ang mata ko sa takot
Bakit kailangan mangyari ito sa akin?
"Kwero qir!" dahil sa sinaad nya tuluyan ng tumulo ang luha ko. Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot, kasabay pa ng mabilisang pag labas ng dugo sa katawan ko.
"Shiero sein de isham," bulong ko sa aking sarili at ipinikit ang mga mata.
Hindi ako! Hindi ako prinsesa! Ordinaryo lang akong tao!
"Piero siente gi wa!" kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagwasiwas ng kamay ko para subukin silang patigilin ngunit sa gulat ko ay humangin nang malakas dahilan ng paglipad ng mga kawal sa kung saan-saang pwesto kasama ng kanilang armas at kabayo.
Nagsisigaw sila sa sakit ng katawan habang ako ay napatingin na lang sa aking palad sa nanlalaking mata at muli itong iangat at ikumpas at sa gulat ko muli ay napaatras ako, isang malaking apoy na naghihiwalay sa mga kawal at sakin ang bigla na lang lumitaw sa aking paningin.
"T-Tangina?" hindi makapaniwala kong ani at hinawak ang palad. Umurong ang luha ko ngunit ang tibok ng puso ko ay mas lumakas kesa kanina.
"M-May kapangyarihan ako! P-panong nangyari yun?" litong tanong ko sa sarili ngunit agad ding napangiwi ng muling maramdaman ang sakit sa natamong sugat.
"A-Ah." Kinagat ko ang aking labi at hinawakan ang dulo ng palaso bago ito dahan-dahang hugutin.
"H-Hmmmm,"ungol ko sa sakit. Pawis na pawis ako at ang paghinga ko ay tila mas lumalim. Hinagis ko ang nahugot na palaso bago hawakan ang isa pang palaso na nasa balikat ko at dahan-dahan itong hinugot.
"Ahh! T-Tiis lang sa sakit Allison." Nilagay ko ang palad ko sa mga sugat na natamo, susubukan ko lang kung mapapagaling ako nito.
Ipinikit ko ang aking mga mata at nagkonsentrate, huminga nang malalim at inisip na gagaling ang aking mga sugat.
Nakaramdam ako ng lamig sa parte ng sugat ko kaya dahan dahan akong nagmulat. Nanlaki ang mata ko at napahawak sa lupa ng muntikan na akong matumba.
Matatangal na ata ang mata ko sa eye socket dahil sa sobrang pag-laki nito a.
Dahil, shit! Gumaling yung sugat ko! Ibig sabihin may mahika talaga ko! Nanginginig na tumayo ako sa pagkakaupo sa lupa at humawak sa punong nasa malapit sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim.
Ngayon ko lang napansin na iba na ang suot ko. Ang dating skinny jeans at oversized shirt kong damit ay napaltan ng isang makalumang dress na sira sira na, punit na halos kalahati ng pangibaba nito kaya kitang kita na ang mga binti ko.
Bakit ngayon ko lang napansin ito? Umiling iling ako, hindi ito ang problema ko ngayon.
Lumingon ako sa mga sundalong umuungol pa rin sa sakit ngunit ang iba sa kanila ay nagsisitayuan na kaya't kahit litong-lito at nahihilo ay tumakbo ako sa kasukalan ng gubat.
Kailangan kong mahanap ang labas nito. I will not die here. I will not die again. Not with torture or death that cause by others. I will live and will wait myself to die peacefully.
Kahit alam kong hindi sila makakasunod agad sa akin dahil sa apoy ay kikilos agad ako dahil alam ko ring gagawa sila ng paraan para mahanap ako. Kung may kapangyarihan ako ay surely sila rin! I don't want to confront them on one on many knights dahil alam kong ako ang matatalo.
Because I know that I'm not good at fighting and I'm a coward. So to fight with a knights? No way.
Tumakbo lang ako nang tumakbo sa gubat at makailang ulit ng muntikang madapa sa mga naka-usling ugat ng puno at mga bato. Gusto kong umiiyak na lang.
Ano ba itong napasukan ko!
—
Vocabolary; Mishna Languange
Sietra- Sinungaling.
Prior quer isham- Ikaw ang prinsesa.
Kwero qir- Patayin sya.
Shiero sien de isham- Hindi ako ang prinsesa.
Piero seinte gi wa- Parang awa nyo na.

BINABASA MO ANG
Centre De Palacio
FantasyPaano kung makapasok ka sa mundong inaakala mo'y hindi totoo? Na tipong namatay ka na pero sa biglang paggising mo nasa ibang dimensyon ka? Si Allison ay isang babaeng malas sa buhay, lumaki sa karahasang ang mga malalapit pa nya mismo ang nagda...