Kabanata Tatlo: Maharlika

0 0 0
                                    

[Maharlika]

Kabanata Tres: ᜋᜑᜇ̵̟ᜎ̊ᜃ

HALOS matumba ako sa pagtakbo ng hindi mapansin ang bato sa aking dinadaanan dahil sa damong naka-patong dito.

Hinihingal na napakapit ako sa tuhod habang inililibot ang paningin. Nasa gubat pa rin ako ngunit t'yak ako na malayo na ako sa mga gustong pumatay sa akin.

Huminga ako nang nalalim at mabagal na naglakad, pagod na pagod na ako. Akala ko nung nagpatihulog ako sa bangin ay yun na ang katapusan ko, akala ko lang pala iyon.

Bakit hindi pa ako namatay? Bakit nabuhay pa ako? Bakit may gustong pumatay sa akin? Bakit nag-iba ang suot ko? Bakit tila nasa ibang lugar ako?

Ang dami kong tanong na wala namang kasagutan, lalo lang akong naii-stress sa mga bagong ganap sa buhay ko. Nagulo ko ang buhok sa inis at inilibot ang paningin, ganito na lang ako, puro pagmamasid sa paligid naghahangad na may makitang clue kung bakit ako nandito.

Punyeta talaga ng buhay ko. Pamilyang sira na, amang pumatay sa ina ko na asawa nya, na gusto pang patayin ang anak.

"Hah pambihirang buhay." Ngumise ako sa sarili at tumawa nang pagak habang patuloy na naglalakad. Nadaanan ko ang isang talon kaya't napatigil ako sa paglalakad.

Tumingala ako para makita pa ang tuktok nito at tumitig ngunit sa sobrang taas ng talon ay napapalibutan na ito ng ulap kaya yun na lang ang tinitigan ko.

Sana ganan din ang buhay ko, tahimik, payapa at walang problema. Yumuko ako at bumuntong hininga. Drama ko ngayon ah? Hanggang self pity nalang ba talaga ako?

Umupo ako sa gilid ng talon at pinakatitigan ang tubig duon, sobrang linis. Kitang kita ko ang mga naglalanguyang isda at ang mga halaman sa ilalim, pati na rin ang sarili kong repleksyon.

Kinagat ko ang labi at napahawak sa pisngi, duon ko naramdaman ang basang nagmumula sa mata ko. Hindi ko naramdaman na umiiyak na pala ako, hindi ko man lang napansin ang sarili kong emosyon.

Siguro manhid na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Tumawa ako sa sarili at pinunasan ang pisngi habang matiim pa ring nakatitig sa repleksyon ko. Bakit nila ako tinawag na prinsesa? Ganto pa rin naman ako, ako pa rin naman ito. Walang nagbago sa mukha ko, ang damit ko lang ang nagbago. Tumitig pa ako sa repleksyon bago may mapuna, wait—

Natigilan ako at napahawak sa buhok kong gulo gulo na, nakalugay ito pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang kaigsian nito. Mahaba ang buhok ko at kulay itim, ngunit ito, kulay brunette ang mga hibla at hanggang balikat ko na lamang, maalon alon ang dulo nito at mukang malambot.

Ako pa ba talaga ito? Ngunit bakit may mga nagbago? Dapat talaga patay na ako. Pero nandito ako sa talon, tumitingin sa repleksyon ko, nakakapag-isip at nakakahinga. Yuon ang tunay na nag-bago, ang pag ka-buhay ko.

"Hahhh ewan!" Sigaw ko sa sobrang frustration at pabagsak na humiga sa lupa, napadaing pa ako ng maramdaman ang bato sa likod ko. Umangat ako ng konti at pinulot ito.

Mahigpit ko itong hinawakan sa aking nakakuyom na kamao at sinamaan ng tingin bago malakas na inihagis sa talon. Bwisit na bato, umayos ako ng higa at iniharang ang kamay sa aking mukha habang tuwid ang mga binti. Ayaw ko ng mag isip, pagod na talaga ako. Feeling ko ano mang oras babagsak na ang talukap ng mga mata ko, yung last braincell ng utak ko nag give up na.

Humikab ako ng maramdaman ang sobrang antok, lalo pa akong inantok ng marinig ang mga huni ng ibon at ang marahang pag-agos ng tubig sa talon kasabay ng sariwang hangin na dumadampi sa katawan ko, para akong hinihele. Unti unting pumikit ang mga mata ko kasabay ng pagkawala ng mga ingay sa paligid ko.

    UMUNGOT ako ng makarinig ng mga boses, tila nagtatalo. Hayop naman talaga, dito pa nagtalo sa malapit sa akin, siguro naman kita nila na may natutulog na tao diba? Ilang oras lang ata ang naitulog ko dahil sa stress na ibinigay ng mga pesteng humahabol na gustong pumatay sa akin.

Babalik na sana ako sa pagkakatulog ng marahas na mapamulat ang mata sa naalala, may gusto nga palang pumatay sa akin! Tangina bakit nakalimutan ko yuon? Mabilis akong napaupo sa lupa at napahawak sa ulo ng maramdaman ang panandaliang pandidilim ng paningin ko at ang pagsakit ng ulo ko. Pumikit ako sa huminga nang malalim bago magmulat ng mata at tumingin sa pwesto kung saan ko naririnig ang mga boses.

Natigilan sila sa pagtatalo at nanlalaking matang nakatingin sa akin, dalawa lang sila at tila mga hunter ang itsura. Base sa mga dala nila, basket na may lamang hindi ko alam na hayop at yung isa may pana yung isa naman ay tila panundot, matulis ang dulo nya at hindi ko alam. Hindi naman ako gumagamit nuon.

Kunot noo ko silang tinitigan habang marahan na tumatayo, hindi sila yung mga humahabol sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag. Medyo maluwag dahil napaatras na lamang ako ng tumakbo sa gawi ko ang babae at itutok ang matulis nyang panundot sa leeg ko.

Huh? Hindi ko naman sila kilala ah? May nagawa ba akong mali?

"Bwero! Swen ka'y? Saan ka nagmula enstranghero?!" muli akong napaatras ng mas diinan nya pa ang armas sa leeg ko, nakaramdam ako ng konting hapdi dito. Galit na galit syang tumitig sa akin, sinilip ko ang lalaki nyang kasama at nakasandal lang ito sa puno habang nakatingin sa amin.

So hahayaan nya na lang akong mamatay? Panunuorin nya lang ang kaibigan nya or kasintahan- wala akong pake kung ano pa man sila, na patayin ako? Huminga ako nang malalim at binalik ang tingin sa babae na tila lalamunin na ako ng buhay at itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko.

"Wala akong ginagawang masama, Allison ang pangalan ko at pwede bang tanggalin mo yang panundot mo at baka mabutasan ang leeg ko," ani ko at iniwas pa ang leeg bago tabigin ang armas nya gamit ang daliri ko.

"Isa ka bang maharlika? Sinasabi ko sayo na kung isa ka sa mga pwerka na iyon ay hinding hindi nyo makukuha ang paninirahan namin!" puno ng emosyon nyang sigaw at muling itinutok sa akin ang panundot nya kaya napangiwi ako.

Ang talas din ng dila ng babaeng ito, "Ano ba, sabi ko na diba, alisin mo yang panundot mo. Oo gusto kong mamatay pero wag muna ngayon, marami pa akong katanungan." Hinawakan ko ang armas nya malapit sa matulis na parte nito at gamit ang isang kamay ay pinutol ko ito.

Grabe, hindi ko akalaing lalakas ako ng ganito. Nagugulat pa rin ako sa mga nadi-diskubre kong bago sa katawan ko.

Rinig ang malutong na tunog ng maputol ang kahoy at ang pag-mumura ng lalaki. Nanlaki ang mata ng babae at napaatras. Nakita ko na gumalaw ang lalaki sa pwesto nya gamit ang gilid ng mata ko habang itinutok nya sa akin ang armas nyang pana. Inangat ko ang braso sa direksyon ng punong kinasasandalan ng lalaki at kinumpas ang kamay papuntang kaliwa, kasabay ng malakas na hangin ay ang paglipad ng armas nya at ang pagdaing nito. Kitang kita ko ang panginginig ng babae at ang takot sa mata nito dahil sa kanya ako nakatitig.

Tinapon ko ang dulo ng panundot nya at namewang, I exhaled loudly as I tilted my head sideway while looking at her seriously. "Inuulit ko, ako si Allison, at hindi ako isang maharlika."

Vocabulary; Mishna Language

Bwero- Lapastangan.

Swen ka'y?- Sino ka?

Pwerka- Hayop.

Centre De PalacioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon