xiv. baffled hee

1.3K 51 15
                                    

HEEJUNG:

Pinapasok ni daddy 'yung dalawang 'suitors' ko kuno. Pusa. Nagulat ako doon. Tapos dalawa pa sila my gosh. Walang tao kina Anna kaya hindi nahiram ni daddy 'yung Labrador nila kaya pinapasok niya na lang.

Nasa sala kami ngayon at todo interview si daddy sa kanilang dalawa. Ako, si mommy at si Hyunnie nakatingin lang kami sa may gilid.

" Anong pangalan niyo? " tanong ni daddy.

" Bae Hyunbin po. "

" Son Ryan po sir. " sagot naman nilang dalawa. Sa totoo lang, alam kong may mga balak silang ligawan ako. Kaso binasted ko na bago pa nila matuloy 'yung panliligaw nila. Pero tignan mo nga naman sila na tinuloy parin.

" Anong ginagawa niyo dito ngayon? " tanong ni daddy. Di ba halata dy? May dala silang mga roses at chocolates, Halloween siguro kaya sila may ganyan. Ge korni ko talaga.

" Manliligaw po kay Heejung. " sabay nilang sagot. Daddy sighed heavily while looking at them with a stern-like look. Parang papatayin ni daddy sa kakatitig 'yung dalawa eh.

" Naks. Dalawang manliligaw. Haba ng buhok nito. Sadako is that you? " bulong ni Hyunnie. Tinignan ko naman siya ng masama at hinampas ng mahina 'yung braso. Kaasar. Nang-asar pa talaga 'to?

" Shut up. " bulong ko naman pabalik. Tumawa lang siya ng mahina. Kaasar talaga 'to. Hindi ka pa ba uuwi? Hays.

" Bakit niyo naman liligawan si Heejung? " tanong ulit ni daddy. Di pa ba sila tapos? Juice ko daddy naman. Naga-apply ba si Bin at Ryan as maids dito sa bahay? Makapag-interview wagas.

" Kasi po, sa sobrang bait, ganda at talino ng anak niyong si Hee, nahulog na po ang loob ko sakanya. Gusto ko po si Hee. " sagot ni Hyunbin. Oh my gosh. Kinilabutan ako my gosh. Sorry na. Di ako sanay na makarinig ng ganto. Kahit lambingan ng mga magulang ko, kinikilabutan ako.

" Pareho lang ho kami ni Hyunbin, kaso matagal ko na pong gusto si Hee. Since nung grade 3 pa po kami may gusto na ako sakanya. " sabi naman ni Ryan. Totoo 'yan. Hahaha. Since nung grade 3 kami, nagbibigay na 'yan ng regalo kaso ang manhid ko pa non. Bata pa kasi ako tapos naka-reserve si D.O sa puso ko noon.

Isa akong EXO-L okay? Si Kyungsoo-oppa bias ko. Omg kinikilig ako. Okay. Landi aside. Hahaha. Sorry po.

" Grabe ang babata niyo pa manliligaw na kayo? Ilang taon na ba kayong dalawa? " tanong ni Daddy.

" 16 po. " sagot nilang dalawa. Mga hindi ko 'yan ka-year. Si Ryan naman, nag-skip 'yan ng grade 4 or 5? Ewan. Basta either of the two.

" Mas matanda pala kayo kay Hee ng isang taon. " sabi ni Daddy habang tumatango-tango. Si mommy pumunta na sa kusina kasi nakakatamad daw'ng makinig, magluluto na lang daw siya.

Nakikinig lang kami ni Hyunnie sakanila. Bigla namang tumingin sa'min si daddy. " Hee, halika dito. " lumapit naman ako at tumabi sakanya.

" Di ko alam pero, bigla na lang nagbago ang isip ko at parang pinapayagan ko silang ligawan ka. Pero may side parin ako na ayaw. Ikaw mag-decide, gusto mo ba o ayaw na ligawan ka nila? " tanong ni daddy. I looked at him for 10 seconds straight then to the two of them. Binigyan naman nila ako ng puppy eyes. My gosh. Ayan na naman sila.

" Uh, di ko alam. " sagot ko. Di ko alam. Parang ayoko. Hahaha. Pero parang gusto ko rin. Ano ba yan. Pumayag man ako o hindi, susundan-sundan parin nila ako sa school, baka nga ihahatid pa nila ako pauwi. Tss.

" Heejung, please pumayag ka. Mageeffort akong ligawan ka. Promise. " sabi ni Hyunbin with pleading eyes.

" Ako din Hee, I'll show more effort than him, pumayag kang ligawan ka namin. " sabi naman ni Ryan with pleading eyes too. I'm so confused, and frustrated at the same time.

Bangtan Daddies 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon