YOONGI'S P.O.V
" Yoonjae. " tawag ko kay junior. Tinignan niya ako tapos binalik 'yung atensiyon niya sa TV. Mas mahal niya pa 'yung palabas kesa sa tatay niya. Sucklaugh.
" Jae. " tawag ko ulit, di niya ako nilingon, snob talaga 'tong batang 'to oh. Kanina pa ba nagmana? Edi kay Lena! Joke. Sa tatay nagmana 'yan. Pero hindi na ako snob okay? I changed. Hehehe.
" Anak. "
" Yoonjae. "
" Oy pansinin mo naman tatay mo. Napaka-walang puso neto eh. " sabi ko kay Yoonjae. Yeah yeah, di niya pa ako naiintindihan, I know. Eh sa wala ba naman akong kausap dito. Nasa trabaho si Lena, as usual, tas ako walang schedule so nga-nga tayo.
" Yoonjae-ah. " tawag ko ulit, di niya ako pinansin. Bwisit. Kaya minsan ayoko yung naiiwan ako dito kasama si Jae. Pero gusto ko naman maging close 'tong anak ko.
Gusto kong gumala, o kaya sumali sa The Return of Superman kung maaari. Hehe, para may schedule naman ako! Pero it's impossible tho, punung-puno 'yung TROSM cast. Kainis. Huhu. Ge.
Hinayaan ko na lang siya diyan at pumunta sa kusina kasi nagugutom ako. Ipagluluto ko 'yung sarili ko. Walang may pake, yay.
Nagluto ako ng simpleng lutuin kasi di naman ako marunong magluto. Si Lena yung chef namin kaya 'yon. Pagkatapos kong magluto pumunta na ulit ako sa sala tas nanood ng tv. " Yoonjae, gusto mo? "
Tinignan niya ako at lumapit sa'kin, " Gusto mo? " he nodded. " Say please. " nilabas niya yung kamay niya, basta nag-'juseyo' pose siya. Gets niyo na 'yon.
" Bigyan mo ko kiss. " sabi ko habang nilalapit 'yung pisngi ko sakanya. Hinalikan niya nga ako, kaya binigyan ko na siya ng pagkain. Ang cute kasi ng anak ko, mana sa'kin. Hahahaha. Napangiti na lang ako, pero bitter parin ako kasi kapag may pagkain lang niya ako lalapitan. Saklap dibuh.
Pagkalipat ko ng channel, sumakto may segment 'tong show na 'to na nagt-throwback. Boy in Luv 'yung pinapalabas nila. Oh yay. " Yoonjae! Si Appa oh! " sabi ko sabay turo sa TV. Tinignan niya yung tv tas nginitian ako. Hahaha.
" Gwapo ng tatay mo no? " sabi ko tas sumimangot siya bigla. Aba. Batang 'to. Ganyanan na tayo Yoonjae ha. Hays.
Since wala talaga akong magawa nanood na lang ako sa mga throwback MVs dito. May Girls Generetion, EXO, Got7, 2PM, miss A, SHInee at si BoA sunbaenim, marami pang pinalabas di ko na lang babanggitin. Marami eh.
" Appa. " tawag ni Yoonjae, tinignan ko siya tas pinakita niya yung ginawa niya doon sa may Lego pieces. Mahilig 'yan sa Lego, buti nga di niya kinakain eh. " Good job son. "
Di naman interesting 'yung ginawa niya pero okay na rin, atleast he tried diba? Hahaha. Oo na. Ang sama kong tatay, jusko. Pagbigyan niyo na ako, ngayon lang.
May bigla namang nag-doorbell, kaya nagtaka ako kung sino 'yung dumating, eh wala namang akong iniimbita sa bahay. Ayoko mag-imbita. Gugulo bahay. Pumunta na ako sa pintuan at tinignan kung sino 'yung nasa labas.
Di ko makita kung sino kasi tinakpan nila 'yung camera sa labas, aba'y gagu ah. Why you do that. Pinagbuksan ko yung taong nasa labas at bigla akong sinaksak
Ng baba ng Hoseok. K po. Ang corny ko talaga kainis. " Ba't nandito kayong mga animal kayo? " tanong ko. Nandito kasi si Hoseok, Namjoon at Taehyung.
" Tangina mo talaga. " sabi ni Hoseok. I smiled at him sarcastically. Inirapan niya lang ako at pumasok na sa loob, kaya sumunod naman 'yung dalawa. Jusko. Trespassing 'to.

BINABASA MO ANG
Bangtan Daddies 2
Fanfictionbangtan fanfic - sequel ❝After 10 years, ano na nangyari sa Bangtan?❞ story by fromkiri 2015 complete