TAEHYUNG:
" Kingina, bumalik na yung dating Rona. Ayan na naman 'yung bibig niyang walang tigil sa kadadakdak. " sabi ni Hoseok-hyung. Napatango na lang ako. Grabe ka makademanda eh, isang large hawaiian pizza? Jusko tingin niya ba mayaman kami? Wala nga kaming activities kaya wala kaming pera ngayon. Hays.
" Pero atleast, mukhang nakakarecover na siya. " sabi ko. Napatango na lang si hyung. Nakaupo kami ngayon sa sofa at nanonood ng tv habang hinihintay yung dalawang hayop. Ehehehe.
" Pero natawa ako doon sa bruhang ahas. Hahahahaha. Tangina lang. " sabi ko. Hahahaha. Napapamura na naman ako oh. Sisihin niyo 'yung palaka. Kainis. Good boy na nga si Taehyung eh.
" HAHAHAHAHA TANGA LANG. " tawa ko, kasi ang shunga nung lalake sa TV. Nanonood kasi kami ng mga funny videos or what-so-ever. Mga epic fails ba? 'Yon. Ang sama ko talaga. I'm zo zorreh.
" OY KABAYO'T UNGGOY. PAGBUKSAN NIYO NA KAMI NG PINTO OY. " sigaw ng isang palaka sa labas. Karindi 'yung boses eh. Kaya minsan gustung-gusto kong ilublob 'yung ulo niya sa tubig eh. Hehehehe syempre joke lang 'yon.
" Nandiyan na yung palaka. Pagbuksan mo nga Taehyung. " utos ni hyung. Napasinghal naman ako at naglakad na papunta sa pinto para pagbuksan sila. Jusko.
" Hi V. " bati ni Jena-noona pagkabukas ko. Nginitian ko naman siya at si Rona naman, " Hi Monkey. "
" Hi Frog. Pasok kayo. " sabi ko habang binibigyan sila ng madadaan para makapasok sila. " Nandito na yung pizza? " tanong ni Rona.
" My gahd wala pa Rona. Excited 'to masyado. " naiinis na sambit ni hyung. Nainis. Hahahahaha. " Mukhang bad mood si Hoseok ah. Hahahaha. " bulong ni Jena-noona.
" Wala eh. Nakipag kita sa isang bruhang ahas si Badjao eh. Siya dapat magbabayad nung pizza kaso wala eh. " sabi ni hyung. Oo nga. Umalis agad eh, hays. Kung nandito naman si Namjoon-hyung edi dapat hindi sila pupunta dito? Edi walang maingay na palaka?
" Aww. Hayaan mo na sila Hoseok. Ang importante nandito na 'yung dyosang palaka. " sabi ni Rona habang tinatapik-tapik 'yung balikat ni hyung. Tahimik na lang kami ni Jena-noona.
" Rona, anong nakain mo at parang ang hyper mo? " tanong ko sakanya. Tinignan niya ako at umiling. " Wala pa akong nakakain. Kaya nga nagpapabili ako ng large pizza diba. "
" Okay. " sagot ko. " Bakit mo nga pala naisipang mag-ingay dito sa dorm? " tanong ni hyung. Oo nga. Of all places bakit dito pa sa quiet and peaceful dorm namin. Napaka-peaceful simula nung nagkaroon na sari-sariling pamamahay 'yung iba.
" Ah yes. Eto kasi 'yon, na-curious ako bigla. "
" San? " tanong ko.
" After ilang weeks nangyari 'yung milagro nila badjao at bruha? Tanong ko lang. " sabi niya. Milagro? 'Yun ba yung naglasing siya? Tinignan ko 'yung cellphone ko at tinignan 'yung calendar.
Since mga second week ng December nag-resign si Rona, tapos after two weeks pinalit na si Stella as Joon-hyung's stylist. Tapos, after 2 weeks hindi nagimikan ang Namron dahil sa mga scheds nila, tapos after two weeks ulet 'yun na yung nalaman ni Ro na masaya and shit si hyung tapos nanghingi ng space si Ro. Tapos after one week, hindi namansin si Rona tapos after a week ulet, yun na 'yung naglasing si hyung at nangyari yung milagro.
" Bale mga last week ng February? " sabi ni hyung. Yay tama ako. Pero anong meron? " Kelan nalaman ni Stella na 3 months pregnant siya? Jena? "
" Mga, first or second week ng May. " sagot ni Jena-noona. So ano naman ngayon?
" Oh? Three months naman ah. " sabi ni Hoseok-hyung. " Tangina anong pinaglalaban mo dito? Na hindi si Namjoon ang ama? "
BINABASA MO ANG
Bangtan Daddies 2
Fiksi Penggemarbangtan fanfic - sequel ❝After 10 years, ano na nangyari sa Bangtan?❞ derphyunqs storyline 2015 complete