xxxvii.

795 26 0
                                        


HEEJUNG:

" Ang corny mo unnie. Bakit aalis ka agad? " tanong ko, nasa airport kasi kami ngayon. Hinatid namin si Rona-unnie. Aalis na daw kasi siya, babalik na lang daw kapag binyag na.

" Aba sorry na. Hindi naman ako pwedeng dito na tumira no. May business pa ako doon. Di bale, I'll be back kapag binyag na nila. " sabi ni unnie habang inaayos yung jacket niya. Napatingin ako kay Jena-unnie. Naka-poker face lang siya dito.

" Hays, balik ka agad ha? " sabi ni Jena-unnie, ngumiti naman si Rona-unnie at nilapitan si Je-unnie para yakapin. " May business pa kasi ako diba?! Hahaha. "

" Hays, daya. " sabi ko, tinignan niya lang ako at sinamaan ng tingin pero tumawa din siya agad. Hays, unnie talaga. Hahaha. Bigla namang nag-announce na kailangan ng mag-board. Aww.

" Kailangan ko ng umalis, it was fun to be back. Ipagpaalam niyo na lang ako sa pito at mga anak at asawa at lahat! Hahaha. Salamat sa lahat, see you guys again. " sabi ni unnie at kumaripas na ng takbo. Sinundan na lang namin siya ng tingin. Umalis na rin kami kaagad ng mawala na siya sa paningin namin.

We quietly walked back to the car, tahimik kaming nag-drive pauwi. Nami-miss ko na agad si unnie. I sighed, tumingin na lang ako sa labas habang pinapatugtog 'yung album ni Hyunah na 'A+'.

Bigla namang nag-ring 'yung cellphone ni unnie, " Hee, pasagot naman oh. " sabi niya. Kinuha ko 'yung cellphone niya at sinagot 'yung tawag. Di ko napansin kung sino 'yung tumatawag.

" Hello? "

[" Hello-Jena ba't iba boses mo? "]

" Ah, hindi po si Jena 'to. "

[" Then, who is this? "]

" Heejung. "

[" Hee-Ah, si Hee. Asaan si Jena? "]

" Sino po 'to? "

[" Jaejoong. "] Napatigil ako saglit, napatingin ako kay unnie. And she's waiting for me to speak. Pinigilan ko 'yung ngiti at tawa ko.

" Ay, oppa. Ikaw pala 'yan. Hehe, nagd-drive po si unnie. "

[" Ganon ba? Sige, tatawag na lanv ulit ako mamaya. "]

" Ah, sige po. Hehe. Bye oppa. "

[" Bye Heejung. "] sabi niya at pinatay na 'yung tawag. Pinigilan ko 'yung ngiti ko. " Sino 'yon? "

" Boyfriend mo. " sabi ko, tinitigan niya lang ako. Naka-red light naman so pwede na. " Boyfriend? Wala naman ako- "

" Jusko, deny pa unnie! May number ka pala ni Jae-oppa eh! " sabi ko, tahimik lang siya saglit at napa kunot noo. Napailing na lang siya at nag-drive na ulit. Tumawa na ako, kanina ko pa pinipigilan 'to eh.

Hays, bagong OTP ko na naman. Luma-love life na talaga si Jena-unnie. Tinatago niya pa sa'kin. Hays. Unnie talaga.

xx

Hinatid ako ni Jena-unnie sa school, tanghali pa kasi pasok ko kaya nakasama pa ako sa paghatid kay Ro-unnie. Hays.

Tahimik akong naglalakad papunta sa classroom nang biglang daganan ako ni Youngjin. " Jusko Youngjin! Ang bigat mo. " reklamo ko. Bumaba na siya at tumawa. Inakbayan niya ako.

" Wassup? " tanong niya, I shrugged. " Kakaalis lang ni Rona-unnie. " sabi ko. She gasped and I looked at her, nagiiyak-iyakan siya. " Aw, why. "

" Ewan ko doon. " sabi ko, she sighed. Sabay na kaming pumunta sa mga classroom. Pumunta na kami sa sarili naming upuan at hinintay na lang makumpleto 'yung mga estudyante.

Bangtan Daddies 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon