"Kia, diba sya yung nakabangga mo kanina?" tanong ko kay Kianna.
"Sya nga, ang gwapo talaga niya hindi nakakaumay yung kapogian" aniya na nagtitili sa kilig.
"Aguyy mukhang may hinihintay"
"Sos, wala yan tingnan natin"
Nasa labas kami ng gate habang naghihintay nang taxi tsaka nagmamasid na rin kung totoo nga bang may hinihintay yung pogi na yun, mukhang hindi sya taga dito kasi ngayon ko lang sya nakita eh.
Ilang minuto pa nang may babaeng lumapit sa itim na mercedez tsaka kumatok, mukhang may sinabi yung babae then the guy open the door, the girl immediately hug the guy. Nakita ko kung pano kumunot ang noo ni Kianna habang tinititigan yung dalawa. The guy kissed the girl forehead, pagkatapos nun pumasok na yung babae sa kotse.
Wait, parang pamilyar yung babae sakin?
Ahhh kaya sya pala yung pambato ng humms sa Debate Competition, ano ngang pangalan nun? Alexandra? parang yun nga.Sa dikalayuan nakita kong may taxi na paparating, hinawakan ko ang papulsahan ni Kia na nakatulala parin sa nakita.
Parang ansakit lang kasi na love at first sight ka dun sa guy tapos may jowa na pala hahyst sarap umakyat sa langit char lang.
"Tara na Kia may paparating na taxi oh" sabi ko sa kanya.
"Oo nga tara na" aniya.
"Alam mo Kia marami pang lalaki dyan ang ganda mo kaya, ay wait ang ganda kaya natin, alam mo Kia love can wait so mag-aantay tayo" sabi ko.
"Oo na ang ganda ko kaya" pero kita ko parin yung sakit na nararamdaman ni nya matapos makita yun.
"Teka, baka hindi sila mag jowa? baka pinsan nya yun o kaya kapatid naiisip mo ba yun?"
"Anong kapatid at pinsan eh hinalikan nga yung noo eh, yung babae namn maypa smile smile pang nalalaman" Irita nyang sagot.
"Oo na pumasok na tayo" sabi ko bago binuksan yung pinto ng taxi.
nagtalk lang kami ni Kia, hindi namin namalayan na malapit na pala kami sa mansyon nila. Inabot na ni Kia yung bayad namin dun sa taxi driver kasi huminto na kami sa tapat ng malaking gate ng mansyon nila.
"Tara pasok na tayo sa loob" aniya
"sge"
Papasok na kami sa loob at may sumalubong sa amin na katulong. Ang laki talaga ng mansyon nila Kia pero mas malaki yung samin. Vintage yung style samin kasi pareho kami ni mommy na obsessed sa vintage style.
Yung bahay namn nila Kia ay puro gold yung style, nice din tingnan.
"akyat lang ako sandali magbibihis muna ako, dika ba uuwi muna sainyo?" aniya.
sabi ko nga malapit lang yung bahay namin, naisipan kong kunin yung lomo cards ko na blackpink haha wala lang naisipan ko lang tsaka kukunin ko na rin yung ukulele ko.
"Ah Kia uuwi muna ako sa bahay kasi may kukunin ako, babalik din ako" sabi ko.
"sge, magbibihis muna ako balik ka kaagad ah kasi mag be-bake pa tayo nang cookies este crinkles" aniya.
"oky sge"
Naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa mansyon sinalubong kaagad ako ni Nanay Susan yung katulong namin na kinikilala ko naring ina kasi matagal na sya dito sa bahay mga 13 years ata, kaya napamahal na ako kanya.
"Mau anak buti nakauwi ka" nakangiting saad ni Nanay Susan.
"Magandang hapon po Nanay Susan" bati ko.

YOU ARE READING
Unexpected Comeback
Novela JuvenilThere is a man named Keiro studying at the University as a education with master degree.He was tall,pink lips,perfect jawline,cold person.He is a Varsity player in their University.He thought that was enough but everything changed when Zarria from A...