Chapter 26:Rules

490 13 0
                                    

"Good morning,your highness"






Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Bella sa gilid ko at binati ako.Ngayon ko lang ulit siya nakita.Kaya mas lalo akong nagulat sa biglaang pagpapakita niya.








Napangiti ako."You're too formal, Bella.Hindi ako sanay."saad ko.








Seryoso kasi ang mukha niya at napaka pormal niya tingnan.Mula-ulo hanggang paa ay pormal na pormal siya.







"Dapat ka nang masanay dahil simula ngayon ay ganito na ako makitungo sayo." sagot naman niya na seryoso ang mukha.







"You don't actually need to do that. It's just me.Kung paano mo ako nakilala noon ay ganoon pa rin naman ako ngayon.Titulo ko lang ang nagbago pero hindi ibig sabihin non ay babaguhin mo na rin ang pakikitungo mo sakin." saad ko.







"Ganito makipagtungo ang mga tagabantay na kagaya ko sa isang prinsesa na katulad mo. " seryoso pa rin ang mukha niya. Ibang iba sa masayahing Bella na nakilala ko.Wala na sa mukha niya ang pagiging makulit at masayahin.





"Alright.Ganyan na kung ganyan ka makitungo pero kapag tayong dalawa lang ay hindi mo na kailangang maging pormal.Nakakapanibago kasi.Dapat Kaswal lang." saad ko saka ngumiti sa kanya.







"Hindi po pwede-"







Bago pa niya natapos ang sasabihin ay nagsalita akong muli.







"As a princess, I command you to only act formal if there's a lot of people and act casual if just the two of us. "Sabi ko.








Hindi siya sumang-ayon pero hindi din tumanggi.Nanahimik lang siya at hindi na umimik hanggang sa makarating kami sa field. Nasa likuran ko lang siya.Nakasunod saakin.Hindi ko gusto ang ginagawa niya kasi para siyang asong bumubuntot sakin.Nakakailang at nakaka-agaw pansin.Lalo na't naka suot siya nang uniporme na unang tingin mo pa lang ay makikilala mo nang pag-aari o nabibilang siya sa mga maharlika.









Napabuntong hininga ako't napatigil sa paglalakad. Hinarap ko siya't sinimangutan.








"Hindi mo naman ako kailangan sundan sa likod.Pwede mo naman ako sabayang maglakad at huwag ka nang maging pormal.At isa pa bakit ganyan ang suot mo?" saad ko.






She's wearing a black leagher pants, a white turtleneck top and a black leader jacket.There's a small logo just above her right chest.The logo looks like a shield and there's a letter G written in that shield.







"It's our uniform, your highness"







Kumunot ang noo ko."As a guardians? Required ba sa inyo yan? "Tanong ko ulit.






Tumango siya at ngumiti." Yes, Your highness"







So,I guess the logo and the letter G represents them.The shield symbolizes their work, their job.They are the shield that protects us.And the letter G for the word 'Guardian'.








Napanguso ako.Parang lahat na lang ng bagay required.Alam ko namang maraming dapat sundin kapag prinsesa ka pero hindi ko akalaing pati rin sa mga tagabantay na kagaya ni Bella.Ako ang naiinitan sa suot ni Bella.Ang init pa naman ng panahon ngayon tapos naka uniporme pa sila.Pahirap naman.








Equinox Academy of Royalties :The Lost Princess(Editing)Where stories live. Discover now