Chapter 30: Very special Guest

381 14 5
                                    

Aurie's POV

Nang maka balik ako sa kwarto ko ay agad akong lumabas para puntahan na sila Nathan. Paniguradong hinahanap na nila ako. Hindi ako naka pagpaalam sa kanila kanina dahil sa pagamamadali. Aware naman akong nag tagal ako doon at ilang minuto na akong nawala. Kaya nang makabalik ay nag madali akong bumaba na kila Nathan. Sigurado akong magtataka ang mga yun.

"Saan ka nagpunta? Bakit ang tagal mo'ng nawala? "

Payapa akong naglalakad sa pasilyo ng palasyo ng biglang lumitaw si Eira sa tabi ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Eira sa tabi ko. May bitbit siyang bowl na puno ng mga prutas.

"Ahm...the queen called me." I lied.

Mukhang napaniwala ko naman siya dahil walang ano mang bahid ng pagtataka o pagdududa ang mukha niya.

"Let's go back. They're waiting " aniya

Nauna siyang naglakad sakin kaya sumunod ako sa kanya. Nang maka rating kami sa garden ay naghahanda na sila para mamayang gabi.Naka latag na ang mga blankets at naka handa na rin ang nga kakainin namin mamaya. Mukhang mags-star gazing kami mamaya.

May sapat na space sa garden ni mommy dito sa palasyo na pwede naming tayuan ng tent o latagan ng mga picnic mat.May maliit din na parang lawa na pwede naming pag kunan ng tubig dahil malinis naman.Malinaw ang tubig na sa sobrang linaw ay nakikita mo ang mga nasa ilalim nito.

Ang sabi ng reyna ay narito na raw ang maliit na lawa na'to bago pa niya naisipang gawing garden ang parting 'to.Ang sabi naman ni daddy ay narito na raw ang lawang 'to bago pa maitayo ang palasyo. Hindi daw tinabunan o sinira ang lawang 'to dahil daw sa pagkahiwaga nito.Hindi ito nawawalan ng tubig kahit tagtuyot.Kahit nga daw tag lamig ay nanatiling maligamgam ang tubig.Kaya dito kumukuha ng tubig ang reyna pang dilig sa mga halaman at bulaklak niya kaya napaka ganda ng mga ito.


Hindi naman daw ito sobrang lalim.Mababaw lang daw ito, hanggang bewang lang.Sabi sakin ni mommy, minsan daw ay naisipan niyang subukang inumin ang tubig sa lawa.Hindi naman daw masama ang lasa at wala namang epekto.Para talaga siyang nature's spring.


"Where have you been? I've been looking for you everywhere. You've gone for almost half hour already."

Nakasimangot at nagtatakang mukha ni Nathan ang agad na sumalubong sakin.Halos magtagpo na ang mga kilay niya.

"Ahm, the queen talked to me so it took me a while to come back.I'm sorry if I made you worried." I lied again.

I don't want to lie but I don't want to confuse them either.And it's better for them to not know this little secrets of mine.

"Just please don't disappear without a word. It makes me worry and imagine all sorts of negative scenarios," he said, expressing his concern.


Halata sa mukha niya ang pag-aalala.Nakunsensya tuloy ako kasi pinag-alala ko na nga siya, nag sinungaling pa ako sa kanya, at higit sa lahat nagtago pa ako ng sekreto.

"I'm really sorry, Flame" saad ko at akma sana siyang hahawakan sa braso pero umiwas siya.

Napa buntong hininga ako. Nagtatampo siya, alam ko.Masiyado ko yata siyang pinag-alala.

TUMULONG ako sa pag hahanda para mamayang gabi.Wala na naman masiyadong gagawin.Mga prutas na lang ang kailangang hatiin at ayusin.Mag- insist akong ako na ang gagawa para naman may maitulong ako.

Habang nag-hihiwa ng water melon ay hindi ko maiwasang lingunin si Nathan na naghihiwa rin ng prutas. Pinya ang hinihiwa niya.Kanina pa niya ako hindi kinakausap at pinapansin.Sa tuwing lalapit ako ay lumalayo siya.Pakiramdam ko ay may nakakahawa akong sakit pero iniintindi ko na lang siya kasi may kasalanan din naman ako.Umalis na lang kasi akong hindi nagpaalam.

Equinox Academy of Royalties :The Lost PrincessWhere stories live. Discover now