Sinayang

630 4 0
                                    

Tama bang sisihin ko ang isang katulad mo?
Tama bang sisihin ko ang sarili ko?
Magsisisihan na lang ba tayo,
Gayong alam nating dalawa na wala namang may gusto
Walang may gusto na mangyari ang lahat ng 'to
Pero aminadong kasalanan ko
Kasalanan kong sa una pa lang na tayo ay unang nagtagpo
Nahulog agad sayo
Napalapit ako, oo,
Nang araw na makilala ka
Di napigilan at may biglang nadama
Kapag kapiling ka'y kasama ko ang saya
Naging magkaibigan
At humantong sa pag-iibigan
Hindi ko rin inasahan
Na sa bawat panahong nagdadaan
Ang mga puso natin ay nagkapalagayan
Walang ibang nadama kundi ang kaligayahan..

Niligawan kita
Mga tatlong buwan ng ako'y magsimula
Sa tatlong buwa'y pinatunayan ko sayo sinta
Kung gaano katotoo ang aking nadarama
At akala ko dalawa tayong masaya
Pero napagtantong mali ako at hindi pala
Hindi pala sapat ang mga salita
Bakit kasi lagi nalang akong nahihiya
Ni ang lumapit sayo, hindi ko magawa,
Sinayang ko ang oras
Ang mga panahong hinayaan kong lumipas..

Ngayon nasa yugto na ng pagsisisi,
Bakit ba hinayaan ko ang kahinaan ang kumunsinti,
Bakit pinipilit ko ang mga bagay na alam kong walang silbi,
Sa isip nais ipakita sayo na kaya kong magbago para sa muli,
Sa muli ang pag-ibig ay sumilip kahit konti,
Pero alam kong di na maaari,
Pagkat sinayang ang mga sandali,
Sandali na ang iyong kamay ay kaya kong hawakan habang tayo'y magkatabi..

Dedicated to ajie
DECEMBER 2022

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon