Napakasarap sigurong mabuhay sa imahinasyon
Sa mundong di mo kailangang pigilan ang emosyon
Pagkakataong kaya kong hugutin ang espadang nakabaon
Lugar kung saan kaya kong ibalik ang panahon.Naaalala mo ba nung tayo'y unang magkita
Nakita ko ang sigla
Ang saya at galak sa'yong mukha
Nakita ko ang pagngiti ng iyong mga mata
Gusto kong balikan ang panahon na tayo lang dalawa.Nang sandaling iyon, di maipaliwanag ang nadama
Kinabahan at nahirapan sa paghinga
Nauubusan ng hangin at tila ba hinahabol ang hininga
Nahihiya, mata ay napapaluha.Hindi ko alam kung paano nagsimula
Ang mga pantig na magkakatugma
Mga salita sa dulo ng tula
Mga tula na sinulat para sayo sinta.Paano nga ba natin sinimulan
Ang istorya na isinulat dahan-dahan
Sariling isipan di na maintindihan
Kung bakit ba ikaw ang syang laging laman.Ang saya walang anumang humadlang sa'ting dalawa
Ang isa't isa ay kapwa nating pahinga
Bawat segundo'y mukha mo ang nakikita
Walang ibang gusto kundi ikaw nga.Ikaw ako hawak kamay
Tayong dalawa hindi na mapaghiwalay
Ikaw nga'y parte na ng aking buhay
Mundo ko'y naging masaya at binigyan mo ng kulay.Pero ako'y nabigla at naiwang nakatulala
Ako ay nagpalinlang nanaman pala
Naalala ko na mula pa no'ng simula
Lahat ng ito'y kathang-isip lang pala.Sinampal ako ng katotohanan
Minulat ang mata at naliwanagan
Ang lahat ay panaginip lamang at walang katuturan
Di ako nag-isip at naniwala naman.Sa imahinasyon nahanap ko ang tunay na ligaya
Ligaya na kahit kailan di ko man lang nadama
Imahinasyon ang lugar kung saan ako ay malaya
Malaya kong ilabas ang sakit na dala-dala.Alam ko na kathang-isip lamang ang lahat ng ito
Pero mabuti pa nga sa lugar na ito
Hindi ko kailangan matakot at magtago
Masaya ako, malaya ako.Tila ba isa akong mambabasa
Binuksan ang bagong libro at binasa
Libro na ako mismo ang may akda
Hawak ko ang wakas maging ang simula.Tunay ngang kay sarap mabuhay sa imahinasyon
Doon, di na kailangang pigilan ang emosyon
Kayang kaya kong hugutin ang espadang nakabaon
At iyon ang lugar kung saan kaya kong ibalik ang panahon.