Confess

1K 19 0
                                    

Isang napakahabang araw para sa'ting dalawa
Isang panibagong araw ang nagsimula
Hindi pangkaraniwan at mistulang kakaiba
Ito ang araw na umamin sa tunay na nadarama.

Ilang buwang naguluhan sa tunay na nararamdaman
Ngayon napagtanto at ako nga'y nalinawan
Diretso sa punto at walang pag-aalinlangan
Inamin sayo nang harap-harapan.

Di ko nga alam kung ano ang kahahantungan
Ginawa kahit walang kasiguraduhan
Di inisip kung puso man ay masugatan
Basta't buo ang pasya at sasabihin ng tuluyan.

Patawarin mo 'ko mahal kong kaibigan
Sapagkat ang sarili ay di na napigilan
Mga salitang laman ng puso akin nang pinakawalan
Mga katagang gumugulo sa isip ay tuluyan nang binitawan.

Di maintindihan bakit ko ba ginawa
Siguro, baka dahil binigyan mo'ko ng pag-asa
Pero alam kong kasalanan ko naman talaga
Kasi bakit nga naman ako umasa diba?

Kuntento ako sa kung ano tayo
Masaya ako kase meron akong akong katulad mo
At di naman ako naghahangad ng higit pa dito
Basta gusto ko lang umamin at sabihin sayo.

Kasabay ng paglubog ng araw ay sinimulan ko na ngang magsalita
Pero hindi ka handa at tila ba ika'y nabigla
Ilang minuto ang lumipas at walang lumabas na tinig sa sayong labi ni isa
Akala ko'y wala kang balak tumugon, nadama ko ang kaba.

Akala ko ito na ang huli
Akala ko ang pagkakaibigan natin ay dito na nga mababali
Ngunit natuwa ako sa sinambit ng yong labi
Sa halip na masaktan ako'y iyong napangiti.

Alam kong hindi mo nga tinanggap
Pero napatunayan kong isa ka ngang tunay na lalaki dahil hindi ka nagpanggap
Pagmamahal mo sa akin bilang kaibigan ay akin ngang nalanghap
Halaga ng meron tayo, ngayon ay aking nahanap.

Akala ko pagkatapos nito, pagkakaibigan natin ay magkakaroon ng lamat
Pero mali ako, oo mali ako at salamat
Nagsimula ng bagong alamat
Kaibigan ko, salamat sa lahat.

Oo kaibigan mo ako, kaibigan kita
Pero dapat ba akong maging masaya dahil magkaibigan tayong dalawa
O dapat ba akong lumuha dahil hanggang dun lang talaga?
Hindi, dahil kung luluha man ako malamang na dahil sa saya.

Wag kang magalala mahal ko
Ni hindi nga nasugatan ang puso ko
Siguro ramdam mo ang unti unti kong paglayo
Ngunit wag kang mag alala dahil di naman ako nagbago
Di ko lang talaga kayang tumingin sayo ng diretso
Siguro kase nahihiya lang ako.

Mahal na mahal kita bestfriend ko...

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon