Chapter 5

7 1 0
                                    

Giel's POV:

*Gumising ako ng maaga. Pagtingin ko sa sala, mukang 'di pa gising si Tita. Mas nauna pa'kong natulog dun eh, nag-sugal nanaman siguro. Naligo na'ko at pagkatapos ay pumunta agad ako sa Com. Shop. Di na'ko kumain kasi baka magising si Tita at di na'ko paalisin. Sa Canteen na lang ako kakain. Pagpunta ko sa Com. Shop, nakita kong binubuksan ni bossing ang pinto at agad ko namang nilapitan.*

"Oh Giel, anong oras pa lang ah?" Siya.

"Ahh. Gusto ko lang po kayong puntahan. Haha, para di niyo sabihin na kinakalimutan ko na kayo. Atsaka, nag-usap po kami ng mga kaibigan ko sa chat, maaga daw kami pumasok. Hehe" Ako.

"Ahh. Loko ka talaga. Ay oo nga pala, eto pala yung sweldo mo kagabi." Inabot naman ang pera.

"Ay wag na po. Nalibang lang ako kaya, tinuloy tuloy ko na." Ako.

"Kahit na. Tanggapin mo na iha, alam kong wala kang pera."

*Tinanggap ko ang pera at umalis. Pag tapak ko sa MBHS, nakita kong naka-abang sa'kin sina Mark at Jessica.*

"Oh Miss, napadalaw ka? Lol, hahaha!" Si Bakla.

"Alam niyo, para kayong mga tanga! Ang aga-aga, muka kayong pulubi dyan! Lalo ka'na Mark!" Sabi ko sa kanila.

"Aysus! Porke't may Wifi kayo! Kahit walang Cellphone! Hahaha!" Si Mark.

"Hahaha :D Oo nga Giel, bakit ganun, may internet kayo, may laptop pa tapos wala kang Cellphone." Si Jhae

"Toinks kayo! Wala akong Gadget kahit isa. Sa Computer Shop lang ako nag-oonline." Ako.

"Edi gumagastos ka pala ng malaki maka-babad lang sa internet? Hahahaha" Si Jhae

"Eh nung bakasyon kasi, dun ako nagtrabaho." Ako.

"Nagtatrabaho ka'na pala?" Si Jhae.

"Paulit-ulit? Oo na nga! Iniwan kasi ako nung magulang ko bago magbakasyon. Ay ewan! Hayaan na natin yun! Punta na muna tayo sa Canteen. Kain tayo! Di pa'ko naga-almusal eh" Ako.

"Ah kaya pala. Oh tara na!" Si Mark.

"Pumunta na kami sa Canteen. Papasok na sana kami ng napansin kong andyan yung lalaking tingin ng tingin sa'kin."

"Uy wait! Mamaya na! Andyan kasi yung lalaking stalker ko!" Ako.

"Haha Stalker? Sino?" Si Jhessica. Sabay tingin sa loob.

" 'te, wag assuming! Nakaka-tanga yan!" Si Mark.

"Siya nga! Yung tingin ng tingin sa'kin kahapon, ayun oh! Umo-order!" Ako habang nakaturo sa loob.

"Sino man? Di ko matandaan ang muka. Tara, puntahan natin!" Si Mark.

"Wag na nga! Iiih! Baka kung anong masabi ko." Ako.

"Bakit ba ayaw mong pumasok? May gusto ka sa kaniya 'no? Syempre, kung wala ka sa kaniyang gusto, wala kang paki-alam sa kaniya. Eh may pake ka sa kaniya, oh anong ibig-sabihin nun? Haayss." Si Jessica.

"Ano ba kayo? Ayoko lang talaga makita niya 'ko. Haay! Tago na muna tayo dun!" Ako sabay turo sa isang room.

"Aysus! Tara na nga!" Si Mark.

*At pumunta na nga kami sa room na malapit sa Canteen. Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay na umalis siya.

"Eh diba Classmate natin yun? Hala ka Giel! Hahaha" Si Mark.

"Ihhh! Wag mo nang sabihin yun! Di ko nga alam kung anong gagawin ko mamaya eh. -_-" Ako.

"Eto si Mark, lagi mo nalang inaasar si Giel!" Si Jhae.

*Maya-maya pa ay nakita na namin siyang lumabas. Pumasok na kami sa Canteen at sabay-sabay kumain. Dumami na rin ang mga estudyante at dumating na rin ang mga Teachers. Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami agad sa room. Pagpasok namin, nakita namin lahat ng estudyante na naglilinis. Edi ang ginawa namin, tumakbo na muna kami papalayo hanggang sa mag Flag Ceremony. (Yan ang buhay! Lol) Pagkatapos mag flag ceremony, pumasok na kami sa taas.

"Hi Jessica and Mark! Ahmm, may bago pala tayong kaklase. Hi, and you are?" Tanong sa'kin ng isang babae.

"I'm Giel. Nice to meet you!" Ako.

"Ahh. I am Cheska Fellar. Ang top 1 nung nakaraang School Year. And ako nga pala yung sumigaw sa inyo kahapon. Hehe, sana maunawaan mo. Ganyan talaga kapag ikaw ang inatasang mamahala ng mga estudyante. Hehe :P Dyan na muna kayo ha? Titingnan ko pa kasi yung attendance. Geh bye!" Siya. Sabay umalis.

"Ahh sige!" Ako. At bigla naman siyang umalis.

"Halatang napadalaw lang dito 'no?" Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Di ahh. ganun lang talaga. Close kasi kami lahat dito. Kaya halos lahat magkakakilala. Pero dahil maganda 'tong school na 'to, maraming estudyante mula sa iba't-ibang school ang lumilipat na rito. Kaya halos taon taon, maraming nagta-transfer dito." Si Jhae.

"Ahh. Marami bang mga school sa lugar na'to?" Tanong ko sa kanila.

"Oo. Pero yung iba, malalayo. Kaya nga tuwing taon taon, may nagaganap na Sports fest. Naglalaban laban kasi lahat ng school dito." Si Jhae.

"Ha? Anong mga sports yun? Atsaka, san naman yun ginaganap? Tanong ko ulet.

"Ay sus! Eto talaga. Edi malamang, lahat ng sports. Ginaganap yun sa "Sports Venue". Yung malapit sa sakayan mo papunta rito at pauwi. Di mo ba yun nakikita? Kitang kita nga namin yun nung paghatid namin sa'yo kahapon." Singit naman ni Mark.

"Ahh oo! Alam ko yun! Pero teka, kailan ba gaganapin yung Sports Fest?" Tanong ko ulet.

"Malapit na ata yun!? Kaya kailangan mo nang pumili ng sasalihan mong sport." Si jessica.

"Ha? Eh bakit kailangan kong sumali sa ganyan? Eh andami namang estudyante rito. Kaya maraming pwedeng sumali dyan." Ako.

"Ano ka'ba? Importante ngayon ang Co-corricular activity. Graduating na kaya tayo. Atsaka, nasa higher section pati tayo. Kaya dapat, pumili ka'na habang maaga pa! Mabuti kami ni Jessica, meron na kami." Sabi ni Mark.

"Oh? Ano namang pinili niyo?" Tanong ko ulit.

"Good Morning Sir!" Sabay tayo ang mga classmates ko at tumayo na rin kami kahit nag-uusap pa.

"Okay, be sitted. You know what my rules are? Sinabi ko na yun kahapon at hindi ko na kailangang ulitin pa. My name is Sir Jed Noval.
Our lesson today is all about, *Blah* *Blah* * Blah* " Sabi ni Sir Noval. Ang Science teacher namin.

*Nabanggit ni Sir Noval kahapon na kapag sa klase niya, okay lang kahit saan ka naka-upo. Basta't nakikinig ka sa pinag-uusapan. Kaya pagpasok palang namin, nagtabi-tabi na kami ng upuan.

"By the way Giel, siya pala yung Coach ng Volleyball. Gusto mong sumali?" Mark

"Aanhin ko naman ang Volleyball?" Ako

"Tumigil ka nga! Wag mong sabihing ayaw mong mapalapit sa crush mo? Hahahaha Volleyball player na siya. Tingnan mo na lang sa room 19." Mark

"Tumigil ka nga dyan Bakling! Buong araw tayong magkasama diba? Pano mo naman yun nalaman? Jessica

*Nanahimik na lang ako habang nag-uusap sila.*

"Okay, this time, Goodbye! Sir Goblez.

Colorful ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon