*6:00 am*
Good Morning sa lahat! Ngayong araw na'to ang first day of school. Siyempre, excited ako! Hahaha! Ano kayang mangyayari? Lols.
Bago ako pumasok, dadaan muna ako sa Computer Shop. Pero bago ako makapunta dun,
"Hoy, saan ka pupunta?" Si Tita.
"Ahh. papasok po." Ako.
-Nakita namang naka-uniform ako, magtatanong pa. Hayyss.
"Bilhan mo muna ako ng sigarilyo. Oh, (Inabot ang dalawang piso) sa'yo na yung sukli. Baon mo pa yan."
"Ay wag na po. Baka po kulang pa po 'to sa inyo." Ako.
"Aba talagang.... Hoy! Sumasagot sagot ka'pa? Gusto mo, palayasin kita dito? Bilisan mo na!" Si Tita.
"Eh, anong sigarilyo po 'to?" Ako.
"Sigarilyo? Bumili ka ng Floyd Mayweather! Edi malamang, kahit ano basta't kakasya dyan. Ne', utak paganahin ha?" Si Tita.
*Naglakad na ako papuntang tindahan.*
-Paganahin ang utak? Parang tanga! Haysss
*Sa tindahan*
"Pabili po!" Ako.
"Anong bibilhin mo?" Yung tindera.
"Sigarilyo po." Ako.
"Kung maka-sigaw, sigarilyo lang naman ang bibilhin. Oh, anong sigarilyo?" Tindera.
"Yung kakasya lang po sa dalawang piso." Ako.
"Eh, tatlong piso lang ang pinakamurang sigarilyo." Tindera.
"Ah eh, pwede po bang tawad?" Ako.
"Tawad? Pumunta ka sa palengke."
-Hayy! Wala na nga akong pera, Aabunuhan ko pa'to.
*Nagdukot sa bulsa.*
-Ay wala? Letche nanaman!
"Hoy ano? Bibili ka'ba? Nakak-abala ka!" Tindera.
"Ah ehh..." Ako.
"Bahala ka dyan!" Tindera.
*Blaag! (Sinara ang harang)*
-Hayysss. Ano bang buhay 'to?
*Umalis na'ko*
.
*May tumatakbong bata papalapit sa akin.*
*Blaang! (Nabanggaan ako)*
"Ayy. Sorry po ate!" Yung bata.
*Umupo naman ako at pinagpagan siya.*
-Halatang nagmamadali sa Ice Cream! Hahaha! Loko kasing Ice Cream 'to, ang aga aga.
*Bago ako tumayo may napansin ako,*
"Piso?!" Napasigaw ako sabay tikom ng bibig. Sakto namang tumatakbo papalayo sa'kin ang bata kaya walang naka-pansin.
-Siguro, tumalsik 'to mula sa bata. Hay salamat, may pambayad na rin ako.
*Agad naman akong bumalik sa tindahan at bumili ng sigarilyo. Pagkatapos ay bumalik ako kay Tita at ibinigay ito. Pagka-bigay ko ay agad din naman akong pumunta sa Computer Shop.*
![](https://img.wattpad.com/cover/40441780-288-k629174.jpg)