I have this bad habit of letting things go.
Pagpaparaya.
Bagay na nakasanayan ko na, at ang bagay na kinaiinisan sa akin ng mga kaibigan ko.
Hindi raw nila alam kung sobrang bait ko ba o sobrang tanga dahil pati ang taong mahal ko ay nagawa kong palayain para lang sa kasiyahan ng iba.
"Kailan mo iisipin ang sarili mo?" Iyan ang paulit-ulit na tanong na natatanggap ko mula sa kanila. Tanong na wala akong kasagutan hanggang ngayon.
Umigtim ang aking panga, muling pinipigilan ang sariling kagustuhan. "Sige, ho. Kunin niyo na po." Sabi ko sa babaeng nakasabayan ko sa pag dampot sa nag-iisang lata ng softdrink.
Ngumiti ito at bahagyang tumango sa akin. "Salamat!"
Pinanuod ko kung paano niya dinampot ang latang iyon nang walang pag-aalinlangan at dumiretso sa cashier para mag bayad.Umiling ako sa sarili at ngumiti nang walang bakas na kahit anong saya.
Nagparaya nanaman ako.
hoshi.
BINABASA MO ANG
anemoia (unspoken poetry; book 3)
Poesiaanemoia (n.) nostalgia for a time you've never known