PART 7Lumipas ang ilang linggo hanggang sa bumalik na si Jade sa skwela nito bilang second year college student. Si Clyde naman ay natanggap sa call center na pinagtatrabahuhan din ni Harold. Tuwang tuwa pa si Clyde dahil morning shift siya kaya maihahatid niya si Jade sa eskwelahan nito. Si Harold naman ay nalipat sa pang-gabi pero kampante naman siya dahil nandiyan naman si Clyde para masamahan si Jade. Isang araw... maagang natapos ang klase ni Jade kaya naisipan niyang pumunta muna ng mall para bumili ng mga abubot niya. Habang naglalakad siya papunta ng mall ay napadaan siya sa building na pinagtatrabahuhan ni Clyde at saktong lumabas din ito pero may kasamang babae. Nang makita ni Clyde ni Jade ay kaagad siyang humiwalay sa kasama niyang babae at dali-daling lumapit sa kanya at niyakap.
"Babe..." malambing na sambit ni Clyde pagkayakap nito kay Jade.
"Sa'n ka pupunta?? Hindi mo pa out ah??.." agad na tanong ni Jade kay Clyde.
"Nag VTO na ako babe... lumabas lang kami ng teammate ko para mag smoke.. pero susunduin naman kita sa school mo eh... siya nga pala... si Amber.. teammate ko... and Amber... si Jade... girlfriend ko..." agad na pagpapakilala ni Clyde sa kanilang dalawa.
"Hello Jade... Amber Gomez... Friend ni Clyde..." agad na pagpapakilala ni Amber sabay abot ng kamay nito kay Jade.
"Ohh.. friend pala... kaya naman pala ang lakas mong makalingkis at makahalik sa boyfriend ko noh..." sagot naman ni Jade kay Amber.
"Babe... hindi ganun yung iniisip mo.. Hinding hindi ko gagawin yan sa'yo..." agad na pag-aassure ni Clyde sa kanyang girlfriend.
"Yeah right... ipaliwanag mo na lang yan mamaya kay Daddy at kayong dalawa ang mag-usap ha??.. sige na.. maiwan ko na kayo diyan ha?? Pasensya na kung naistorbo ko pa ang paglalambingan niyong dalawa..." huling sagot ni Jade sabay irap nito sa dalawa bago ipinagpatuloy ang paglalakad.
Habang naglalakad naman si Jade ay may biglang humawak sa kanyang kamay.
"Babe... pleaseee... it's not what you think... kaibigan ko lang yon..." agad na sabi ni Clyde pagkahinto ni Jade.
"Alam mo Clyde... yan na yung pinakagasgas na line ng mga lalaki... o kahit ng mga babae kapag nasa isang relationship eh.. tapos malaman laman na lang nila na nasa cheating stage na pala yung sinasabing KAIBIGAN MO LANG noh... ang saya.." galit na sagot ni Jade kay Clyde.
"Pleasee babe... hinding hindi ko gagawin sa'yo yang iniisip mo... wala ka bang tiwala sa akin??..." malungkot na tanong ni Clyde sabay hawak nito sa dalawang kamay ni Jade.
"Gusto mo ba talagang magtiwala ako sa'yo Clyde??..." tanong naman ni Jade kay Clyde.
"Oo naman babe..." sagot naman ni Clyde kay Jade.
"Then... alam mo na ang kailangan mong gawin para makuha mo nang buo ang tiwala ko... if not... good luck na lang sa'yo.." sagot naman ni Jade sabay irap nito kay Clyde at nag-walkout.
Kinagabihan... pagkauwi ni Jade at Clyde sa kanilang bahay ay saktong inihahanda naman ni Harold ang kanilang hapunan.
"Daddyyy..." masayang bungad ni Jade sabay yakap nito sa kanyang ama.
"Oh Jade.. Clyde.. magbihis na kayo para makapag-hapunan na tayo..." sagot naman ni Harold kina Jade at Clyde.
Agad namang umakyat sina Jade at Clyde sa kanilang kwarto para makapag-bihis. Nang matapos ay kaagad naman silang lumabas at tinungo ang dining area. Habang kumakain silang tatlo ay napansin naman ni Harold na hindi nagkikibuan ang magkasintahan kaya agad na itong nagsalita.
"Masyado kayong tahimik na dalawa ah... may problema ba kayo??.." tanong ni Harold sa dalawa pero hindi sila agad nakasagot.
"Jade?? Ano'ng problema niyo ni Clyde?? Nag-away ba kayong dalawa??..." seryosong tanong ni Harold sa kanyang pamangkin.
"Tanungin mo yang kumpare mo Daddy..." medyo iritableng sagot ni Jade sa kanyang ama.
"Clyde?? Ano'ng nangyari??..." agad na baling ni Harold kay Clyde.
"Eh kasi naman Pare... masyadong selosa itong si Jade... nakita niya lang na kasama ko yung kaibigan ko ay nagalit na..." sagot naman ni Clyde kay Harold.
"Haaaaahhh!! Kaibigan pero nakikipag-lingkisan at hinahalikan ka niya sa pisngi?? Yun ba yung definition mo ng kaibigan??..." sarkastikong tanong ni Jade kay Clyde.
"Wala naman akong malisya dun sa kanya babe eh... bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?? Tingin mo ba lolokohin kita??..." malungkot na tanong ni Clyde kay Jade.
"Eh kung gayahin ko yung sitwasyon... makita mo akong kasama ko yung kaibigan kong lalaki na hinahalikan ako sa pisngi at nilalambing... how would you feel??..." seryosong tanong ni Jade kay Clyde.
Hindi naman nakasagot si Clyde sa tanong ni Jade at napayuko lang ito hanggang sa sumagot na itong si Harold.
"Hayyy nakuuu... pag-usapan niyo yang dalawa ha??..." tanging sagot ni Harold sa kanilang dalawa bago ipinag-patuloy ang kanyang pagkain.
Di katagalan... nauna nang umakyat si Jade sa kanilang kwarto dahil kailangan na niyang matulog nang maaga. Ilang saglit lang ng pagkahiga ni Jade sa kanyang kama ay bumukas naman ang pintuan at nakita nitong pumasok si Clyde. Hindi naman umimik si Jade at tumagilid lang siya at natulog. Ilang sandali lang ay naramdaman na ni Jade ang pagsampa ni Clyde sa kanilang kama at ang pagyakap nito. Pero dahil galit si Jade ay inalis nito ang pagyakap ni Clyde sa kanya.
"Sige na babe... iiwasan ko na si Amber para maging panatag ka na... mas pipiliin kita kesa sa mga kaibigan ko..." malungkot na sambit ni Clyde kay Jade.
Hindi naman sumagot si Jade at ipinagpatuloy na nito ang kanyang pagtulog. Wala nang nagawa pa si Clyde kundi ang matulog na din dahil meron pa siyang duty kinabukasan.
Itutuloy...
---@spicelopez---
BINABASA MO ANG
Ang Kumpare Ni Daddy
RomanceAng kwentong ito ay pang LGBTQIA+ or pwede na rin sa mga taong may malawak na pag-iisip. May mga eksena sa kwentong ito na hindi angkop sa mga mambabasa na 21 pababa ang edad. Kung hindi ka sanay magbasa ng mga ganitong istorya... mabuti pa at magha...