PART 8Kinabukasan... maagang nagising si Jade dahil ayaw niyang makisabay sa kanya si Clyde kaya agad na siyang bumangon sa kama nito at dahan-dahan na nagtungo ng banyo para maligo pero pagkatapos nitong maligo at pagkalabas nito ng banyo ay saktong gising na din si Clyde.
"Good morning babe..." nakangiting bati ni Clyde kay Jade pero hindi na naman siya pinansin.
Lalagpasan na sana siya ni Jade pero bigla niya itong hinila at inilapit ang mukha nito sa mukha niya.
"Huwag mong ipapakita yang pagka-maldita mo Jade ha?? Lalo akong naiinlove sa'yo eh..." nakangising sambit ni Clyde sabay halik nito sa labi ni Jade.
"Tumigil ka diyan Clyde!! Maligo ka na dun!! Ang baho ng laway mo!!.." pagsusungit naman ni Jade sabay hiwalay nito sa kanyang boyfriend at nagbihis.
"Ah susss!! Para namang hindi ka nasasarapan sa laway ko pag naghahalikan tayo ah... hahahaha... sige na nga.. maliligo na ako... hintayin mo ako ha.." tuwang tuwa na sambit ni Clyde kay Jade sabay pasok nito sa banyo.
Di katagalan... nang tapos na sa pagbihis si Clyde ay dali-dali na siyang lumabas ng kwarto para makapag-almusal. Sakto namang kumakain si Jade kaya agad na siyang umupo sa tabi ng kanyang girlfriend.
"Yiiieeee... ipinaghanda niya talaga ako ng breakfast oh... I love you babe..." paglalambing naman ni Clyde sa kanyang girlfriend.
"Hindi lang naman para sa'yo yan... para din yan kay Daddy... huwag kang feeling special..." patuloy na pag-susungit ni Jade sa kanyang boyfriend.
"I feel so special pa rin naman babe kasi ako yung boyfriend mo eh... hehehe..." nakangising sagot ni Clyde kay Jade.
"Bahala ka diyan... alis na ako..." tanging sagot ni Jade kay Clyde sabay inom ng tubig at kuha ng pinggan nito at hinugasan sa lababo.
"Uyy sandali lang babe... ihahatid na kita sa school niyo..." sagot naman ni Clyde kay Jade.
Dali-dali nang tinapos ni Clyde ang kanyang almusal at agad na kinuha ang kanyang bag hanggang sa nakaalis na silang dalawa ni Jade. Pagkarating nilang dalawa sa school ni Jade ay hinalikan pa siya ni Clyde sa labi nito bago tuluyang umalis.
➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖
Kinahapunan... sabay na lumabas sa gate ng school si Jade at ang kanyang kaibigan na si Chad. Pagkalabas nilang dalawa ay nabigla pa si Jade nang hinalikan siya ni Chad sa pisngi tsaka tuluyang umalis. At nang umalis na rin si Jade ay nakasalubong nito si Clyde at mukhang bad trip na nakatingin kay Jade.
"Oh? Ba't ganyan ka makatingin??..." agad na tanong ni Jade pagkalapit nito kay Clyde.
"Sino yung lalaking kasama mo palabas ng school mo??..." seryosong tanong ni Clyde kay Jade.
"Ahh yun ba?? Si Chad... classmate ko and my close friend as well... bakit mo natanong??..." tanong din ni Jade na kunyare hindi niya alam ang gustong iparating sa kanya ni Clyde.
BINABASA MO ANG
Ang Kumpare Ni Daddy
RomanceAng kwentong ito ay pang LGBTQIA+ or pwede na rin sa mga taong may malawak na pag-iisip. May mga eksena sa kwentong ito na hindi angkop sa mga mambabasa na 21 pababa ang edad. Kung hindi ka sanay magbasa ng mga ganitong istorya... mabuti pa at magha...