CHAPTER 1: PEACE
I brushed my hair once using my hand then put it in my waist.
Napakagat ako sa aking labi habang nililibot ang tingin sa kwarto kong malapit ng maubos ang gamit. May mga box na nakakalat sa paligid, ang aparador at ang kama nalang ang nananatili pa sa dati nitong ayos.
I feel something cold poking at my side. Nilingon ko ito at natagpuan ko sila na malungkot ang mukha. The 10 years old girl at the back wearing a blue dress that she wore on her last day in this world. The other one is a boy that is 3 years younger than her wearing sando and boxer. They have the same almond eyes.
I smiled at them then kneel so that I can reach their height.
"You can go with us if you want to." I whispered. I don't want mommy to hear me talking to them.
Lalong napanguso ang batang maliit. Nakaakbay lang sa kaniya ang ate niya. Tatlong taon palang kami dito. Palipat lipat kami ng bahay dahil laging may nangyayaring hindi maganda sa bahay na tinutuluyan namin. It's either they didn't want us to invade their property or they don't want someone who can see them.
Dito lang ata kami tumagal. Wala namang nangyaring masama sa pananatili namin dito ngunit kinailangan na din namin umalis dahil mas maraming oportunidad sa manila. Mag kokolehiyo na ko at sinabi ng aking mga magulang na sayang ang aking talino kung mananatili ako dito sa probinsya.
"We can't, Ate. Our time is near." Paliwanag ni Chelsea.
May iba't ibang uri ang mga kaluluwang nananatili pa sa mundong ito. Some are just accidentally killed. It is not actually their time but they killed or died. Tipong mali ang natahak na landas o hindi kaya ng taong pumatay. 'Cause some evil can actually control someone to do things that didn't even destined for the certain person.
May iba naman na may malaking kasalanan at kailangan muna nilang pagbayaran bago makaakyat sa paraiso at may ibang hindi pa handa at humahangad pa ng hustisya and this one are prone to be evil.
Sa kaso nila Chelsea and Chester, It's not yet their time when they are killed. That's why they are living here for almost ten years. Hindi na sila tumatanda, they stayed on what age they died.
"We're going to wait you there, Ate!" Paiyak ng sabi ni Chester. It makes me cry whenever the vision on how they killed crossed in my mind. This cuties experienced that kind of cruelty. They didn't even deserve that!
Siniko siya ng kaniyang ate bilang pagsaway.
"I-I mean, I w-want you to live your life longer. We will still wait for you even if you go there at the age of 80!... Or 100!" Pambawi ni Chester sa kaniyang sinabi.
Hindi ko tuloy mapigilan matawa. Ayoko na sana iwan sila pero kailangan. At malapit narin naman ang araw nila.
"You will wait for me ha?" I said, smiling at them.
Mabilis na napatango ang dalawa.
Lumapit pa sila lalo sakin atsaka niyakap ako. I don't actually feel the hold of their touch. But I can feel their coldness. The feel of death.
Pareho kami ni Mama na nakikita sila, but Mama chose to ignore them. Sa side ng pamilya nila Mama ay halos may third eye kung tawagin kung kaya't bata palang ay nakakakita na ko.
There are some circumstances during my elementary years that I talk to someone in my age and one of my classmate's approached me, asking who I am talking to. I pointed Jeric right in front of me then they just look at me weirdly. Some girls are laughing and called me crazy and that's when I realized that I'm the only one who can see Jeric.
Sinubukan ko pa magtanong sa iba kung nakikita ba nila yung nakikita ko pero lahat sila ay pare pareho lang nawirduhan sa'kin. Kung hindi nawiwirduhan, ay may bakas naman ng takot sa kanilang mukha. After that I got bullied and then I never saw Jeric, Elaine and Kathlyn again.
I asked Mama, 'what's wrong with me?'
She answered that there is nothing wrong with me, with us. It is a God's gift to us to witness what is within the world. Only few have this kind of power so I should be grateful. But the thing is, most are afraid to have this.
So I remain quite whenever I see one again. I smiled at them but some are not good enough to return the smile. When I am alone, I talked to them. Gusto ko malaman ang mga pinagdadaanan nila, kung bakit sila naging ganun, kung ano ba ang nararamdaman nila. I want to comfort them and be friend. Siguro nga tama ang mga sinasabi ng ibang tao sakin, na weird ako. Nakakaramdam kasi ako ng sakit sa tuwing nakakakita ako ng kaluluwa o multo kung tawagin ng iba, I can feel their pain.
But Mama gave me warning about approaching one of them. Not all of them are good or need to be sympathize, some are too bad enough to hurt you if you keep on interfering them.
I didn't believe it at first, pero sa ilang beses naming paglipat ng tahanan, ay tsaka ko narealize na tama siya. They can't touch a person but they can touch things just for only a millisecond. Minsan tumatagal rin ng minuto, it depends on the will of the evil soul to hurt you.
Nagising ako sa kalabog ng pinto dahil sa pagsara nito. Nilingon ko mula sa bintana ng sasakyan ang panibago naming titirhan.
Nasa isang esklusibong village kami na kung saan, Lupa ang binabayaran at bahala na kami sa pagpapatayo ng bahay. Hindi rin magkakadikit ang mga bahay at tila may kumpetisyon ang pagpapalaki ng tahanan dito. Tahimik ang lugar at walang batang nakakalat gaya ng sa huli naming tinitirhan. Mas malaki rin ang naipagawa ni Mommy kesa sa huli. Sabi niya na mas maganda na magkaroon ng sariling tahanan na kami mismo ang nagpagawa, kesa sa manirahan sa bahay na pag aari na pala ng iba.
Ito talaga ang matagal niya ng pinapangarap, ang makapagpatayo ng bahay. Umunlad ang buhay namin nang magsimula kami ni Mommy ng online business. Maliban pa sa mga online business, may iba't iba pang raket ang aking ina at siya nalang ang nakakaalam noon dahil masyadong marami. Ang aking ama naman ay nasa ibang bansa. Malaki laki rin ang kinikita at dahil sa pagtutulunan nilag dalawa ay nagbunga na ito ng isang maganda at komportableng bahay.
Lumabas na ako sa sasakyan at tumulong na sa paghahakot ng mga gamit. Nilibot ko ang kabuuan nito upang tignan kung wala ang kahit na sinong namamahay. Nang wala ay nagpahinga na rin pagkatapos.
"Hi! I'm Francis Ivana Mercado. I like to travel, to experience new things and to know different kind of people." Pagpapakilala ko sa klase. Akala ko wala ng ganito pag college but since, this is a social studies, kailangan naming magpakilala at kilalanin ang iba dahil makakatulong ito para sa mga susunod na activities. I'm taking General Psychology.
Isa't kalahating buwan na ang nakalipas simula ng lumipat kami sa bago naming tinitirhan. Wala namang kakaiba sa bahay at wala namang presensya ng kung ano mang hindi taga dito sa ating mundo kaya nakakatulog rin ng maayos si Mommy.
I earned a lot of friends sa school. Somehow, my life here in Manila is peaceful. Kahit pa mas marami akong nakikitang kakaiba sa araw araw na pagcocommute, dahil narin siguro mas marami ang naaksidente dito, ay nanatiling maayos ang aking pamumuhay.
Ngunit ang pag aakala ng tahimik na buhay ay isang pagkakamali...
Nothing is peaceful in this world...
YOU ARE READING
Ghost Has No Feelings
General FictionFrancis Ivana has the ability to see people from the other side; she can see them but cannot hold them. Her mother also has this ability, and she warned Ivana that she shouldn't be engaged to any of them because it will only make her life miserable...