CHAPTER 2: COMPLICATED LIFE
Kinukusot ang matang bumangon ako isang umaga.
Malapit na ang prelims kaya sandamakmak na gawain ang ikinaharap ko kagabi kaya halos magdamag rin akong gising.
Kung tatanungin niyo kung kamusta ang kabilang mundo, ang masasabi ko lang. Maraming nakakalungkot na bagay ang nangyari sa eskwelahan na pinapasukan ko. I saw a girl one time during our lab. Base on her appearance, she was raped in the school. Her place is in the lab 1 at the back corner. Nakaupo siya lagi sa sahig at parang takot na takot. Lagi siyang alerto sa mga pumapasok pero wala naman siyang ginagawa. She is always there. Hindi naalis kahit kasagsagan ng klase. And I don't know if she already knew that I can saw her, dahil mabilis niya ring tinatago ang mukha niya sa kaniyang braso na nakapatong sa tuhod. Aangat lang kapag umiingay, naglalabasan ang tao sa room at kapag may papasok. She always panicked when the door open. Like someone will appear that will hurt her.
At ang naiisip kong dahilan kung bakit pa nandito siya sa mundo na to ay dahil hindi pa niya nakukuha ang dapat niyang maasam upang makapanahimik na ng payapa.
I want to approach her, pero walang time dahil laging may tao sa lab at nangako ako kay Mama na hindi na ko mangenge-alam pa sa buhay nila. It will make my life more complicated. I want to help her and I think she needs it.
Aside from her, I saw many of them in a sad situation. Making you think that life is so unfair.
"Bye Ivana! Bukas nalang." Sabi ni Leandra at yumakap muna. Nakangiti naman akong kumaway sa kaniya habang papalapit na siya sa kaniyang kasintahan. Nakangiti namang tumango sa'kin si Jerome bago sinalubong ng akbay si Leandra.
Hinayaan ko naman ang sarili ko na maghintay sa waiting shed ng school para maghintay ng tamang sakayan pauwi sa'min. Maraming mga estudyante ang naglalabasan na sa unibersidad. Papalubog narin ang araw at kulay kahel na ang kalangitan.
Nginitian ko naman ang mga ibang nadaan na kakilala ko. Maingay ang paligid. Naghalo ang ingay ng mga makina ng mga sasakyang nadaan, mga busina, at ingay ng mga estudyante at ibang taong nadaan. A very typical day in Manila. I feel something vibrated in my bag kaya dali dali ko itong hinanap sa aking bag na agad ko naman nakuha. Nakita ko ang pangalan ng aking nanay kaya napangiti ako nung binuksan ko ang message, but suddenly my surroundings became noisy.
Nang iaangat ko na sana ang aking paningin nang may mapansing mabilis na paparating ay may bigla namang may tumulak sakin na dahilan ng pagkasubsob ko. Everything happened so fast that all I can hear is the screaming of the people and a very loud crash sa lugar na kinatatayuan ko kanina.
Dali-dali ko yon nilingon and to my horror, I saw a huge truck crush to the wall of the university as well as the students that are in between. With full of blood. My heart beat fasts and it is literally in pain. I feel the tears came down my face. I'm too stunned to scream. I'm too stunned to see their crying soul. This is my first time seeing this kind of scene and this is so unsettling. Nakakapanghina and nakakatrauma, you just want to wake up from your nightmare.
I don't really know what happened in my surroundings. I felt the person in my side, asking me questions. But my attention is remain on the soul crying. There's five of them including the driver of the truck.
They look sad, crying and hurt looking at their body. Parang slow motion ang lahat at hindi maproseso ng aking utak kung totoo ba talaga to. Someone help me to get up pero sa panginginig ay hndi ko magawa, then suddenly, someone caught my attention.
Natagpuan ko ang kaniyang mata. There's a soul of a guy in my left. He's not crying. He smiled when he saw me looking at him. But the smile looks so sad.
I felt my heart crashing into pieces when I saw that smile.
Magulo ang paligid, may umaakay na sakin but I can't seem to wake up in reality. Marami ring sugatan sa paligid dahil sa ginawang pag iwas at ang iba naman ay nadaplisan ng truck kaya nawalan ng mga balanse.
Marami nang lumalapit sakin at tinatanong na ko ng kung ano ano but I can't seem to process anything.
"Ivana! Ayos ka lang ba?" Hinuli ni Leandra ang aking paningin at bigla akong niyakap.
"Its okay! I saw the commotion that's why we go back." Inalalayan nila akong dalawa ng boyfriend niyang tumayo at ilayo sa kumosyon. Inalis niya rin ang mga nakapaligid para hindi masyadong crowded.
Hinang hina ako at umiyak lang ako ng umiyak habang yakap ni Leandra. Dinala nila ako sa gilid kung saan wala ng masyadong taong nag kukumpulan. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan.
"Grabe, ang daming estudyanteng nadamay! Bat kasi doon pa lumiko yung truck?" kumento ni Jerome.
Agad naman siyang pinatahimik ni Leandra. "Ssshh! Stop talking for now! Ivana is still in shock!"
Lumayo ako sa yakap ni Leandra at pinunasan ang aking mukha. Tinulungan niya naman ako gamit ang kaniyang panyo. "I'm sorry" tahimik kong sabi.
"Wag ka ng mag alala. Magiging okay din lahat! You should focus on calming yourself." hinahagod pa nito ang aking likod upang makatulong sa pagpapakalma. Chineck niya pa ang katawan ko kung may galos ba. Sa may palad ko lang ang may mahapdi dahil pinangtukod ko ito upang hindi ako sumubsob ng tuluyan sa lapag kanina. At ang aking pang upo na nabigla sa pwersa ng aking katawan pagkabagsak.
Nang nakita ito ni Leandra ay pinunasan niya agad ang aking palad. Gasgas lang naman yun. Hindi kasing lala nang nangyari sa iba. Muli akong napahagulgol dahil sa naalala.
"Ihatid nalang muna natin siya sa kanila." Pag-suggest ni Jerome.
"Hindi ba muna natin hihintayin yung ambulansya at ipatingin si Ivana?" tanong naman ni Leandra na nag aalala.
Agad akong umiling. Compare sakin, mas marami ang nasugatan ng malala at kailangan pagtuunan agad ng pansin. Sumang ayon rin si Jerome sa aking pag iling.
"Baka hindi lang rin siya mabibigyan ng pansin. Mas mabuting iuwi nalang muna natin siya at makapag pahinga." Tumango nalang si Leandra at inalalayan na ko.
"Kung may naramdaman kang kakaiba, magsabi ka kaagad ha!" Paalala niya pa.
Habang naglalakad kami palayo, I saw him again sa gitna ng mga nagkukumpulang tao. He was looking at his body and I couldn't tell his emotions because I can't see him clearly from our position.
The siren of the ambulance is nearing and my complicated life begins with that as slowly he rises his head and found me from afar.
YOU ARE READING
Ghost Has No Feelings
General FictionFrancis Ivana has the ability to see people from the other side; she can see them but cannot hold them. Her mother also has this ability, and she warned Ivana that she shouldn't be engaged to any of them because it will only make her life miserable...